Page 1: Jian Louis Madrigal

7.6K 220 40
                                    


[ Note: Gusto ko lang po na malaman nyo na habang maaga pa na Wholesome po tayo ha! Wag po kayong mag-expect ng mainit na tagpo kasi di ko kaya yun.. hehe wala pa akong experience dyan pero sige para sa inyo maghahanap ako ng experience agad agad.. hahaha CHAROT lang. Anyways, enjoy this First Chapter na lang. ]

📖 Jian: The Book Bearer 📖

*****

Jian Louis Madrigal

*****

"Naku, wala akong panahon sa mga katulad nya no! Di mo ba nakita yung mukha nya.. mukha syang fuckboy."

=====••






"ANAK!!! D'yos ko naman ang kupad mo talagang kumilos! Tanghali ka na!"

"Ayan na nga po, 'nay pababa na nanginginig pa! Tyaka ang O.A naman yata ng tanghali na, 'nay. Alas-syete pa nga lang ng umaga eh."

"O.A ka dyan! Baka gusto mong ibilad kita sa labas nang makita mo yang hinahanap mo." Nanlalaki pa ang mga mata nya kaya kamot-ulo na lang ako. "Kung maaga kang natutulog di sana ay maaga kang nagigising at hindi na kita gigisingin pa!"

Si Nanay talaga, ang aga-aga binubungangaan agad ako, ni hindi pa nga ako nakapag-almusal eh.

"Ano nga po palang niluto nyo for breakfast?" tanong ko na lang para maiwas na ang usapan. Juskes!

"Wala! Tinatamad akong paglutuan ka kaya pumasok ka na lang ng hindi kumakain." Hala!? Tignan mo 'tong si Nanay ang bad talaga sa akin.

"Nanay naman eh!"

"Nandyan sa lamesa tignan mo." sabi niya. Kaloka talaga!

Katulad nga ng sabi nya ay tinignan ko na lang kung ano nga ba ang niluto nya. Alam kong masarap yun kasi wala pa namang niluluto si Nanay na hindi masarap maliban sa sobrang pait nyang ampalaya with egg.

"Wow 'Nay! Adobo flakes at Sinangag!? Grabe favorite ko to!" Mukhang mapaparami ang kain ko ah. Talo-talo muna! Juskes!

Naupo na ako kaagad sa harap ng mesa kung saan may nakahanda ng plato. Sumandok na kaagad ako ng niluto nya, susubo na sana ako nang mapansin ang kabisera ng mesa.

"Nay. Si Tatay?" Saglit akong tinapunan ng tingin ni Nanay na nagliligpit sa lababo, saglit lang naman bago sya nagpatuloy ulit.

"Wag mong itulad sayo ang Tatay mo na tanghali na magising. Nasa trabaho na yun." Grabe naman si Nanay.

"Nay, grabe ka naman sa akin. Parang hindi nyo naman ako anak.." saglit, anak ba talaga nila ako? Kaya ba ganyan si Nanay sa akin kasi.. kasi..ampon lang ako?

"Waahh!.. 'Nay, totoo po ba? Ampon lang po ba ako?" Naluluha ko syang tinignan. Kita ko na napahinto si Nanay sa ginagawa nya kaya lalo akong kinabahan, dahan dahan syang humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay. Huh!?

"Baliw ka ba?! Ano bang pinagsasabi mo? Gusto mo bang i-kwento ko pa kung paano ka nabuo at paano ka lumabas sa sinapupunan ko?!"

"Whoi! Nay okay na po pala ako, oo nga po pala anak nyo ako hehe. Wag nyo na pong i-kwento 'nay ha." Grabe si Nanay, private na yun tapos ikekwento nya? JUSKES!

"Sige na, ubusin mo na yang pagkain mo ng makapasok kana.. kung ano ano pang sinasabi." Hmmp.. parang nag-tatanong lang ei.

"Pero Nay, hindi po talaga ako Ampon?"

Jian: The Book Bearer (BxB)Where stories live. Discover now