30 (n)

111 5 5
                                    

"Oh my God Jung nakakalimutan mo yatang swimmer ako noon?" Nakapameywang si Crescentine habang tinatarayan ako. Pinipigilan ko siya dahil alam kong mapapagalitan siya at ako kapag itutuloy namin 'to. "Crestella, noon lang 'yon. Iba na ngayon. Ba't mo ba palaging nilalagay sa pahamak sarili mo?" Inirapan niya lang ako at sinuot ang goggles niya.

Pumwesto siya sa diving board at tinignan ako. "Sige na please? Isang round lang, like titigil tayo if tapos na ang careless whisper. Sige na Jung please?" Nilakihan niya mga mata niya at ngumuso na para bang nagpapacute. 

I can never say no to this girl. If that's what makes her happy then why not.

"Sige pero titigil tayo kapag hindi mo na kaya ha at damay ka kung papagalitan ako." Nginitian niya ako ng napakalaki at tila lumundag puso ko sa saya.

Epekto talaga nito ni Tatin oh.

Pumwesto ako sa diving board na katabi niya at tinignan siya. "Munggo! Play the beat!" Napatingin ako sa operating room at nabigla na nakita ko si Munggo doon. Sabagay resident dj naman ito sa Munggo kaya alam niya na yang mga speakers hanash ng school.

"One...Two...Three!" At naramdaman ko ang pagsaboy ng tubig sa buong katawan ko sa pagtalon ko. Isa, dalawa, tatlo. Hindi naman ako swimmer, marunong lang. Ewan ko ba anong pumasok sa utak nitong loka-loka na to at hinamon ako magrace daw kami. 

Nang marating at kabilang dulo ng pool, nasa first chorus palang kami ng kanta at naunahan ko si Crescentine dahilan para magka-kumpyansa ako. Mas binilisan ko pa ang pag-stroke hanggang sa marating ko naman ang kabilang dulo. Pagdating ko sa kabilang dulo napansin ko ang kumpulan ng mga studyante at narinig ko din ang pito ng swimming coach namin. 'Di naman kasi oras ng Mapeh namin ngayon, bale umextra lang.

"Jung and Kim! Get out of the pool!" Sigaw ng swimming coach.

"FRENSHIPS ALIS NA KAYO DIYAN! GALIT NA SI MIGOY!" Sigaw ni Munggo sa microphone.

Malapit ng matapos ang kanta at napansin kong nahabol pala ako ni Crescentine. Wala na akong ibibilis pa, masakit na arms at legs ko.

Nang malapit na kami sa kabilang dulo, pinilit ko ang sarili kong lakasan pa ang pagstroke at naunahan ko nga si Crescentine. Nakangiti akong umahon, "Wala Tatin! talo ka talaga sak--" Natameme ako sa nakita ko.

Ang katawan ni Crescentine na nakalutang sa pool at hindi na humihinga. 

"Crescentine!" Sabay naming sigaw ni Munggo. Tumakbo pababa si Munggo habang ako lumangoy na patungo sa katawan ni Crescentine. "Jung, dalhin mo siya dito! I-CPR mo sya!"

Pinuwesto ko si Crescentine sa sahig at pinakiramdaman ang pulso niya. "Coach wala na siyang pulso!"

"Marunong ka naman mag-CPR! Kapag hindi ka nakapag-perform ng CPR ibabagsak kita sa subject ko!"

Napalunok ako at tinignan ang maputlang labi ni Crescentine. Nanginginig na ang buong katawan ko. Ito naman kasi si Crescentine eh! Sabing wag pagurin ang sarili! Aisht!

"Sige na Casper! Dali na!!!" Humahagulgol na si Munggo na nasa harap ko. 

La nah q choice. 

Onti-onti akong lumapit sa mukha ni Crescentine, dahan-dahan.

Ayan sa sobrang bagal ko bigla siyang umubo at natalsikan ako ng laway at tubig na binuga niya sa mukha. Dumilat siya at nanlaki ang mata niya ng makita ang mukha ko na malapit sa pagmumukha niya. "JUNG ANONG GINAGAWA MO!!!"

🍑

manhid si crescentine or torpe si casper

Casper ° JaehyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon