CHAPTER 26 - THEIR Story

2K 68 8
                                    


CASSIE'S POV

Tulog na tulog ang bata. Halatang puyat na puyat nga. Nightmares daw eh. Napanaginipan ang ex.

Ano kayang nangyari sa kanila nung Ellisse na yun at parang iwas na iwas si Shan sa kanya.

Nung nasa classroom kami, lumipat siya ng upuan para lang makaiwas. Kanina sa cafeteria parang nag aargue pa ata sila. Tanaw ko habang palapit ako ng cafeteria eh.

Sino nga ba talaga sa buhay niya si Ellisse? At ano nga ba talagang nangyari sa kanila at nagbreak sila?.

I am so curious right now. But I don't think I am in the position to ask.

Baka maoffend pa si Shan tsaka parang ayaw naman niya magshare.

"Haaay."

"Hm? Bakit ka napapabuntong hininga diyan?"

Ay gising? Akala ko ba natutulog ito?

"Eh nagtutulug tulugan ka lang naman pala eh."

Tatayo na sana ako nang bigla niya akong yakapin.

"Please stay."

Bakit parang ang lungkot ng boses niya.

Bumalik ako sa pagkakaupo at siya sa pagkakahiga sa lap ko.

"Sino ba talaga si Ellisse?"

"Ah. My ex."

"Then?"

"Tinatanong mo kung sino siya. Sinagot na kita."

"Bakit kayo nagbreak?"

"LDR. Di niya kaya."

Umalis na siya sa pagkakahiga. Saka siya tumayo at humarap sa dagat.

"That was a year ago. Or almost? Not sure. Di naman ako nagbibilang.."

"Tapos?"

"I loved her so much. Lahat ng kaya kong ibigay ibinigay ko. Ganun din naman siya. She gave me everything she can. All the efforts. We're almost perfect. Akala ng mga friends namin di na kami magbbreak."

Huminto siya saglit. Ramdam ko yung hatred at sadness sa kwento niya. Though parang wala lang sa kanya yung pagkkwento.

"But one day tinawagan ako ni Dad. May pinaasikaso sakin regarding our business and yung kay kuya which is related naman sa course ko. Para na rin akong nag OJT. Napaaga nga lang hehe. Nagpunta ako sa States . Pero saglit lang. Half a month palang ngkakalabuan na kami. Anlabo talaga noh? Napakasaglit palang nun compared to our relationship na almost 2 years na."

"Ganun talaga siguro."

"Ha?"

Ganun talaga siguro. Hindi rin sa itinagal niyo nakabase ang relasyon. Kung hanggang kelan pa tatagal or kung kelan mananawa.

"Ah wala. Nevermind. Go push. Nakikinig ako."

"Ayun nga. Lagi kami magkausap sa phone. I'm distracted pero pinipilit ko pa rin talaga mamaintain yung communication. Then one time inopen ko messenger niya. She gave me her password long time ago but I didn't bother to open it. Yun din ang alam niya. Alam niyang di ko ugali magtingin ng account ng may account kaya confident siya siguro na di ko naman ioopen."

"Ow. Yun lang."

"Tapos, I was so shocked. May lagi siyang nakakachat. Tas eventually may nakita akong picture na may ibang kasama. Sa kwarto niya. Magkayakap sila."

"Totoo nga?"

"Yup. But still pinalagpas ko. Nako. Basta andami kong pinalagpas na kasinungalingan at kalokohan nun. Kasi nga mahal ko.. Minahal ko. Ayun. Look what happened to me. Helpless. Hopeless. Pathetic."

Rich Girl Meets Miss DumdumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon