twenty eight

1.1K 57 16
                                    

"Ah, ba-bakit ko naman sayo sasabihin. " Pagmamatigas nila.

Nagkatinginan kami ni May Maine.

"Sabihin mo na, bago ka pa tamaan ng kamao ko!" pagpapakita ko sa kanya ng makinis at maganda kong kamao.

"Ah, a-ayoko nga" hinawakan ni May Maine yung necktai niya.

"Ano, saang bar mo sila nakita!?" pananakot ko.

"A-ano ka-kasi sa totoo lang hindi ko talaga alam." lalo pang itinaas ni May Maine yung pagkakahawak niya doon sa babae.

"sabi lang yun samin ng kaibigan namin na nakita niya silang dalawa sa SW bar."

Binitawan siya ni May Maine at nagtakbo kami palabas.

"grabe beshhy, ang saya non!" nagtatatalon si May Maine at nanununtok sa ere.

"bumalik nanaman pagka tomboy mo Maine." paniningit ko.

"ok lang, wala naman si Zach.."

Ngumibit ako "ah, ganon."

"Beshhy, sa SW daw na bar diba? Diba doon maraming nababalitang mga babae?"

"oo."

Habang naglalakad kami may tumigil sa harap naming puting mercedes benz. Ibinaba nito ang salamin at nakita namin si Bobby.

Lumingon ako kay May Maine na kani-kanina lang ay nakakaang ay ngayon naman ay babaeng babae na ang posture.

"May Maine, saan ka pa nagpunta? I've been waiting for you."

Napangiwi ako nang makita v kinikilig itong si May Maine.

Tangina, nakakarumi.

"ah, I'm so sorry. May emergency lang kaming ginawa ni beshhy."

Pilit akong nakanguti sa kanila. Bumaba naman si Zach at pinuntahan si May Maine.

"Let's go." Sumama naman itong si May Maine kay Bobby at pinagbuksan pa siya ng pintuan.

Nang makasakay si May Maine pinalo ko yung sasakyan ni Bobby.

"May Maine, akala ko ba sasamahan mo'ko sa bar?"

"bar?" tiningnan ni Bobby si May Maine.

Nakatungo siya at halos hindi makatingin kay Bobby.

"Pupunta pa tayong bar May Maine! ano, ipagpapalit mo'ko sa love life?" naka cross arms kong tanong sa kanya.

"kasa kasama mo'ko through your heartbreak pati narin sa mga happy memories of your life tapos ipagpapalit mo ang best friend mo sa isang taong walang modo!" sabay turo kay Bobby na nakahawak sa manobela.

"ano May Maine, sinong pipiliin mo?"

Tinunghay nya ang ulo niya at hinawakan sa kamay si Zach.

"Zach, puwede mo ba kaming isama sa bar?" naka pout siya habang nakatitig sa mga mata ni Bobby.

hehehe, sige lang May Maine. Gamitin lo ang pabebe powers mo. Daliii

"sige. Saang bar ba?"

Nabuhayan ako ng loob at napapangiti.

"Sa SW bar!" Sagot ko sabay sakay sa loob.

My Worst Enemy is my Fiance'Where stories live. Discover now