Twenty-Four

66.2K 1.9K 99
                                    

24

“When you are so tired and down. Think of the good times that we had. Kahit na pagod na pagod ka na don’t ever think of not going home. Always remember that I will be waiting. Kahit na gaano ka katagal dumating, palagi akong maghihintay Michael.” She’ll always be waiting. Hindi niya alam kung bakit biglang bumalik sa alaala niya ang mga panahon na yun. Dahil na din siguro sa sinabi nito.

‘When you are so tired and down, Think of the good times that we had.’  And he almost forgot all the good times.

It was one of those nights when he found her sleeping on the couch on their Manhattan mansion waiting for him. Madaling araw na siya nakauwi dahil sa dami ng trabaho. Buong araw siyang nasa labas ng opisina at pagbalik niya kinakailangan pa niyng harapin ang mga papeles. And he lost track of time.

It was one of those times when he would carry her to their bedroom and when she wakes up, he would make love to her. No matter how tired he is. Kaya naman kahit na gusto na ng katawan niya na matulog na lang sa opisina kung saan may kwarto naman at kumpleto ang aminities, he would still go home to her. Dahil alam niyang naghihintay ito.  She always waits. At siguro nasanay na siya na ganun ang set up nila.

Kaya naman, hindi niya naisip na darating ang araw na uuwi siya na wala na ito. Ahh…the agony of losing her. For the first time in his life, he felt crippled. Pakiramdam niya nawala ang napakalaking bahagi ng buhay niya, ng pagkatao niya. At hindi niya alam kung paano pupunuin ang pagkukulang na yun sa sarili niyang paraan. At hindi niya alam kung bakit naging ganun kalaking kawalan sa kanya ang pagkawala ni Rachelle gayung hindi naman nagtagal ang relasyon nila. She’s like a tornado na bigla na lang dumating at bigla ding umalis pero  nung umalis, isinama ang lahat ng magagandang bagay sa buhay niya. Kaya naman, hindi niya ito kayang pakawalan. Kailangan niyang maibalik ang magagandang bagay na yun. At maibabalik lang ang mga iyon  kapag bumalik na si Rachelle sa buhay niya. Because she is the one who brings the good things in his life.

Kaya ngayon natatakot siya. Darating ang lola niya and he knew what she is capable of doing. At kung maaari, ayaw niyang magkaharap si Rachelle at si Gertrude Villegas. Ayaw niyang maranasan ulit nito ang naranasan nito sa US. Kahit hindi direktang mula sa pamilya niya, alam niyang minamaliit ito ng mga taong nakapaligid sa kanya. He didn’t paid any attention to it before dahil akala niya baliwala lang iyon sa asawa niya. Ngayon alam na niya at hindi niya hahayaang mangyari ulit ang bagay na yun.

Dahil natatakot siyang lumayo ulit ito kapag nangyari yun.

Kaya naman nagtatyaga siya ngayon sa paghihintay dito. Sa labas ng courtroom kung saan ito may trial. Dalawang oras na siyang naghintay at nung lumabas ito, hindi siya napansin at dire-diretso lang ito sa paglalakad.  Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan sa labas ng courtroom at pasimppleng sinabayan ito.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon