Chapter 2 - Late na Naman

6.6K 115 3
                                    

Shan's POV

KRING!!!! KRING!!!

"Waaaah!!!!"
Hayup na alarm clock to. Araw araw nalang eh.

"Woy. Gising ka na pala."

"Woy ka din. Bakit ba andito ka, Shian? Ang aga aga nangingibang kwarto ka. Aba."

Bat kaya andito tong pinsan kong to? Ang aga aga nanggugulo sa kwarto.

"Kanina pa kita ginigising. Baka nalilimutan mong may training tayo ngayon?"

SHIT!!!! Wednesday pala ngayon. May training kami nang maaga ng tennis. Vice President pa naman ako sa Tennis Club sa school. At etong gunggong na to ang President. Lamang lang naman ng isang boto. Tss.

"Babangon naman ako ah! Can't you see may alarm clock ako. Layas ! Hintayin mo nalang ako sa baba."

"Tss. Babangon daw. Kanina pa kaya tunog nang tunog yan. Kung di ko pa tinutok sa tenga mo di ka pa babangon."

Bobo talaga tong pinsan ko. Kaya naman pala kala ko rapture na kanina sa sobrang lakas ng alarm clock ko e. Tinutok ba naman sa tenga ko.

"Engot ka. Dun ka na nga. Gising na ko. Pwede ka nang lumabas. Tsupi!!"

Ganyan kami magmahalan ng pinsan ko na yan. More pang aalipusta more love. Ganyan kami mag express ng sweetness. Sweet noh?

So ayun nga. Lumabas na siya ng kwarto. Ako naman tumakbo na papuntang CR. Actually late na talaga kami. Di ko nalang pinahalata na nagwoworry ako. Dahil malamang paparusahan na naman kami ng coach namin. Hahaha. Lagi naman. Sanay na yung abs ko.

Ambilis ko naligo. 30 minutes lang. Tapos nagbihis na ko. White na dry fit na shirt tapos black shorts and white shoes.

Then bumaba na ko.

"Ma'am Shan, nakahanda na po breakfast niyo."

"Late na po ako Nanay Medy. Kayo na lang po kumain nyan nina Tatay Ramon."

"Ay, ganun po ba? Sige po pala, Ma'am."

Tapos dumiretso na ako sa labas ng bahay kung san nakapark yung kotse kong Audi R8. Kulay Gray to. Kaya tawag ko sa kanya Gray hahaha. Sorna xD

"Antagal mo naman magprepare."

"Wow ha. Ambilis ko na nga eh. 30 minutes lang kaya ko naligo."

"Oo. Naligo. Eh yung pagprepare mo pa ng gamit at pagbibihis.?"

"Ewan ko sa'yo."

Sabay hagis ko ng susi ng kotse ko sa kanya. Nakita ko naman na ang ganda ng ngiti nya bigla.

Alam ko talaga kiliti netong pinsan ko na to. Ayaw kasi syang bilhan ng kotse ng parents nya. Pero meron naman syang motor. Ang ganda nga eh. Aprilia RSV4. Ang mahal kaya non. Pwede na sya bumili ng kotse kung tutuusin. Kaso mahal nya daw yung motor na yun e. Gift kasi sa kanya ng Dad nya yun nung 18th birthday nya. Kaya kung magkakakotse daw sya, gusto nya bagong bili. Tas may motor pa sya. Lengya. Sugapa to. Hahaha.

At eto na nga, dumating na kami sa gate ng school.

Pagkarating na pagkarating pa lang namin nagtitinginan na ang mga estudyante.

Bumaba kami ng kotse tapos hinagis ni Shian yung susi sa akin. Tapos hinagis ko naman kay Manong Fred, guard ng school namin. Dalawa silang guard pero mas kilala ko si Mang Fred. Dati namin siyang driver nung andito pa si Dad sa bansa. At dahil umalis na nga sila Dad, at ayaw ko ng driver, binigyan ni Dad si Mang Fred ng trabaho dito sa school na 'to. Tita kasi namin ni Shian ang may-ari ng Resville Academy.

"Mang Fred, ikaw na bahala sa baby ko ha?" Sabay kindat.

"Yes, ma'am."

Tumalikod na ko kay Mang Fred at naglakad. Maya maya pa naghiwalay na kami ni Shian. Engineering din ang course nya kaso Civil. Since 3rd year na kami, mga major subjects na. Magkalapit lng naman kami halos ng room. Mauuna lang ng konti yung kanya. Sabi ko sa kanya diretso na kami ng training. Kaso may idadaan daw sya saglit sa room nila. Nauna na lang ako naglakad papunta sa locker room.

Habang naglalakad ako nagbubulung bulungan sila. Ako ba pinagbubulungan netong mga 'to? Tinalasan ko pandinig ko. Baka mamaya ako pinagchichismisan nila. Yare sila sa akin.

"Kilala mo yung bagong student?"

"Yung maganda?"

Ay. Oo. Maganda talaga ako.

Pero di naman ako transferee ah? Di naman na ko bago. Luma na ako.

Nilakasan ko pa yung radar ko para makasagap ng chismis.

"Oo maganda nga. Tatanga tanga naman."

Teka? Di naman ako tanga ah? Ay baka naman hindi ako?

Teka nga. Makikichismis na lang ako.

"Ahm. Excuse me?"

"Hi Shan." Todo ngiti ng mga babaitang to.

"Would you mind if I ask kung sino yung pinagbubulungan nyo? Anlakas kasi ng bulungan nyo e. Hehe."

"Ah. Yun ba? Sabi nung isa.

"May transferee kasi. Ang ganda ganda. Nakakatomboy nga eh. Kaso medyo tatanga tanga." Singit naman nung isa.

"Naglalakad lang nadapa pa. HAHAHAHA."

Tawa naman silang dalawa. Nagpilit na lang din ako ng tawa.

Pambibirang yan. Sayang oras ko dito. Wala naman palang kwenta yung pinag-uusapan nila. Buset. Makaalis na nga.

Tinalikuran ko na sila at dali daling tumakbo papunta sa direksyon ng court.

Pagdating ko kumpleto na sila. Ten sila. Pang eleven ako. Oops. Teka. Bat 11 sila? Teka teka?

"Hoy, Shan! Bakit ngayon ka lang?"

"Dumating sa buhay mo Sir?"

Napakanta ako sa isip ko hahaha.

"10 rounds. 10 push-ups."

Shit. Sabi na eh. Sinunod ko na lang sya. Habang tumatakbo ako nagwawarm up sila. Nung natapos ako tumakbo na ko sa pwesto nila.

"Kelangan mo ng towel?"

May sumanggi sa braso ko. Nasa bandang likuran ko siya. Nakakatamad tignan.

"No, thanks."

"Nah. I insist."

Kulit naman neto. Dami alam. Nilingon ko na sya.

"Hmm. Kunin mo na kasi."

OMG.

-Ayan. Mahaba habang update ;)
Mamaya or bukas ulet :')

~Piper

Rich Girl Meets Miss DumdumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon