Day 1

30 2 0
                                    

"Hi babe" ngumiti ako sakanya pagkapasok ko sa kwarto kung saan siya naka admit.

Pagkatapos kong malaman na tatlong araw nalang ang natitira para sakanya, pina admit ko siya kaagad at umasa paring pwede pa siya gumaling. But who am I kidding? Alam ko namang hindi na pwede.

Ngumiti siya pabalik saakin ngunit hindi ito umabot sakanyang mata.

"Pwede na ba akong lumabas ng ospital? I'll die soon and I dont want to die in a place like this."

A-alam niya na ba na tatlong araw nalang ang natitira para sakanya? P-paano?

"My doctor told me. I only have three days left and I dont want to spend it here." pagsasagot niya sa tanong kong hindi ko alam kung nabanggit ko ba ng malakas.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Wag ka nga magsalita ng ganyan! Hindi yun totoo!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sinabi niya.

"Stop lying to me. Alam ko kung ilang araw nalang ang natitira para sakin. I dont want to waste those remaining days" bakas ang lungkot sa mga mata niya ngunit mabilis rin niyang napalitan iyon ng isang ngiti. Isang ngiti na siyang dahilan kung bakit minahal at minamahal ko siya.

"Pero hindi naman natin alam kung totoo yun! No one can see our future, kaya walang patunay kung totoo nga yung sinabi ng doctor. " nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.

"Paano kung totoo nga? Hindi natin alam kung totoo nga ito o hindi. Just like what you said, no one can see our future. Im just preparing kung ano man ang mangyari. " tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa mga sinabi niya.

"I want you to live happily. Ayokong malungkot kang mamumuhay. When I leave, love again Zyra, forget about me and let yourself be happy. " pagpapatuloy niya sa mga sinasabi niya kanina.

Tumango nalang ako habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko.

Nandito kami ngayon sa condo namin ni Sean. Nagpumilit siyang lumabas ng ospital kaya wala akong nagawa kundi sundin nalang ang gusto niya.

About sa case niya, wala na daw talagang pag asa. Nagspread na ang cancer cells sa katawan niya hindi lang sa bone marrow niya.

It was hard to accept the fact that we cant stay together for a long time. Its hard letting go on someone especially if you hold on to them for so long, so long that it feels like your life depends on them.

I need to act happy for him. I dont want him to leave seeing me this devastated.

"Zyra! Our breakfast is ready!" Nakarinig ako ng sigaw galing sa kusina, at ofcourse kanino pa ba manggagaling yon?

Isinuot ko ang imaginary mask ko at ngumiti para ipakita sakanyang ok lang ako.

"11 na, breakfast pa ba 'yon?" Tanong ko sakanya pagpasok ko ng kusina. Ngayon lang kasi kami kakain.

"Uhm I mean brunch" bawi niya sa sinabi niya kanina.

I just chuckled and sat down beside him.

"Babe, pagkatapos natin kumain can we go somewhere? Nakakasawang tumingin sa ceiling" natawa ako sa huling sinabi niya.

"Sure, san ba tayo pupunta?"

"Anywhere" ngumiti ako sakanya at ipinagpatuloy na ang pag-kain ko.

Napatingin ako sakanya ulit dahil kanina pa siya patingin tingin sa relo niya na parang hindi mapakali.

"Its 11:11 already! Make a wish!" Parang excited na batang sinabi niya.

"Seriously? Naniniwala ka dun? At diba dapat 11:11 PM?" Natatawang sagot ko naman sakanya.

Three DaysWhere stories live. Discover now