Thirteen

122K 1.7K 150
                                    

13

Nagngingitngit siya tuwing maalala ang pinag usapan nila ng asawa sa classroom. Hindi niya din inakalang magagawa ni Michael na I-blackmail siya. Parang kailan lang halos lumuhod ito sa harap niya para bumalik siya dito pero ngayon, he doesn’t want anything to do with her. Parang ang bilis nito mag iba ng ugali. Napuno na ba talaga ito sa kanya? Ganun lang ba kadali mawala ang sinasabi nitong pagmamahal?

“I knew where he is. At may alam akong paraan para makausap mo siya.” Sinabi nito ang mga salitang yun na para bang ito ang napakawalang kwentang bagay sa mundo. Hindi nito alam na habang nagsasalita ito halos hindi na siya makahinga.

Ilang taon ba niyang hinanap ang ama? 3? 5? Hindi niya matandaan but she wanted so much to talk to him. Madami siyang gustong itanong, madami siyang gustong malaman, gusto niyang mabuo ang pagkatao niya at alam niyang ang makakagawa lang nun ay ang kanyang ama. She wanted answers only her father could give. And after so many years of not having any news about her father, she would hear it from her husband. At ginagamit ito ng asawa para matikis siya. Paano nito nakuhang mahanap ang ama niya na ilang taon niyang hinanap? Ganito ba talaga kalakas ang impluwensiya nito?

“Pumayag ka sa kondisyon ko and I will do anything para makapasok ka sa Mason. In that way, you will have an opportunity to talk to your father.” Noong una akala niya pinagloloko lang siya nito kasi ang pagkakaalam niya ang Freemason ay para lang sa mga lalaki pero sa US pala may mga babaeng Freemason according to her research para patunayan na din na totoo ang sinasabi ng asawa.

At ngayon, naguguluhan siya. Tatanggapin ba niya ang alok ng asawa na maging kasambahay ng pinsan nito for the sake of her grade and her father? Kaya ba niyang magpakumbaba ng ganun?

“Kung hindi mo ma take eh di wag mong tanggapin.  Ano ba naman ang mawalan ka ng scholarship at hindi makagraduate agad.  For sure pwede ka namang maghanap ng work para ipantustos sa pag aaral mo or gamitin mo na din ang trust fund mo na binigay ng asawa mo para naman mapakinabangan di ba? At regarding naman sa father mo, madami pang panahon para mahanap mo siya. Tandaan mo kahit ano pa yan, babae ka pa rin and you don’t have to stoop that low. Have a little self respect Rachelle. Hindi na ngayon uso ang slavery. Hayaan mo ang soon to be ex husband mo sa trip niya. Ginigipit ka lang nun para pirmahan mo na ang divorce papers. Ibigay mo na lang kaya ang gusto niya?” Napabuntunghininga siya sa sinabi ni Ella. Ilang beses na din siyang na tempt na pirmahan na lang at ng matapos na ang lahat. Pero ang bigat bigat ng dibdib niya kapag iniisip niya yun. Hindi niya talaga kaya. And soon she realized na ang dahilan pala kung bakit ayaw nagugulahan siya ay hindi dahil sa grades or sa father niya. It’s the fact that she can’t let him go. Kaya pumayag siya sa kundisyon nito.

And now for the past week, nasa bahay siya ng pinsan nito. Nakilala niya ang pinsan nito pati na din ang asawa nito. She’d witnessed their struggles in order to save their relationship. Nakita niya ang sakit na naramdaman ni Ana. At ang sakit pala na naramdaman niya ay wala sa katiting na sakit na naramdaman nito. She’d lost their baby. Ang sakripisyo na ginagawa niya para mapalapit ulit kay Michael ay wala sa sakripisyo na ginawa ni Ana para kay Ralph. At kung ikukumpara ang pagmamahal niya kay Michael sa pagmamahal ni Ana kay Ralph, para lang siyang nagkukumpara ng burol sa bundok. Ni hindi ata niya naipakita kay Michael kung gaano niya ito kamahal. While Ana gave up everything, even her pride.

But despite the inadequacy of the love that she felt towards Michael, nangangarap pa din siya na sana katulad ni Ralph, hindi din nag give up si Michael. Na sana kahit ilang beses niya itong nireject at kahit na ipagtabuyan niya pa ito, sana hindi naggive up ito. But he did. He got tired. Siguro nga, hindi pa kasing lalim ang pagmamahalan nila ni Mike kumpara kina Ralph.

Lucid IntervalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon