“Ano? Di ba comatosed ka? So ibig bang sabihin nito patay na ko? Natulog lang ako ah.”

 

“Wish mo lang yan. Di ka pa patay, asa ka pa. Masamang damo ka. Nasa panaginip mo ako.”

 

Ngumiti uli siya. Panaginip daw? “Pano nangyari to?”

 

“Simple lang, nandito ako para liwanagan ang isip mong madumi. Linisin mo nga yan once a week. Naku naku. Kung di ko lang mahal si Jessie---“

 

“Mahal mo si Jessie?!” Nag-init naman agad ang ulo ko.

 

“Bilang friend, selos ka naman. May syota na ko.” Ngumisi siya. “Magsimula tayo sa katanungang ‘ano ang nararamadaman mo kay Jessie?”

 

Pinagsasabi nito? Magpapacheck up na talaga ako. “Wala.”

 

“May ibig bang sabihin yang ‘wala’ mo?”

 

“Mahal ko siya, satistfied?” Persuasive kasi yung tono nya so sinagot ko na lang siya.

 

“Ganun naman pala, bakit mo siya sinaktan?”

 

“Kesa naman ako yung una nyang masaktan pag umalis na sya.”

 

Lumapit sya sakin…

 

At…

 

Kinatok yung noo ko.

 

“Ewan ko sayo. Pero ikaw rin ang nawalan. Kung gusto mong mapabalik siya, puntahan mo siya sa ospital. Bago pa mahuli ang lahat.”

 

“Bakit ko naman gagawin----ahh!” Bumuka yung tinatapakan ko… “ahh!”

“Ahh!” Napabalikwas ako. Pinagpapawisan pa ako.

Ano ba namang panaginip iyon!

“♪♪♪Hoy Geoff Mandre! Gumising ka na nga! Ano ka ba? Hoy! Anong ginagawa mo? Nagse-cellphone? Gising na! ♪♪♪”

 

“Ahy puSangina!”

 

Inabot ko yung cellphone ko sa bedside table.

Incoming call, Angelie.

“Hello?”

 

“Hi, honey!you just woke up? Oh my!its ten am! Haha. Wanna have date with me?”

 

Nagdalawang isip pa ako. “Ah… o-okay.”

 

“Good! Lets meet at blah blah at 11:30 sharp! Bye! Mwah!”

 

At nawala na sya sa linya. Tss.

Di ko pa pala nabago yung ringtone ko.

Parang may pumipitik sa sentido ko. Nakakainis!ah Jessie!

Dinelete ko na yung nirecord kong boses nya…pero nirevive ko din agad.di ko kayang mawala yung boses nya sa CP ko. Kahit yun man lang.

“Argh.” Nakita ko rin kasi yung picture namin sa Baguio noon. “Pati ito, di ko idedelete.” Oh my. Panu ako makakamove on nyan kung lahat ng alaala nya, tinatago ko pa rin. Kaini na buhay oh!

At isa pa sa gumugulo ng utak ko ay yung walang kwentang panaginip na iyon.

11:30 am.

Here at blah blah resto.

Having date with Angelie na walang ibang ginawa kundi magpacute sa mga lalake doon. Walang kwentang date.

At natapos ang ‘date’ na iyon na may tumatak sa isipan ko.

***

Author: ‘Mandre’ po yung apelyido ni Geoff at talaga pong tinago ko pangalan ni ‘lola’... haha... o mas dapat kong sabihin wala akong alam na ipangalan sa kanila. Wooshoo! Sorry po kung medyo nakakainis na nakakabitin na boring…may spiders nga po kasi sa utak ko na naninirahan sa tagal na di ko nagamit.

Give Me a Reason to LiveWhere stories live. Discover now