JTBB: PROLOGUE

9.3K 308 22
                                    

🌈 Rainbow Deck 🌈

📖 Bearer Series I 📖

| JIAN: THE BOOK BEARER |











Malakas ang ulan. Madilim ang kalangitan. Dinig ang nag-ngingit-ngit na kulog at kidlat. Ang bagwis ng hangin na walang pinapalampas pero lahat ng ito ay balewala lamang sa isang nilalang makaligtas lamang.

Bitbit ang pinakamahalagang bagay sa kanyang kamay ay tinakbo nya ang masukal na kagubatan sa pagnanais na mailigaw ang mga humahabol sa kanya at sa mga nagnanais ng hawak nya bagay na pinipigilan naman nya.

Magkahalong kaba at takot ang naramdaman nya nang makita ang nasa harapan nya. Isang malalim na bangin at may napakalayong dulo. Humanap sya ng ibang daan ngunit huli na para maka-kilos. Magkasunod na sibat na gawa sa itim na buto ang bumagsak sa kanyang harapan.

"Wala ka ng matatakbuhan! Ibigay mo na sa amin ang hawak mo!"

Hingal na hinarap nya ang mga humahabol sa kanya. Dahil sa kidlat, kita sa mata ng mga ito ang nag-aalab na kasakiman para sa nais.

"Hindi nyo ito makukuha. Hindi ko papayagang makuha nyo ito!"

Puno ng katigasan nyang balik sa mga humahabol sa kanya. Sa kanyang isip ay hinding-hindi nya mapapayagang mangyari ang nais nila.

Malakas na halak-hakan na sinundan pa ng malakas na kulog at mabilis na pagliwanag ng kapaligiran dahil sa kidlat ang narinig nya.

"Hindi naman namin hinihingi ang pag payag mo, kukunin namin yan sa ayaw o sa gusto mo!"

Muli na namang nag-liwanag ang kalangitan na sinundan naman ng malakas na dagun-dong ng kulog.

Jian: The Book Bearer (BxB)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz