CHAPTER 18 (EDITED)

286K 5.3K 718
                                    

Update Date: 08/18/2018

*THIRD POV*

Para kay Ashanti. Yun ang tanging dahilan at ang pilit na sinasabi ni Ciara sa sarili niya kung bakit nasa pet shop siya kung saan siya susunduin ni Vince ngayon. Para lang kay Ashanti.

Ano nga ba ulit ang dahilan kung bakit may hinihintay siya ngayon?

*FLASHBACK*

Kasalukuyan na nagdidiwang ang buong Class 4-6 sa pagiging cheerleader ni Karissa. Pero kay Vince, iyon na ang tamang oras para malapitan niya si Ciara.

"Yours."

"Huwag mo kong mayours-yours."

"Ouch! Wala bang thank you?"

"Thank you sa puppy. Sana hindi ka na nagabala."

"By the way, iniinvite ka ni Ashanti sa bahay."

Hindi pinahalata ni Ciara na nagulat siya sa sinabi ni Vince. Sino ba naman ang hindi? Akala niya hindi totohanin ni Vince ang pagpunta niya sa bahay nila. Sa bahay ni Vince De Vera.

"Miss na miss ka niya kasi. Alam mo naman yon, minsan lang siya magkaroon ng kakilala na hindi namin kamag-anak kaya gustong gusto ka niya."

Hindi naman malaman ni Ciara kung anong gustong iparating sa kanya ni Vince. Pero sa totoo lang, naaawa siya kay Ashanti dahil pakiramdam niya napalungkot niyang bata. At dahil napamahal na sa kanya ang bata.

"Kailan ba ko puwede makapunta sa inyo? Saka anong way pala papunta sa bahay niyo para masabi ko sa driver ko?"

"This Sunday. Huwag ka na magpahatid sa driver mo. Susunduin na lang kita sa pet shop kung saan binili ko si Oppa. I'll pick you up by 10am."

Iniwan ni Vince si Ciara na nakatulala sa pwesto niya. Vince, pinaghandaan mo ba ang isasagot kay Ciara?

*END OF FLASHBACK*

Nakapila siya ngayon at mukhang siya na ang magbabayad kaya hinanap niya ang wallet niya.

"I'll pay for it."

Familiar sakanya yung boses na yun. Pero dahil nag-dive yata yung wallet niya sa kailaliman ng bag niya, wala na siyang pakialam.

"Miss, magkano po?"

"Ay ma'am, nabayaran na po niya."

At hayun na nga siya. Ang susundo sa kanya at ang kuya ni Ashanti, si Vince. Hindi na niya ikinagulat kung bakit todo pa-cute ang mga sales lady kasi maging siya, hindi niya ma-deny na ang gwapo talaga ni Vince. Pero, hindi na niya kailangan malaman yun. Lalaki lang ulo ng playboy na iyon.

"No, miss. I'm the one who'll pay for that."

"Ciara, nabigay ko na yung pambayad. Diba, miss?"

Killer smile. Dyan kilala si Vince. Eh ngayong nagamit niya sa mga sales lady, ano pa nga bang laban ni Ciara?

"Tama na nga yan."

"Ang sweet naman po ng boyfriend mo."

"Ang gwapo pa."

"Ay miss, hindi ko—"

"Syempre ganito talaga ako sa Yours ko."

"VINCE!!"

Tinanggal ni Ciara ang pagkakaakbay ni Vince. Kung ibang tao sana, pwede pa siguro. Pero dahil si Vince ang pinaguusapan, hindi ninais ni Ciara ang maging isa sa mga laruan ni Mr. Playboy. Hinding hindi.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon