26 (n)

133 7 1
                                    

"Alam mo namang tag-ulan ngayon, bat ka nag-sleeveless? wala ka pa talagang suot na jacket! alam mo namang may sakit ka  diba!"

"Casper ano ka ba, kumalma ka nga. Besides, you brought a jacket naman. Nahulaan kong dadalhan mo ko ng jacket eh tsaka saglit lang tayo." Sinuot ni Crescentine yung dala kong jacket na para naman talaga sakin pero may pagka-lukaret nga itong babaeng to kaya sakanya  nalang yung jacket ko, mas deserve niya yun. 

Naglakad kami patungo sa arroz caldohan ni Aleng Kakang. Ewan ko ba dito kay Crescentine, lagpas curfew na pero gustong lumabas. Matigas talaga ulo tsk.

'Di ko maiwasang mag-nakaw ng tingin kay Tatin, naattract mga mata ko sa kanya? baka. Matapos akong kausapin ni Migoy tungkol dun sa deal namin ng mom nila, 'di na mawala si Tatin sa isip ko. 

Come to think of it, magka-ugali si Maleficent at si Crescentine.

Hindi, hindi tamang mahulog ako para kay Tatin kasi para siyang si Maleficent. Hindi tama yun. Hindi ko na mahal si Maleficent.

Hindi na.

"Hoy," Nabalik ako sa realidad dahil sa pag-tawag niya at napagtanto kong nakarating na pala kami. "Kulang nalang matunaw ako sa titig mo tsk ang ganda ko talaga." Sabi niya tsaka tumawa. Patalon-talon pa siya habang papasok ng arroz caldohan ni Aleng Kakang.

Kung hindi ko lang alam na may butas puso ni Tatin, hindi ko iisiping nasasaktan siya at may tanan na buhay niya. She's living life to the fullest and that's how it should be.

Naisip ko tuloy sila Draco hyung, kamusta na kaya sila sa Seoul? Hindi man lang ako nagpaalam. Kaya ayoko na din bumalik sa Seoul, nahihiya na ako. Matapos kong kunin ang lungs ng mom ni Draco hyung umalis lang ako ng parang bula. 

Ah hindi, may isang nakakaalam kung nasan ako...may babalikan pa ako. 

Tinawag ako ni Crescentine at kinawayan ako. Nasa pinakasulok siya ng arroz caldohan kung san walang makakakita samin, sa kung saan kami palaging pumepwesto kapag pumupunta kami dito.

"Kanina ka pa madaming iniisip minsan napapaisip din akong nag-iisip ka kung pano ka mag-cconfess sakin." Sabi niya saka tumawa. Tinaas niya middle finger niya kaya napakunot noo ko. Tumawa ulit siya, "You forgot na already? Middle fing is our peace sign tsk." I puffed and raised my mid fing too. Kung sa ibang tao iisipin nilang gago kami.

Well, gago naman talaga kami.

Dumating na yung inorder ni Crescentine at napagtanto kong sampung arroz caldo inorder niya. Kukunin ko sana yung isa pero pinalo niya kamay ko kaya kumunot ulit noo ko, "Mag-order ka ng sayo, akin to lahat."

"ANO?!" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Magkaka-stomach ache ka nito Tatin, naluwagan ka ba ng turnilyo sa utak?" Umiling-iling lang siya at nag-simula ng kumain. Napasumukot ako, "Tatin wag matigas ang ulo."

"Kumain ka ng iyo, bala ka dyan." Binelatan niya ko. Napa-tsk lang ako at umorder ng dalawa.

Nang makabalik ako sa lamesa namin, lima na nakain ni Tatin and I think...wow. "Halimaw ka friend." Nagsimula na akong kumain habang siya kalahati nalang yung nasa bowl niya. Kinindatan niya lang ako at biglang naging abnormal pagtibok ng puso ko. 

Kagaguhan.

"Anoh nga ulith sasabihin mo?" Wika niya habang lumalamon. Dumighay siya kaya napatawa kami ng sabay. "Bless me because no one one will." Ani niya dahilan para tumawa ulit kami. 

"Spill it, putla.

'Okay lang ba kung magka-gusto ako sayo?'

'Gusto ko sana maging akin ka.'

'Pwede bang tayong dalawa nalang ang magkasama?'

'Payag ka bang gustuhin kita?'

Ang daming nasa isip ko pero walang lumabas sa bibig ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin kay Crescentine na kinakain na ang pang siyam niyang arroz caldo. Inipit niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya at pinunasan ang labi niya. Bigla namang tumugtog ang paborito naming kanta na Ligaw ng Moonstar88. Inangat niya ang kanyang ulo at tinitigan ako pabalik. 

Parang biglang bumagal ang takbo ng oras, parang winiwisikan si Tatin ng glitters ng mga anghel,  ang ganda niya bigla. 

"Ikaw na nga."

Sa dinami-daming ideya na nasa isip ko, ito lang nasabi ko. Hindi 'to nangyari sakin noon. Ngayon lang at sakanya lang.

Siya na nga ba talaga?

Totoohanan na ba talaga?

Tama  ba 'tong pinasok ko?

"'Di makapaniwala kasama kita ngayon at walang hadlang.

Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan."    

Awit ni Maysh, nag-echo naman ito sa aking isip. 

"Ha? anong ako na nga?" Tumawa siya bago niya sinimulan ang pag-kain sa pang-sampu at pang-huli niyang arroz caldo. "Ikaw Jung ha, ipa-tokhang kaya kita? magkaka-pera pa 'ko."

"Iniipon ko lahat ng aking mga tanong, sana'y humina ang baterya ng ating relo." Sinabayan ko si Chito sa pagkanta, dahilan para mapapitlag si Crescentine at mabilaukan. Ngumiti lang ako at tinuloy ang pag-kanta. "Pwede bang hayaan mo akong basahin ka, parang ka kasi tula sana ako ay iyong katugma."

Hinigop lahat ni Tatin ang nasa bowl at ngumiti ng napaka-laki at tumayo. Hinila niya rin ako kaya tumayo ako. Kumembot-kembot siya at sinabihan akong sabayan siya kaya umindak din ako kasabay sa galaw ng kanyang beywang. Tumawa kaming dalawa.

Nakaka-miss sa Seoul pero kung ganto man ako kasaya araw-araw dito, okay na ako, kuntento na ako.

Bumilang si Crescentine, signal para magsabay kami sa chorus, "Hindi makapaniwala, kasama kita ngayon at walang hadlang. Hindi makapaniwala, ang sarap maligaw sa ating kwentuhan!

Sana ganito nalang kami palagi. 

Siya lang naiisip ko kapag napapaisip ako sa mga scenario na gaya nito.

Siya na nga talaga. 

Bumungisngis siya at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil dito. 

"Akin nalang yung arroz caldo mo?" Tumango ako sabay tawa. Bumalik siya sa lamesa at may kinuhang notebook sa bag niya at highlighter, saka may hinighligtan sa notebook.

🍑
  

ang tunog corny ko dun pero grabe nag-enjoy ako?

Ligaw by Moonstar88 ft. Chito Miranda. A MUST LISTEN! nagkataon lang na nagplay yung ligaw habang sinusulat ko to tapos sakto pa talaga sa scene aaaaaa

finally sure na si casper ! 1111!!

   

Casper ° JaehyunWhere stories live. Discover now