fourty two

1.4K 43 34
                                    

"Tsk, puro ka kalokohan" binigay ko sa kanya yung tubig at pinainom siya.


"Totoo tong sinasabi ko, maniwala ka"


"Hindi na ako nakikipaglokohan sayo ha" ang pagmamanda ko.


Lumingon ako sa kanya nang makita sya na wala nang malay.


"hoy" ang sabi ko habang kinukurit kurit ang pisngi nya. "hoy, gumising ka dyan! Aalis na tayo"


Hawak ko parin ang pisngi nya nang iminulat nya ang kanyang mga mata.


"kiss me"


"ha?"


"I said, kiss me"


"kiss me mo sarili mo" tinanggal ko sa kanya yung kamay ko at naglakad na ako papalayo.


'eksena sa kotse niya'



"Charmaine~" Tuloy lang ako sa pag dadrive.


"huy! bakit hindi mo ako kinakausap?"


"tumahimik ka"


"ang bad mo talaga sa'kin" Itinigil ko ang sasakyan sa isang tabi.


"hala, bakit tayo tumigil dito?" Naglilingon sya kung saan saan.


"Bibili lang ako ng tubig para ibuhos sayo nang magising ka na sa katotohanan"


Bumaba ako ng kotse at bumili ng tubig atsaka isang malaking plastic. "Oh, inumin mo" habang inaabot ko sa kanya yung isang boteng tubig.


"teka, naubusan na ba tayo ng beer kaya tubig nalang ang inaabot mo sa'kin ha? Sabihin mo dyan kay Zach na kumuha pa ng beer" inilagay ko nalang sa tabi nya yung tubig at inistart ang sasakyan.


Habang nag mamaneho ako puro kalokohan, kakulitan at kadaldalan ang bumalot sa buong byahe namin pauwi.


//fast forward//


"andito na tayo, gumising ka na dyan" ang sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt sa katawan nya.


"Charmaine.."


"ano?"


"I want to say something" nang matanggal ko ang seatbelt nya, naupo ako ng maayos at pinagmasdan sya.

My Worst Enemy is my Fiance'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon