Nagkacrush, Nagmahal, Nasaktan

721 8 0
                                    

Crush ka niya,
crush mo siya,
kinausap kalang,
nahulog kana.

Ngiti'y 'di maiwasan 'pag nariyan siya,
ngunit may kasintahan ka,
may kasintahan siya,
'di kayo pwede sa isa't isa.

Sa bawat salita nyang "mahal ko siya",
tikim ang mga labi at walang magawa.
Matamis na ngiti ang binibitawan,
ngunit lihim na nasasaktan.

Natauhan ka nang mabatukan,
umiwas ang tanging paraan.
Puso'y labis na nagdurugo,
sa ayaw at sa gusto kailangang sumuko.

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now