[GMARTL16]

2.7K 94 12
                                    

[GMARTL16]

Geoff's  POV

Paglabas namin ng ospital, di na nagsalita pa si Jessie. Ako nga diretso tulog na lang eh. Naguguluhan tuloy ako sa tunay na relasyon ni Jessie tsaka ng Petriatico na yun.

Baka sakaling ngayong umaga eh okay na siya.

Bumaba na ako sa sala pagkatapos kung maligo… kalaro niya si Whity na ewan ko kung bakit sila nagkakaintindihan… "magandang umaga," bati ko .

Lumingon sya sa akin, "oo na, mas maganda talaga ako sa umaga,"ngiti, "charing!"

 

Tumabi ako sa kanila ni Whity… tila naging uneasy naman siya agad, cute. "So, magkaanu ano kayo nung Petriatico Macabangbang the fourth na yun, ha?"

 

Halos tumilapon si Whity sa pagtalbog talbog sa sofa dahil sa walang humpay na pagtawa ni Jessie, "hahaha! Petriatico! Hahaha! may 'the fourth' pa! Hahaha! ‘Peter’ na nga lang!"

 

Tawanan pa daw ako, don’t lose hope, Geoff, kaya mo yan!  "Kaanu ano mo ba?"

 

Di pa rin sya tumigil sa kakatawa at parang di man lang nya ako narinig.

"Hoy!" Medyo napalakas na sabi ko, "kita ko kasing ang gwapo eh…at halata namang di papansinin ang ‘kung sinu sino lang!’"

Jessie’s POV

Napatigil ako sa sigaw ni Geoff.

Para na rin kasi nyang sinabing walang papatol sa akin na kasinggwapo…tantantantan! Kasing hot…chenen! At kasing hot ni Peter!

“Ahy pasensya naman! Kabilang yata ako sa kung ‘kung sinu sino lang’ eh!”

 

“Pikon ka naman agad.”

 

“Ahy oo!” Pikon ako kasi siyam na araw na lang ang bibilangin ko sa daliri ko eh di mo pa ako nabibigyan ng dahilan para mabuhay! Muntik ko na nga yung maibulalas sa pagmumukha nya. Kainis to the max!

“Ex mo si Peter?”

 

Pake mo? “Hindi ah… kakakakilala ko lang sa kanya eh. Kaibigan ko… magiging anghel na siya.”

 

Siya naman ang tumawa ngayon. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

“Anong nakakatawa oy!? Bat ka tumatawa eh sa totoo yung sinabi ko? Sya yung nagassist sa kin sa langit nun… sya yung nagbigay ng misyon ko… at kung mamamatay sya, magiging anghel agad sya… pero pag sya nabuhay…” tawa pa rin sya ng tawa, “PAPAKASALAN KO SIYA!”

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon