twelve

1.8K 122 9
                                    


Umuna na akong umalis sa kanila matapos kong malaman na wala palang nangyaring masama sa pervert na iyon. Kahit na paulit-ulitin kong sabihin na nag ba-back out na ako sa plano nya, tinititigan lang nya ako at hindi iniimikan. 


Bahala sya, basta ako ayoko na. Pero itaga nya sa bato, kapag pinagpatuloy nya ang plano nya na gamitin ako, hindi ako magdadalawang isip na gamitin din sya. 


Nang makarating ako ng bahay, nakita ko si Johnny na nakabantay sa may gate. 


"Charmaine"


"Joh- Johnny? bakit ka nandi-"


Hinila nya ang braso ko papasok ng mansyon. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko.


"Johnny teka bitawan mo nga ako!" tinulak nya ako paupo ng sofa. 


"Bakit gabing gabi ka na?"  naka jacket sya ng itim at sa loob naka uniform parin sya. 


"ano naman ngayon sa'yo kung gabi na ako umuwi?"


Naupo sya sa tapat ko at hinilot ang ulo nya "Charmaine, bakit hindi mo sinabi sa'kin na kayo na pala ni Hakuryu


Nablangko ako "sino namang may sabi sayo?"


"hindi na mahalaga kung sino. pero Charmaine bakit sya pa?"


"Johnny" tumayo ako at pinuntahan sya "kung sino man ang nagsabi sayo non, hindi yun totoo"


Magka eye-to-eye kami at naaaninag ko sa mga mata nya ang pagkahina "magtiwala ka sa'kin" ang sabi ko sa kanya. 


niyakap nya ako "Charmaine, sorry kung nasaktan ka sa ginawa ko kanina. Sa totoo lang hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil nasaktan ako sa nalaman ko"


Niyakap ko din sya pabalik "naiintindihan ko"


"may tiwala ako sayo Charmaine" tinanggal na nya ang mga kamay na nakayakap sa'kin "alam ko namang hindi mo ako lolokohin"


Nakangiti ako sa kanya habang magkahawak ang aming mga kamay "I love you" in his sincere tone. 


Inilapit nya ang kanyang mukha papunta sa'kin, hinawakan nya ang pisngi ko at binigyan ako ng napaka heart warming na halik. 


Naamoy ko ang napaka sweet at ang bago ng kanyang katawan.  


Not bad for my first kiss


'kriing'


Hiniwalay nya ang kanyang labi sa'kin at kinuha nya ang kanyang cellphone. 


"oops, Dad's calling" at pinapakita nya ito sa'kin. 


"go answer it" nag sign sya sa'kin ng just five minutes at tumayo sya papaalis para sagutin ang tawag ng Daddy nya. 


Sa pagkakaalam ko malayo ang loob ni Johnny sa Daddy nya  and he also mentioned that  his Mom is suffering form Glaucoma.


Hinawakan ko yung labi ko nang maalala ko kung paano ako hinalikan ni Johnny. So, ganito pala ang feeling ng mahalikan. I'm so glad na sya ang unang naka halik sa'kin. 


"akala ko ba, magaling yung doktor na kinuha mo!?" napalingon ako sa kinaroroonan ni Johnny. 


"paano ba ako kakalma kung delikado ang lagay ni Mama" nag ka-crack yung boses nya pero ipinapakita parin nya na malakas sya. 


Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan nya at nang mapansin nya ako, ibinaba nya ang cellphone nya. 


"Johnny"


Kagaya ng dati ngumiti sya sa'kin kahit na alam kong pinanghihinaan na sya ng loob. 


"Johnny, don't smile at me"


"bakit?"


"ayoko na pinipilit mong ngumiti na para bang wala kang problema."


nawala ang ngiti sa mukha nya  "gusto ko namang ipakita mo sa'kin ang ibang side mo, puwede mong sabihin sa'kin ang nararamdaman mo"


Inayos ko yung jacket nya "nandito lang ako"


Napag-usapan namin ang kondisyon ng Mommy nya and I try to comfort him kagaya ng pagko-comfort nya sa'kin noong iniwan kami ni Mama. 


"naiinis ako kay Dad kasi lagi nalang nyang sinasabi na wala na kaming magagawa which is marami pa namang puwedeng gawin para mailigtas sya" he pause and suddenly he cleared his throat "sometime hindi ko mapigilang isipin kung minahal ba talaga ni Dad sa Mama o minahal lang nya ito dahil sa pera"


"Johnny, huwag mong pag-isipan ng ganyan ang Daddy mo"


"Charmaine, galing kami sa hirap at noong dumating si Mama unti unti kaming umunlad at nabuo ang pamilyang inaasam ko. Pero kahit na alam kong buo kami parang wala hindi parin, may kulang parin"


Hinahaplos ko ang likod ni Johnny habang patuloy nyang inilalabas ang nararamdaman nya "mahal na mahal ko si Mama, kahit na alam kong nahihirapan na sya sa kalagayan nya ipinapakita parin nya sa'kin na parang wala lang yun. Ayoko syang mawala, sya ang pinaka unang babaeng minahal ko ng sobra" inayos nya pataas ang buhok nya "sumunod ka pa Charmaine"





My Worst Enemy is my Fiance'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon