The Girl With No Dreams

374 13 7
                                    

CHAPTER I: HANARI
Manila, Philippines


     "Oyy, Si Seojun Lee ba 'yan? Patingin!"

     "Oo, fan ka 'din pala n'ya? May concert s'ya mamaya ah?"

     "I know, nakabili na nga ako ng ticket e, VIP front row!"

     "Woahh! How to be you po? Kaingit!"

     Umalingaw-ngaw sa paligid ang tunog ng librong binabasa ko matapos iyong isara na may halong pwersa. Kanina pa ako nagtitimpi sa ingay ng mga babae sa gilid ko.

     Walang tigil ang impit na pagtawa ng mga iyon na para bang kinikiliti ng sampung kalalakihan habang may pinapanood sa cellphone. Naghahampasan pa ang mga ito habang ipinagmamalaki ni Sheila ang ticket na hawak-hawak n'ya.

     Arrrgh! So annoying!

     Tuwing break-time ganyan 'yang mga iyan! Hindi ba sila nagsasawa sa araw-araw na panonood ng mga nagsasayawang mapuputi at payatot na kalalakihan? Itinotodo pa talaga 'yung volume ng cellphone as if naman naiintindihan nila 'yung kanta, puro lengwaheng banyaga lang naman 'yung maririnig mo.

     Kaysa mag-aral, kung anu-ano inaatupag kaya hindi umuunlad ekonomiya ng Pilipinas e. Dahil sa mga kagaya nilang wala atang diresksyon ang buhay. Mapapailing ka na lang talaga.

     "May I ask ano bang napapala nyo sa kapapanood ng mga iyan?!" kunot-noo kong pagtatanong.

     "Do you even understand what they're saying? What if get your books and review our lessons baka sakaling pumasa pa ka'yo."

     I can't help but to express my opinion. Masyado na kasing naliligaw ng landas ang mga ito. And as their President, I have the responsibility to guide them.

     Umarko naman ang isa sa mga kilay ni Marga pagkarinig sa sinabi ko. Sya 'yung kausap ni Sheila kanina. Sabay nila akong nilingon pagkatapos i-pause 'yung screen ng cellphone.

     "Excuse me?!"

     "Fyi lang ha? Hindi s'ya naiintindihan ng utak pero ng puso... OO." Inilagay pa nito ang kamay sa kanyang dibdib at pumikit na tila dinadama ang kanyang sinabi.

     I rolled my eyes. Seriously?

     "Music has no language, solely feelings. Hangga't nararamdaman mo 'yung emosyon nung kanta, kiber na sasabihin ng iba." dagdag pa n'ya.

     "At saka, isa pa Ms. President, uso na kaya ang mga subtitles," si Sheila naman ang sumingit sa usapan. Bahagya pa nitong itinulak si Marga upang s'ya ang mapunta sa aking harapan.

     "Karamihan ng mga K-pop music video sa YouTube may English subtitles na. Kaya nga nagtataka ko sa mga tao bakit napaka-big deal para sa kanila ng language barrier. Napakasimple lang naman na solusyonan, just one click away. Wala ba silang internet?" sarkastiko nitong pahayag.

     Lalong nagkirutan ang mga veins ko sa utak. Talagang nagawa pang magteam-up ng dalawang loka-loka.

     "You know what? You are both insane." I remarked before leaving the place.

     Mas mabuti pang magtungo ako sa aming headquarters at harapin ang sandamakmak kong trabaho kaysa makinig sa mga nonsense nilang pananaw sa buhay.

     Sadly, nasayang lamang ang pagkamatay ng ating mga bayani. Karamihan kasi ng mga kabataan ngayon lulong na sa kultura ng ibang bansa.

     Kawawang Pilipinas, hindi tinatangkilik ng kanyang sariling mga anak.

K-POP IS NOT MY STYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon