Chapter 9 - The Kiss

3.1K 88 0
                                    

Shan's POV

LATE ako nagising. Hindi ako nakatulog kagabi. Haay. Muntik pa ako malate sa 1st class ko.

"Huy Shan. Tulala ka diyan." Si Jace.

"Di ako nakatulog nang maaga."

"Nambabae ka na naman noh?"

Buset to. Babae agad inisip.

"Namo. Nasa bahay lang ako kagabi."

"Nasa bahay lang? Talaga ba?"

"Oo nga."

"Eh ba't puyat?"

"Si ano kasi."

"Si miss dumdum yan noh?"

"Pano mo nalaman?"

"Siya lang naman kinukulit mo ngayon. Wala naman nang iba."

"Ansarap kasing yakapin eh."

"Waaah? May ganung ganap na? Oh bat di ka makatulog?"

"Wala. Di ko rin alam. Hehe."

"Malala na yan dude. Pacheck up ka na."

May sumingit na epal. Si micahtok. Malakas mang-asar yan eh. Kung si Jace lagi ako sinusuportahan, si Micahtok lagi ako inaasar.

"Ewan ko sayo Micah."

"Pikon. Haha."

Natapos ang klase namin na nagbubulung bulungan kami tungkol sa mga babae nila. Lengya. Machichicks!

"Dude san ka maglulunch?"

"Cafeteria na lang."

"Tara pala sabay sabay na tayo."

Pumunta kaming tatlo sa Canteen tapos tinext ko si Shian na sumunod.

Umupo na kami sa may table namin. Oo sa amin. Walang nangangahas na umupo dito kasi alam nilang kami lang pumepwesto dito.

"Pikon, ayun yung chikababes mo di ba?"

Sabay nguso dun sa may di kalayuan na table. Nakita ko naman si Miss Dumdum na maganda.

"Di ko chicks yan. Ampangit pangit niyan eh."

"Pangit daw. Di ka nga pinatulog niyan eh." Sabat ni Jace.

"Aish. Bahala nga kayo diyan."

Tumayo ako saka lumipat ng table. Antok na antok ako eh. Tinawag ko yung lower year na  lalaki sa kabilang table at inabutan ko ng 500.

"Bilhan mo ko ng pagkain. Kahit ano. Basta malinis. Sayo na yung sukli."

Todo ngiti naman siya. Maya maya pa, bumalik na siya.

"Miss beautiful eto na po yung pagkain mo."

Tinignan ko yung binili niya. Menudo, rice tas may gulay na di ko alam ang tawag. Tapos coke.

"Thank you." Saka ko siya nginitian.

"Thank you din po sa sukli."

Todo ngiti siya hanggang pagbalik niya sa table nila.

Kumain na ako. Masarap naman yung binili niya. Thumbs up.

"Bakit mag-isa ka ata?"

"Pake mo ba?"

Alam kong si Miss dumdum yun. Nababadtrip ako sa kanya. Inaasar ako ng mga kaibigan ko dahil sa kanya.

"Ano bang problema mo? Nilapitan ka na nga kasi mukha kang kawawa diyan na mag-isa ikaw pa galit?"

Rich Girl Meets Miss DumdumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon