Eleven

119K 1.7K 158
                                    

11.

“Rachelle! Ano ka ba? Tutulala ka na lang ba dyan habang buhay?” Naiinis na sabi sa kanya ni Ella. Alam niyang inis na inis na ito. Or baka nga galit na dahil ilang araw na siyang ganito. Ilang araw na nga ba? 7 days? 8? 9? Ang totoo lang hindi niya alam. Wala na siyang alam. Halos lumuluitang na lang siya simula nung iwan siya ng asawa ng classroom. And 3 days after that incident she received the divorce papers na hanggang ngayon ay nakalatag sa study table niya. Ilang beses ba niyang binasa ang papel na ito? Hindi na din niya mabilang. But everytime she did, hindi niya mapigilang umiyak.

“Para matapos na ang lahat pirmahan mo na yan okay?” Singhal pa din sa kanya ni Ella. Kumuyom ang mga palad niya. She doesn’t want to sign the papers but she doesn’t have the reason not to sign it. Sure, she loves him, pero napuno na ito. He’d just had enough of her so called love. Of her so called selfish love.

He’d just had enough that he never bothered handing it to her. Siguro ni ayaw siya nitong makita. At yun pa lalo ang nagpasakit sa dibdib niya. Gusto niya bago niya pirmahan ang papel na yun, makita niya ang reaction ni Michael. And if she can see even just a flicker of hope or love in his eyes, hindi niya ito pipirmahan. She is now willing to through any lengths just to be with him. That is if he still want have her.

“Gusto ko muna siyang makausap Ella.” Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha niya.

“Gusto mo, pero ayaw nung tao. Kita mong secretary niya na lang ang nagbibigay ng lecture niyo. Bakit ba kasi…Hay naku ewan ko sa’yo Raice pero hindi kita pwedeng kampihan ngayon kahit kaibigan kita kasi ikaw ang mali eh. At sa totoo lang nanghihinayang din ako sa inyo. Ayaw ko ng magsalita pa kasi alam kong mas lalong sasama ang loob mo. Just do whatever you want to do pero please, tigil tigilan mo na ang pag iyak. Nagmumukha ka ng zombie.” At umalis na ito. Naiintindihan niya kung pati si Ella magalit sa kanya. Hindi nga naman nakakatuwa magkaroon ng kaibigan na hindi nakikinig sa payo mo tapos iistorbohin ka pa sa pagtulog.

Napatingin ulit siya sa papel and then to her phone. Kinagat siya ang mga labi niya at pinilit na magpakatapang habang kinukuha ang cellphone niya.

Nagbabakasali na naman siya. Ilang beses na ba siyang tumawag at ilang beses na din ba siyang nabigo. His phone is unattended or out of coverage area always. Hindi niya ito macontact kung kelan gusto niya itong kausapin. Sinabi ng Secretary nito na nasa US ito pero ayaw niyang maniwala.

Then she dialled his number. And it ringed. Mas lalong lumalala ang kaba niya that she is almost hiccuping.

At bawat ring parang hinuhugot ang hininga niya. It’s pure torture at gustong gusto na niyang I cancel na lang ang tawag pero may umuudyok sa kanyang ituloy na ang ginagawa niya since nasimulan na niya.

“Hello.” She heard the voice of a woman. Alam niyang foreigner ito dahil sa accent nito. Pero ang ipinagtataka niya, bakit ito ang sumagot sa private line ni Michael. Kahit noong mag asawa pa sila, hindi siya sumasagot sa private line nito unless he told her so. Sinabi din ba ni Michael sa babaeng to na sagutin nito ang phone dahil ayaw siya nitong kausapin?

And with that thought parang may tumusok sa puso niya.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon