/8/ Clash

107K 4.8K 2.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


THE next moment we knew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE next moment we knew... we're being surrounded. Sa harapan namin ay ang lalaking may pakana ng force field na bumabalot sa buong paligid, kaya hindi kami basta-basta makakatakas sa ngayon. Sa East, nakatayo ang isa pang lalaki na may mahabang buhok, maputlang maputla at nakasuot ng Yukata. Sa West, taas noong nakatingin sa amin ang babaeng may Platinum blond hair at naka-Goth fashion. Sa South, nakaabang naman sa amin ang isa pang lalaki, Chinese ito at nakasuot naman ng all black. May isa pa silang kasama ngunit hindi namin ito nakita, yung Telepath na sinasabi ni Cairo at umaatake sa kanya.

Para kaming mga daga na nagsiksikan bigla habang napapalibutan ng mga malalaking pusa na handang handa kaming dakmain anumang oras.

"I can't read their thoughts," sabi ni Cloud. Hinawakan ko yung kamay niya, hindi ko alam pero iniisip ko na lang na mas lumalakas ako kapag nandyan siya.

"You certainly can't dahil pinuprotektahan sila ng Telepath nilang kasama," nagawa pang magsalita ni Cairo kahit nahihirapan, halatang nilalabanan ang sakit. "And you have to protect us, Cloud."

"And that means I cannot use my power to attack." Sagot ni Cloud kay Cairo.

"A-anong gagawin natin?" Sabi ni Pascal na may nababahalang tono.

If only we can stop time and think about it for long, pero imposible 'yon ngayon. Maiksi lang ang oras para mag-isip dahil anumang sandali ay handang-handa na silang umatake. Hindi namin alam kung anong kapangyarihan ang mayroon ang tatlo pa nilang kasama at hindi rin namin sigurado kung alam nila kung ano ang kaya naming gawin. Pero sa tingin ko ay hindi. Naghihintayan kami ngayon kung sino ang unang aatake.

"Kung hindi ka makakaatake gamit ang kapangyarihan mo habang pinuprotektahan ang thoughts namin, it means ganon din yung Telepath na kasama nila," sabi ko. Napatingin ako sa lalaking may gawa ng force field. "Kung gusto nating makatakas dito kailangan natin siyang patumbahin para mawala ang force field sa paligid." Dahan-dahan itong umatras papalayo sa'min.

"Too bad, Jill, mukhang kailangan muna nating patumbahin 'tong tatlo na 'to." Sabi ni Finnix at nakita namin na tumakbo paalis yung lalaking may gawa ng force field para magtago, so it means na ang powers niya lang ay gumawa ng shields at force field.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon