Chapter 7 - The Cost

3.2K 83 1
                                    


Shan's POV

"Alam mo napakaswerte ko sa'yo. Ambait mo. Antalino mo. Answeet mo pa."

"Sus. Bola mo." Sabay dutdot sa ilong niya.

"Sobrang thankful nga ko e. Kasi bilib na bilib ka sa akin. Ikaw yung number one fan ko."

"Syempre naman mine. Love kita eh."

"Talaga?"

"Oo naman. Ambait bait mo pa naman." Sabay kurot sa pisngi niya.

Todo ngiti naman siya tapos nilapit niya mukha nya sa akin. Para siyang puppy na nagpapacute sa harapan ko..

Tapos nilapit ko mukha ko sa kanya. Ikikiss ko na dapat siya sa lips...kaso...

KRING!!!! KRING~!!

Takteng alarm clock yan. Buset. Istorbo...

Di ko alam kung mababadtrip ako dahil napanaginipan ko na naman siya o matutuwa ako dahil may kiss na ganap 😂😂😂 hahahaha

Ang aga pa ah. Teka? Bat ang aga nakaset ng alarm ko. 6:30 ko sinet to, bakit 6am palang nagwawala na?

Bigla namang bukas ng pinto.

"Ayun naman. Buti maaga ka nagising."

"Buset ka. Ikaw na naman may pakana ng alarm alarm na yan."

"Alam ko namang late mo iseset yan eh."

"Woy ha. 8am pa klase ko. Anlapit lapit ng school."

"Sus. Matagal at mabagal ka kumilos. Don't me."

Alam na alam talaga ng pinsan ko mga galawan ko hahaha.

"Ano nang plano mo kay cute girl?"

"Sinong cute girl?"

"Sino pa ba? Edi yung nangahas na tumama ng bola diyan sa pagmumukha mo." Sabay tawa nya.

Tuwang tuwa pa. Nasaktan na nga panga ko.

"Basta. Ako na bahala dun."

Napangiti ako. May naiisip na kasi akong plano.

"If I know trip mo yung babaeng yun. Alam ko mga taste mo uy."

Trip ko? Ayy oo naman. Trip kong gantihan.

"Well, yes. I must admit. Maganda siya. Pero di yung katulad niya na tatanga tanga ang pinangarap ko maging girlfriend."

"Sabagay. Sa dami ng babae mo."

Lumabas nasi Shian at nagprepare nako. Tutal nabulahaw na rin naman ng alarm clock ang mundo ko sinimulan ko nang maggayak para makapasok ng school.

Si Shian ulit ang pinadrive ko ng kotse. Tuwang tuwa naman ang loko. Hahahaha.

Pagdating sa school, as always, tinginan na naman ang mga estudyante. Astig ba naman ng kotse ko e. Tapos ang ganda/pogi ko pa.

"Iba talaga karakas mo insan."

"Ewan ko sayo."

"Alam mo insan ang ganda mo."

"Alam ko."

Maganda naman kasi talaga ako.

"Kaso ang sungit mo."

"Wag mo na iddrive kotse ko ha."

"Joke!!!"

Ayan tayo eh hahahaha. Kotse lang panakot.

Diretso na naman kami ng lakad. Habang naglalakad ako nagsscroll ako ng facebook.. tapos biglang..

"Shit!"

Nabuhusan ako ng coffee!

Sino ba naman kasing tatanga tangang mangbabangga sa akin? At nabuhusan pa nga ako ng kape. Tsk. Yung uniform ko. Damn!!!

"Uhm. Sorry. Di ko lang kasi nakita na may--"

"Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Ha?"

"Ano kasi--"

"Ano? Kasi ano? Pano ako ngayon? Pano tong uniform ko?"

"Lalabahan ko na lang."

"Lalabahan mo ngayon? Sige nga. Anong isusuot ko ngayon."

Anlapit lang naman ng bahay. Pwede pa ko magpalit kung gugustuhin ko. Maaga pa naman kasi. NAkakatuwa lang makipagdiskusyon sa stupid na to.

Yes. Si Miss Maganda na Stupid na naman. Pano maglalakad tapos di titingin sa daanan.

"Ano palang gagawin ko?"

"Anong gagawin mo?"

"Oo. Para sa uniform mo."

"Since malelate na ako. Meet me this afternoon. After class. May ipapagawa ako sayo."

"Anong gagawin ko?"

"Basta mamaya. Pupunta tayo sa bahay ko."

Cassie's POV

"Pupunta tayo sa bahay ko."

Waaah? Ano daw? Pupunta sa bahay niya? Anong gagawin ko dun?

"Teka anong gagawin ko dun?"

"Wag nang maraming tanong."

Sabay kindat niya.

Halaaaa. Ano ba tong napasukan ko? Badtrip naman kasi tong professor namin nautusan ako mamili ng kape sa Starbucks sa labas ng school. Ayun tuloy natapunan ko si Shan. Haaay.

...

"Ano? Naku. Ingat ka diyan kay Shan." Si Sandra. Classmate ko. Siya yung mukhang nerd pero di naman pala talaga. Mabait at matino sya kausap.

"Hala bakit?"

"Machicks yang si Shan. Marami kasing babae at lalaki na nagkakagusto diyan."

"Ano naman connect nun?"

Anong connect nun kung machicks siya di ba?

"Tange. Balita ko kasi, pag may babae siya dinadala niya sa bahay niya tapos alam mo na.."

Di ko alam kung ano sinasabi netong si Sandra.

"Ano ba yun?"

"Virgin ka pa ba?"

"Ahhm."

"Virgin pa nga."

"Ano nga kasi yon?"

"Ayun nga, siyempre. May nangyayare."

o.O

Nanlaki yung mata ko. Perooo.

"Teka? Babae sa babae nagagawa yun?"

"Oo naman. Balita ko magaling daw yang si Shan."

Ano ba tong napasok ko? OMG. Bat naman kasi antanga ko eh T.T huhu. Sa dinami dami ng nabangga ko si Shan pa.

"Woy si Shan!"

May sumigaw na isa kong classmate. Nasa may pintuan ng room namin si Shan.

"Alvarez. Mamaya ha."  Tapos bigla ba namang kumindat. Tapos tumakbo.

"Yieeee~!!!!"

Kantyaw nila sa akin. At ayun na. Kanya kanyang bulungan na naman.

Kesyo babae daw ako ni Shan. Girlfriend niya. Sasaktan lang daw ako nun. Answerte ko daw. Ayy basta. Nako. Ni hindi nila alam na bunga ng katangahan ko tong inabot ko T.T

~~~~~~~~~~~~~

A/N:
Sorry sa late update. Nabusy lang. :) bawi ako guys :)

~piper

Rich Girl Meets Miss DumdumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon