thirty six

1.1K 50 0
                                    

Nang makaalis siya  tumawag sa'kin si Zach at sabi niya na umuwi daw kaagad ako sa bahay kasi nagluto siya. 

Habang naglalakad ako papunta sa parking area, may humarang saking lalaki. 

"Sino ka?" tinaggal niya ang sumbrelo at nakita ko si Johnny. 

"Gusto kitang makausap." amoy alak siya at mukhang wala sa sarili. 

"aalis na'ko, next time nalang" nilagpasan ko siya. 

"Kausapin mo'ko Hakuryu Lee!" sigaw nito. 

"Ikaw na ang nanalo sa'tin! Ikaw na talaga!" huminto ako at nilapitan siya. Nakakahiya talaga tong lalaking 'to. 

"umuwi ka na at magpahulas." habang tinitingnan ko ang mga taong nakatingin sa'min. 

"hahaha!" tinapik pa niya ako "kailangan pa kitang makausap."

"kapag hindi ka na lasing saka mo'ko kausapin."

"pero gusto kitang kausapin!" hindi na'ko nakatiis kaya hinila ko siya papasok ng isang restaurant. 

'eksena sa isang restaurant'

lambot na lambot siyang nakaupo "Tsk, bakit mo ako dinala rito? Dahil ba gusto mong magsaya tayo dahil natalo ako at ikaw ang nanalo dahil sayo na si Charmaine ha?"

"diba gusto mong makipag-usap? heto na."

tumawa nanaman siya, halatang halata na wala na siya sa sarili. "ingatan mo ang pinakamamahal kong babae na si Charmaine Gil" tinuro niya pa ako.  "Hindi nya ako sinagot kasi ikaw ang nasa puso't utak nya"

tahimik lang akong pinapakinggan siya "alam mo napaka suwerte mo, kasi hindi ka naman nanligaw sa kanya pero ikaw ang gusto niya. " tinuro niya ang sarili niya "samantalang ako? sa tagal ko nang nanligaw sa kanya hindi parin niya ako sinagot!" hinampas niya yung table. 

"Alam mo bang sobra sobra na akong nasasaktan!? Dahil puro ikaw nalang! Ikaw nalang lagi ang nasa isip nya! Kahit minsan hindi ko naramdaman na naging mahalaga ako sa kanya, hindi ko naramdaman na nag aalala ba sya sa'kin.." nag iiling siya at nagpipigil ng pag iyak. 

"Johnny, mahal ko rin si Charmaine." tiningnan niya lang ako saglit at tumingin siya sa bintana. 

"Iniiwasan ko siya at bumalik ako sa pagka bad boy at pagiging cold kasi yun lang ang tanging paraan na naisip ko para mapalayo sya sa kapahamakan. Para kung sakaling may mananakit muli sa kanya, mapoprotektahan ko na sya at mababantayan"

pinalakpakan niya ako "Sana nga tama na ikaw ang gusto niya sana  deserving ka para sa kanya."

Tumawag siya ng waiter at nagpadala siya ng alak. 

"Sa ngayon ikaw ang nanalo, pero kapag nalaman ko na sinaktan mo siya.."tinitigan niya ako "aagawin ko sya sayo"

//CHARMAINE'S POV//

'eksena sa kwarto'

Nagmumukmok ako at nagdadrama rito. 

"Iha?" pangangatok ni Manang ng pintuan. 

"Manang sabi ko naman na hindi nga ako kakain!" sigaw ko. 

"Sayang naman yung niluto ko, tsaka baka magkasakit ka niyan. "

"hindi ako magkakasakit." humiga ako sa kama at hinila ang kumot "malakas ako." sabay iyak. 

Muli siyang kumatok "Iha, tandaan mo madaming tao ang hindi nakakakain!

Tahimik akong umiiyak, bakit ba nangyayari sa'kin to'? nagkamali ba talaga ako ng pinili? dapat ba na si Johnny nalang yung minahal ko?

"Daddy.." bulong ko habang patuloy na umiiyak. 

Daddy, umuwi ka nalang rito. Mas kailangan kita ngayon Daddy. 

Nagbukas ang pintuan at nakita ko si Manang na nakapasok ng kwarto ko.

"Iha" binigyan nya ako ng mukhang nag aalala at nilapitan niya ako sa kama. 

"Gusto ko munang mapag isa" nakahiga parin ako at taklob ng kumot ang mukha ko. 

Pakinig ko ang paglakad niya hanggang sa tumabi na siya sa'kin sa kama at hinaplos ang aking likod. 

"Sa lahat ng mga problema mo wala kang sinasabi sa'kin. Narito naman ako eh, narito ako palagi para sayo." lalong bumibigat yung pakiramdam ko, lalo akong naiiyak "Kaya iha, kahit ngayon lang ituring mo ako hindi lang bilang Manang kundi pati iyong nanay"

Pinili kong manatiling tahimik kasi ayokong may nakakakita sa'kin na nagkakaganito ako dahil sa lalaki. Ayokong nagmumukha akong mahina. Ayoko na kinakaawaan nila ako. 

Niyakap niya ako, yung yakap na pakiramdam ko siya yung Nanay ko. Yakap ng isang magulang lang talaga ang kailangan ko. 

"siguro nga kailangan mong mapag isa." bumaba siya ng kama at naglakad palabas. 

Nang maparinig ko na isinarado niya ang pinto tinanggal ko ang aking kumot. 

"Johnny, sorry.."

'flash back'

Nakatitig kami sa isa't isa habang hawak hawak nya yung kamay ko.

"Charmaine, will you be my girlfriend?"

Halos hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko inaasahan na itatanong na niya sa'kin ang bagay na yun. 

Tumulo ang mga pawis ko, hindi ko alam kung anong magiging sagot ko. Ang tahimik ng paligid at lahat ng mga taong narito ay nakatingin sa'min. 

"Charmaine?" pagtawag niya sa'kin dahil nawala na ang tingin ko sa kanya. 

Napakurap ako ng ilang beses "Johnny, tumayo ka nga diyan" nakangiti kong pagsasalita. 

Ngumiti naman siya at tumayo. Nakatitig siya sa'kin at alam kong hinihintay nya yung sagot ko. Sorry Johnny pero hindi ko kayang sagutin ka. Tumulo ang luha ko at niyakap siya. 

"I'm sorry.." bulong ko sa may tenga niya. 

Nagsigawan ang mga tao at hindi ko alam kung bakit. 

"Johnny, sorry pero hindi ko kaya." inilagay niya ang kamay niya sa likod ko at naparinig ko nalang na umiiyak na siya. 

"Johnny?" hinawakan ko ang ulo niya "Mahal kita pero as a friend."

Humiwalay sya sa'kin at pinunasan niya ang kanyang mata "naiintindihan ko." at kahit na alam kong hirap na hirap na siya pinakita parin niya sa'kin ang kanyang mga ngiti.

hinawakn niya ang dalawa kong kamay "Charmaine alam ko naman na si Hakuryu ang nasa puso mo at siya ang gusto mong makasama."

He giggled "pero huwag kang mag-alala sa'kin kasi magiging ok din naman ako tsaka.." inilagay niya yung buhok ko sa likod ng tenga ko "ang gusto ko ay yung ikasasaya mo, at hindi ako magbabago narito parin ako para sa'yo."

'end of flashback'



My Worst Enemy is my Fiance'Where stories live. Discover now