46 (n)

73 5 0
                                    

"Alam mo anong amoy mo?" Naglalakad kami ni Crescentine sa gitna ng naglalakihang puno, sinusundan ang ibang studyante na papunta sa camp site. Tinignan ko siya at umiling, ngumisi siya ng napakalaki, "Amoy ipis." Sabi niya saka humalakhak dahilan para mapatingin ang iba samin.

Tinakpan ko bibig niya at pinandilatan siya. "Punyeta ka di ka nakakatuwa." Binelatan niya ako, "At least ako natuwa." At palundag-lundag na nagtungo sa camp site.

"Okay people, surround the fire!" Sigaw ni Dietha. Binaba ko mga gamit at pagkain naming dalawa ni Crescentine sa harap naming dalawa at sinimulang lantakan ang clover na paborito namin.

Napansin kong parang may kakaiba, para bang may tumititig. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nahuli ang titig ni Bangnito saming dalawa ni Crescentine, ay hindi, kay Tatin lang pala pero kasi nasa kanang balikat ko ang ulo ni Crescentine kaya parang nakatingin na rin sa'kin si Bangnito. Napansin kong sobrang lungkot ng mga mata ni Bangnito pero wala eh, I've had enough. Charot.

Sorry Banshee, kaibigan kita pero pagod na akong magparaya.

"Guys, tonight we're at the cliff of Moaksan Mountain. Masarap ang hangin dito diba? oras ito para malaman natin ang hindi pa natin alam sa isa't-isa, so napagdesisyunan namin ng SSG na mag-laro ng truth or dare!" Excited na sabi ni Dietha. Naghalong tuwa at dismaya naman ang reaksyon ng mga studyante.

Ako? ewan ko kung matutuwa ako.

Pero nung tumingin ako kay Crescentine na nakangiti, parang natuwa na rin ako. Hay nako, eto epekto mo.

Lumipas ang ilang oras, halos lahat na samin na nandito sa circle ay nakapag-truth or dare na, ang iba napahiya, ang iba napa-confess, ang iba napaiyak, halo-halong emosyon pero sigurado akong natutuwa kaming lahat.

Inikot muli ni Dietha ang bote at tumuro ito kay Crescentine. Naramdaman ko ang paggaan ng balikat ko dahil umupo ng tuwid si Crescentine. Tinitigan ko siya, siya na naka-ngiti kay Dietha na kanina pa pinapapawisan at parang gustong iikot muli ang bote.

"Okay Casper," Nanlaki ang mata ko at napalingon agad ako kay Dietha. Tinaasan ko siya ng kilay at tinuro ang sarili ko, "Ako ba?" Sigurado akong kay Crescentine iyon tumigil pero pagtingin ko sa bote, nakaturo sya sa maliit na gap in between samin ni Tatin.

"HINDI!" Tumayo si Crescentine dahilan para mabigla ang mga kasama namin at ako. "Oh Sorry," Sabi niya bago umupo ulit. "Hindi naman kasi kay Casper nakaturo."

"Do you want it to be you ba, Miss Kim?"

"Idiot it's really me naman in the first place." Siniko ko si Crescentine para paalahanan siya na kasama namin dito ang mga teachers namin pero tinarayan niya lang ako.

"Okay since gusto mo naman edi ikaw nalang." Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig doon, kahit na ayaw ko, nakokonsensya pa rin ako kasi Crescentine's gonna be the one who'll do it instead of me.

Bahala na nga si Madam Auring.

Tumayo si Dietha, "Stand up Tatin and stand on the end of the cliff." Nanlaki naman ang mata ko dahil doon, tinignan ko si Migoy na parang wala lang sakanya na tatayo sa cliff si Tatin, si Bangnito naman pawis na pawis, si Yvonne at Munggo wala kampante lang.

Ako lang ba ang neutral sa sitwasyon na ito?

Ako dapat ang tatayo sa tip pero ayaw ko din dahil aaminin ko matatakutin ako at ayaw na ayaw ko sa heights. Gusto kong pigilan si Crescentine pero I trust Dietha, alam niya anong gagawin niya.

Nonetheless, Crescentine happily obeyed the order. Nang nasa dulo na siya ng cliff, binalik niya ang tingin niya kay Dietha nang nakapameywang. Di mo makikitang takot siya o ano man, parang wala lang sakanya to.

Dietha sighed, "Now," Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Napatayo ako, pati na rin si Bangnito. Dilemma turned around and bore her eyes on me, "Jump."

Nanlaki ang mata ko at agad agad akong napatingin kay Crescentine. Nginitian niya ako bago siya tumalon.

putangina putangina putangina anong gagawin ko

"CRESCENTINE!" Sigaw nilang lahat at nagsitakbuhan sa dulo ng cliff. Nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko at parang kumirot puso ko.

Gusto niya na ba talaga mamatay?

Was I not enough?

San ba ako nagkulang?

Dilemma clapped her hands once, "Ngayon na tumalon na si Crescentine, I want the person that likes her so much will come after her. Be honest please and do it on your own will, the cliff's high."

Napakagat ako sa labi ko at pinikit ang mata ko. Pag tatalon ako, malalaman nilang gusto ko siya, pero hindi niya malalaman kasi hindi niya naman narinig yung condition. Pag di naman ako tatalon, edi sino?

Mababaliw na ako sayo Crescentine.

"Ako! Tatalon ako!" Sigaw ni Yvonne na siyang handa na tumalon at nasa dulo na rin ng cliff pero dali-dali siyang hinila ni Munggo, "Sa tingin mo ba matutuwa si Tat--CASPER!" Hindi na natapos ni Munggo ang sasabihin niya nang makita niya akong walang atubiling tumalon patungo sa dagat na nasa ibaba.

This is a now or never situation.

Pagsisisihan ko to pag di ko pa to ginawa ngayon.

Nang malapit na ako sa tubig, pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang masakit na hampas ng tubig sa balat ko. Dali-dali naman akong umahon para hanapin si Crescentine. "TATIN! ASAN KA!" Inikot ko ang tingin ko sa paligid at may nakita akong malalaking bato na malapit sa mountain at nakita ko don ang babaeng hinahanap ko.

"CASPER ANDITO!" Sigaw niya pabalik, narinig ko din ang pagtawa niya. Dagli akong lumangoy patungo sakanya at tumakbo papunta sakanya nung nasa lupa na ako. Nang nasa harap ko na siya, lumuhod ako at niyakap siya. "Alam mo nakakainis ka! Malapit na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mo!"

"So totoo nga?" Wika niya kaya humiwalay na ako. "Ano?"

"Gusto mo ako." Ani niya at tumingin sa mga kamay niya na nanginginig. Nanlaki ang mata ko dahil don at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Napakamot ako ng batok ko, "Ah, pano mo nalaman?"

"Hindi ka tatalon kung hindi mo ko mahal." Tinignan niya ako sa mata, "I told Dietha to make someone that likes me to come after me and you did. As expected."

"You knew?"

"Hindi ako bobo, engot." Napatawa naman ako dahil dun. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa malayo.

Ang awkward.

"That's good to know..." Bulong niya nang nakangiti.

🍑

AAAAA IT DIDN'T CAME OUT AS I EXPECT IT TO BE. SAD CHAR

so ano 12:49 am na jusko may pasok pa ko bukas gg HAHAHAHA SANA NAGUSTUHAN NIYA MGA IGSOON

Casper ° Jaehyunحيث تعيش القصص. اكتشف الآن