[GMARTL22]

2.6K 85 16
                                    

[GMARTL22]

 

Jessie’s POV

(Come What May of Beauty and the Beast)

“♪♪♪Come what may…

Come what may…

I will love you…

Until my dying day♪♪♪”

 

“*sniff* panu ba yan katawan ko? Lilipad na tayo sa heaven bukas. Uwaa! Ba-bye na tayo keh ate Mylene… *sniff*”

 

Naramdaman kong nagkukumahog yung mga tao sa labas.

And then may mga doctor at nurses na pumasok sa kwarto.

Umiiyak naman si Mylene sa gilid habang yakap yung asawa nya. “Mabubuhay sya! Mabubuhay siya di ba?” Hysterical na si Mylene

“Bakit? Anong nangyayari? Ala? Ano?”Di ko magets yung mga sinasabi ng doctor. Basta ginagalaw nila yung katawan ko.

After a few minutes na kachurvaluhan, lumapit yung doctor keh Mylene, “guess this would be her last day. Kung suswertehin, aabutin pa siya hanggang bukas. Im really sorry pero katawan na rin nya ang sumusuko.”

 

What? Sumusuko? Hindi pa ako sumusuko!

Hindi nga ba?

Oo na!

Ganun ba yun? Pag masaya ako, may progress?pag malungkot, patay agad? K oh my. Pano ako magiging masaya kung ganito ang nararamdaman ko ngayon?

***

Geoff’s POV

“Where  am I?” hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko, mahamog yung lugar. Malamig din ang ihip ng hangin at puti lahat ng nakikita ko. “Hello? May tao ba dyan?” Hinahawi ko pa yung makapal na hamog bago ko nakita yung bulto ng tao. Lalake.

 

Nakangiti sya sakin. “Hi, Geoff.”

 

“Kilala mo ako?” Fan ko ba to?

 

Tumango sya ng bahagya. “Oo naman. Kilala kita, kilala ko pati kahuli hulihang ninuno mo. At pati na rin pala si Jessie, kilala ko.”

 

“Ha?” at teka, may kamukha siya… sino na nga ba??

 

“Tama ka, ako si Peter. Mabuti naman at naaalala mo ako.”

Give Me a Reason to LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon