CHAPTER 24 (UNEDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"...huh?" nakatingin parin siya sa lalaking dahilan kung bakit may karera ng kabayo sa loob ng puso niya. Buti nalang nakafocus na ulit si Japs sa pag-drive niya, kundi makikita niya kung gaano na kapula ni Rayne. Oh, hindi!

"Oh, bakit? Anong masama sa tanong ko? Natulala ka nalang dyan ah. Ayaw mo ba talaga sa akin, Crush?" sabay nag-pout si Japs. "Ang sakit naman."

"Hindi naman sa ganun. Ano, kasi..." Nagmamakaawa na ngayon si Rayne sa itaas na itigil na ang scenario na ito. Kailangan niya na bang magtapat ng pag-ibig ngayong gabi? Huwag po, hindi pa siya handa!

"Ayoko na, Crush. Tinamad na ako mag-drive. Di na kita ihahatid." At saka niya tinigil sa tabi yung sasakyan. Nagmamaktol parin siya parang bata.

"Hala, Japs naman eh..." Ngayon kay Japs naman siya nagmamakaawa. Aamin din naman talaga siya, hindi lang ngayon. Hindi parin siya sigurado sa lahat ng mga sinasabi ni Japs, ayaw niyang masaktan ulit. Mahirap. Hinawakan niya yung sleeves ni Japs.

"Kung akala mo makukuha mo ako sa pout-pout mo na yan," tinignan niya si Rayne at saka unti-unting nilapit yung mukha niya "well, tama ka."

Napaatras nalang si Rayne sa passenger seat habang namumula.

"Hahaha! Ang cute talaga ng crush ko. Ikaw naman, Crush. Syempre biro lang yun. Ihahatid talaga kita noh. Kung gusto mo pa nga, ako nalang driver mo eh. Pero, hindi libre yun ah." Sabay kindat kay Rayne.

Yung totoo lang, natutunan kaya ni Japs yun kay Vince? Tama na, Japs. Please lang. Nagkakagera na sa puso ni Rayne. Hindi na nakasagot si Rayne at umandar na rin ulit sila. Buti nalang binago na din ni Japs yung usapan.

Nabanggit ni Japs kung bakit nag-sshopping parin si Rayne kahit gabing gabi na. Ang sabi naman nito, favorite niyang hobby and stress reliever ang pamimili. Lalo na sa favorite store niya na Star Diamond Mall, kung saan siya madalas makita. Napatigil si Japs at nalaman ni Rayne na pamilya pala nila Japs ang may-ari nun. Maliban dun, tatay niya ay isa sa board of directors ng G Motors, ang pinakasikat na car company sa buong mundo. Pinagtaka din ni Rayne kung bakit hindi sila nagkikita sa Star Diamond Mall ganung sila naman pala ang may-ari nun. At hayun, nalaman niya na hindi lang pala isa ang kwarto ni Japs. Hindi lang rin dalawa. O tatlo. Kundi LIMA. At anong laman nung apat? Puro damit. Kaya para saan pa nga na pumunta siya ng mall?

"Ang yaman mo talaga!! Sa bagay, ikaw ba naman anak ng may-ari ng pinakasikat na mall at car company dito sa Pilipinas. Shocks. Dream ko yun!"

"Anong dream? Maging anak ng may-ari ng mall?"

"Nope. Magkaroon ng kwartong katulad nung sa'yo. Kung hindi lang strict ang parents ko when it comes to money. Pero okay na rin yun, I know how to limit my expenses. Well, most of the time." Sabay tawa si Rayne.

"Nga pala Japs, gusto mo labas tayo minsan?"

"Are you asking me on a date? Ikaw naman Crush, diba dapat ako magtatanong niyan? Kinikilig naman ako."

"Kapal mo rin noh! Wag na nga."

"Joke lang. Sige na, tara na!"

Natuwa si Rayne pero meron parin siyang inaalala.

"Pero wait, okay lang ba sa true love mo?"

"Ikaw na nga true love ko, diba Crush? Hindi ka ba talaga nakikinig sa akin kanina?"

"Hay nako, ang kulit mo Japs. Pero okay lang talaga sakanya ah?"

"Saan pala tayo pupunta?"

Iniwasan niya yung tanong ni Rayne. Nagtataka kasi siya kung bakit ayaw talaga maniwala ni Rayne na totoo lahat ng sinasabi niya. Oo nga't madalas siya may topak pero this time, he was really pouring his emotions out at heto si Rayne, parang wala lang sakanya.

"Uhm, sa Star Diamond Mall."

"Ano?! Bakit dun? Ayoko."

"Huh? Bakit naman?"

"Basta ayoko dun."

"Ganun? Huwag nalang."

"Pero..."

"Okay lang, Japs."

Hindi nila namalayan na nakarating na rin sila sa bahay nila Rayne.

"Okay."

Nasaktan si Rayne. Okay?! Ganun nalang yun? Tinanggal niya na ang seatbelt niya at pababa na. Pero bago pa niya mabuksan yung pinto,

"Okay, what time? At kailan tayo pupunta dun?" Pagkatingin niya kay Japs, aba, nakangiti ng wagas ang pating.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon