Page 2: Bwesit

4.4K 176 7
                                    

📖 Jian: The Book Bearer 📖

*****

Bwesit

*****


"Wag mo akong ma-mura-mura! Oo nga di ako nakatingin sa daan pero di yun sapat na dahilan para murahin mo ako! Di lang naman ikaw ang na-perwisyo!"

=====••

'JIAN LOUIS MADRIGAL'







Nang makababa ako sa Taxi na sinakyan ko ay puno ng inis kong tinignan ang makulay ngunit mukhang sosyal na Club sa harapan.

"Humanda ka talaga sa akin Ellie. Lintik lang ang walang ganti." Matapos kong sabihin ang mga pamatay na katagang iyon ay naglakad na ako papunta sa Club na ni-isang beses di ko pa napapasok at hindi ko inisip na mapapasok ko ngayon.

"I.D sir, below eighteen not allowed." Harang sa akin nong bouncer na halos pumutok na yung suot na damit sa laki ng katawan nya.

Isang malutong na irap muna ang tinanggap nya bago ko kinuha sa wallet yung I.D ko. As if naman na gusto ko talagang pumunta rito, kung makaharang sa daan ko... ei kung tusukin ko kaya ng karayom yung muscle nya.

"Uhmm." Sabay abot ko ng I.D pinakatitigan naman nya yun bago binalik sa akin at tumabi para makadaan ako.

This is it! Kaya ko to, makakalabas naman siguro ako ng buhay sa loob ng maingay at amoy alak na lugar na iyan. Hayyss.. Ellieeee!!

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay may kadiliman na kaagad at naglipana na ang mga masasamang espirito at mga maligno sa paligid, mukhang kailangan ko ng tulong ni Mang Jose! Anyways. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at iniwasan ang mga naglaladian sa paligid. May mga napapatingin rin sa akin pero wapakels sila, hindi sila ang pinunta ko rito.

Kada hakbang ko ay sumasabay ang malakas na kabog sa dibdib ko. Nakakainis kasing Ellie yun! Alam naman nyang hindi pa ako nakakapasok at HINDI KO INISIP na papasok ako sa ganitong lugar tapos dito nya pa ako naisipang papuntahin. Kagigil talaga!

Palinga-linga ako sa paligid para hanapin sya pero di ko sya makita, puro mga nagiinuman at nagsasayawan sa dance floor ang nakikita ko. Parang mga baliw na nagtatatalon sa saliw ng makabasag eardrums na tugtog.

Nang di ko pa rin sya makita ay inis akong tumabi sa isang gilid at kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko para matawagan na sya. Dial 8-7000! Isang bucket ng Chicken joy tapos sundae. Hihintayin ko na lang.. [ Ehem! Jollibee.. baka namaaan! Hehe ]

"Aba, ayaw pang sumagot ng babaeng 'to!" Inis kong sambit habang nag-d-dial ulit pero maya-maya lang ay may lumapit sa akin at hinawakan ako sa bewang.

Mabilis akong napalingon para tignan kung sino yun. Lalakeng maputi at may kalakihan ang katawan ang nakita ko, mukhang pala-away at may piercing sa tenga. Juskes!

"Hi baby!" May kalakasan nyang sabi malapit sa tenga ko. Medyo nangilabot nga ako ng tumama yung hininga nya sa leeg ko.

Mabilis akong kumilos at pwersahang inalis ang kamay nyang nakakapit sa bewang ko. Ito na nga bang sinasabi ko!

Jian: The Book Bearer (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon