New School, New Trouble?

311 10 1
                                    

CHAPTER III: HANARI
Seoul, South Korea


     Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa aking katawang lupa mula sa pagkakahimbing. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang idilat ang aking mga mata. That's when I remember na wala na nga pala ko sa Pinas.

     "Anong oras na ba?" usal ko habang inaabot ang orasan sa gilid ng aking unan to check the time. Napabalikwas ako ng upo nang makitang alas-siyete imedya na ng umaga.

     Shit! First day ko ngayon sa klase tapos late agad? No way!

     Napansin ko naman ang isang papel na nakalagay sa ibabaw ng aking study table. Wala na 'rin sa kama n'ya si Gaeul, 'yung roommate kong Koreana na fascinated sa di n'ya kalahi. Napapailing pa rin ako sa tuwing maaalala kung paano kami nagkakilala.

     "Room 203," basa ko sa room number na nakapaskil sa bawat pinto. Inilabas ko 'yung susing ibinigay sa akin ni Mr. Kang kanina upang malaman kung nagma-match ba ito.

     "Ay Palaka! (tagalog)"

     Napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita mula sa gilid ko. Seryoso pa naman ako sa paglalagay ng susi sa door knob.

     "Ha? Anong sabi mo? Pa-la-ka??" nagtatakang saad nung babae. Agad naman akong nakabawi.

     "Nothing. Who are you? What do you need from me?" Nakakunot ang noo ko habang nagtatanong. Umayos naman s'ya nang tayo bago yumuko ng ninety degrees.

     "Annyeong hasaeyo! Ako nga pala si Gaeul Kim. Ikinagagalak kitang makilala."

     Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos nito. Inilapit naman n'ya ang mukha n'ya sa akin pagkaayos ng tayo.

     "Bago ka lang dito 'no?"

     I scan her whole body. A typical Korean girl. Maputi, singkit, at kyut? Pwede na. Bagay naman sa kanya 'yung two small buns nya sa buhok.

     "Yeah, I'm Hanari, an exchange student from the Philippines." sagot ko sa naging katanungan n'ya. Nagningning naman ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

     "Daebakk!! Totoo nga yung bali-balita! Welcome home sa SIA and now you know was friends!!" nagtatalon-talon pa sya sa harap ko habang sinasabi 'yon.

     Napakunot naman ang aking noo. Ano raw? Parang wrong grammar??

     "Bakit? Ang galing ko bang mag-english? HAHAHA."

     "Ha? Ha-ha-ha."

     Nakitawa na lang din ako para hindi sya ma-offend sa isasagot ko. Ubos na ang enerhiya ko ngayong araw para intindihin pa ang grammar nya.

     "Oo nga pala, d'yan din ako naka-room sa kwarto mo. Bali roommate tayo. Ang galing 'no? Akalain mong magkakaroon ako ng roommate na gawang ibang bansa? Hihi."

K-POP IS NOT MY STYLEWhere stories live. Discover now