NIneteen

93.7K 1.8K 108
                                    

19

“Are you okay Mommy?” Halos mapatalon siya  nung marinig ang boses ng anak. Masyado na bang halata na kabado siya at pati ang anak ay napapansin na ito. She looked at him and tried to smile. 

“Of course. I am okay Nate.” Tumango lang ang anak niya at bumalik sa paglalaro. Napabuntonghininga siya.  She  walked out on her  father a while ago nung pumayag itong papasukin ang dating asawa sa pamamahay nila. Lumabas siya ng library at dumiretso sa kwarto ng anak at hindi sa kwarto niya. Praning na kung praning pero gusto niyang makasiguro sa hindi kukunin ni Michael ang anak niya. Hindi niya mapapayagan yun.

At ngayon, mahigit kalahating oras na nag uusap si Michael at ang ama niya. At sa bawas oras na dadaan lalong lumalakas ang kaba niya. Ano ang pinag uusapan ng dalawa na inabot sila ng mahigit 30 minutes?

Napaigtad pa siya nung biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang Yaya ni Nathan.

“Ma’am, magdidinner na daw po.” Napahinga siya ng malalim. She is becoming a nervous wreck. Nagbilang pa siya ng ilang segundo bago tumayo at niyaya ang anak na bumaba sa dining room. Siguro nakaalis na si Michael kasi nagyaya ng kumain ang Papa niya.

Pero nagtaka siya nung pumasok sa dining room at nakitang lima ang nakahaing plato sa dining table.

“Ya, sobra ata ang platong nakalagay.” 

“Hindi po Ma’am. Dito ata kakain ang bisita ni Sir. Nagpadagdag siya ng plato.” Sa narinig, gusto niya ulit tumakbo kasama ang anak paakyat sa kwarto nito. But even that is too late dahil nakita niya ang ama at ang dating asawa na pumasok sa dining room.

Naramdaman niya ang tiim ng titig nito sa kanya at hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Why did her father invited him to dine with them? Anong iniisip nito? Anong pinaplano nito? She wanted to asked her father pero hindi niya yun magawa sa ngayon.

“Rachelle, Michael Villegas will be joining us for dinner.” Sabi ng ama niya. Sa klase ng tono na ginamit nito, obvious na hindi nito hinihingi ang pahintulot niya. He is merely informing her.

“Okay.” Hindi niya alam kung saaan nakuha ang lakas na sabihin yun at sabay na napaupo sa upuan sa tabi ng ama niya. It was the most awkward dinner she had ever experience in her life. Ni hindi niya makuhang tumingin kay Michael. Halos hindi din niya malunok ang mga kinakain niya gaano man ito kasarap.

At nung nagkataong napasulyap siya dito, she saw him looking intently at her son tapos nabaling bigla ang tingin sa kanya. Agad siyang nag iwas ng tingin.

Laking pasalamat na lang niya na natapos ang dinner nila na hindi siya kinausap ni Michael. Si Michael at ang ama niya ang nag uusap mostly about business, politics and current events. Pagkatapos ng dinner niyaya pa ng ama niya si Michael sa may poolside para magkape.

At katulad ng nakaugalian, pumunta si Nathan sa entertainment room para manood ng cartoons. Siya naman umakyat sa kwarto niya para magbihis. Sa sobrang kaba niya hindi na siya nakapagpalit ng damit pambahay.  Pagkatapos niyang maligo at magbihis, bumaba ulit siya to check on Nathan . Usually sinasabayan niya itong manood. 

Pero pagkababa niya  nasalubong niya si Michael na papasok galing sa poolside. Masyado nang huli para umakyat ulit siya sa taas. Masyado na siyang magiging obvious. She was about to get past him nung nagsalita ito.

“How are you Rachelle?” Napatigil siya sa paglalakad. Ang bilis ng tibok  niya at napapikit siya. Hindi pa siya ready na makita ito at mas hindi pa siya ready na kausapin ito. Pero kelan ba siya magiging ready? It’s been five years. Hanggang kailan ba niya ito pagtataguan?

At ngayon nga na magkaharap na sila, kahit hindi pa siya ready kailangan niyang pakiharapan ito. Hindi na siya makakatakas. Kaya huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili bago ito hinarap.

“I-I’m fine.” Nautal pa siya nung sinabi niya yun.

“I can see it. You raise him well.” Mahina, madiin at kalmado ang pagkakasabi nito ng mga salitang yun pero ramdam na ramdam niya ang lamig sa tono nito. Ramdam na ramdam niya ang hinanakit at ang galit.  Nag iwas siya lalo ng tingin at hindi na nagsalita. Ano ba ang sasabihin niya? Alam naman niya na alam na nito ang totoo. Alam na nitong anak nito si Nathan. Hindi niya ipagkakaila ang isang bagay na alam niyang walang maniniwala.  Kaya pinili na lang niyang manahimik.

“And you’ve been very selfish Rachelle.” Hindi niya alam pero biglang nag init ang sulok ng mga mata niya. There is that word again. Aaminin niyang makasarili nga siya. Sinarili niya ang pagbubuntis niya, tinago niya si Nathan kay Michael sa loob ng mahigit apat na taon. May opportunity siyang sabihin dito ang totoo nung nagkita sila sa binyag ng anak ni Ana pero hindi niya sinabi. She is indeed selfish at masakit pala na manggaling dito ang mga salitang iyon. Kahit na nga ba tanggap niya ang katotohanang iyon sa kanyang sarili.

Lalo na lang siyang napayuko dahil a sinabi nito.

“Of all the things that you can do to spite me, bakit pa ang pagtatago sa anak ko ang naisip mo?” Napapikit siya at napakagat labi. Wala siyang maisagot. Wala siyang makitang rason ngayon. Samantalang dati, she’d got all the reasons kaya pinili niyang hindi sabihin dito ang totoo. Pero bakit ngayon, all those reasons becomes irrelevant. Ngayon , lahat ng rason na naisip niya dati ay walang saysay and it all boils down to one thing. Selfishness. Gusto niyang masarili ang anak.

“But nonetheless, I’ll give you time. Time to think. I won’t immediately exercise my right as his father. I’ll give you a week to tell him kung sino ako sa buhay niya. Just one week Rachelle.”

At iniwan na siya nito at lumabas ng bahay. Napahawak siya bigla sa malapit na dingding pagkasara nito ng pinto. Pinilit niya ang sarili niyang tumayo kahit na hinang hina na ang mga tuhod niya. 

Lucid IntervalWhere stories live. Discover now