Student Council President

126 7 5
                                    

CHAPTER IV: HANARI
Seoul, South Korea


     Natapos ang una naming klase nang matiwasay. Hindi naman ako ganon nanibago sa lessons nila since nabigyan na ako ng heads-up about their curriculum.

     We have thirty-minutes break every subject then one-hour break for lunch. Since wala naman akong ibang gagawin I decided to bring out my laptop to check if may update na ang bise ko sa Pilipinas.

     I spent two to five minutes reading Mark's email when someone called my name. Wala sana kong balak na pansinin ito kaya lang mukhang wala rin itong balak tumigil.

     "Eonnie! Hanari Eonnie!" bulong nito sapat lang upang makuha ang atensyon ko. 

     She's standing outside our room. She wave her hand and smile brightly nang maplingon ako sa kanya. Akala mo'y wala talaga s'yang atraso sa akin.

     "What are you doing here?" I mouthed.

     Since lower year s'ya nakakapagtaka na mapunta s'ya dito sa room namin na para sa mga seniors. 

     "Gusto mong sumama sa cafeteria? Kanina ka pa kasi busy d'yan. Try mo rin magchill minsan." usal nito with a low tone voice para di makaistorbo sa iba pang mga estudyante.

     I was about to decline it nang umalingaw-ngaw sa paligid ang isang boses na nagmumula sa speaker ng school.

     / /CALLING THE ATTENTION OF MS. HANARI REYES! KINDLY PROCEED TO STUDENT COUNCIL HEADQUARTERS. MR. PRESIDENT WANTS TO TALK WITH YOU. //

     Kitang-kita ko sa reaksyon ni Gaeul ang pagkabigla nang marinig namin ang pangalan ko. I close my laptop and went outside my classroom. 

     "Hala! May violation ka bang ginawa?" usal ng makulit na babae sa gilid ko habang sinasabayan ako sa paglalakad. Kasalukuyan kaming nasa hallway.

     "Nakakatakot pa namang pumunta 'don. Alam mo bang mas terror pa si President Kang kaysa kay Principal Kang? Mas kinakatakutan s'ya ng mga estudyante kaysa sa ama nyang may-ari ng eskwelahan na 'to.

     "Kilala s'ya sa pagpapataw ng mabibigat na parusa. Isang beses na kong naparusahan dahil sa pagka-cutting class ko para makapunta sa isang event ni Seojun oppa. Alam mo bang pinaikot n'ya ko sa buong campus habang may karatulang nakasabit sa balikat ko. 'Adik 'to sa Idols, Wag Tularan.

     "Hiyang-hiya talaga ko 'non. Isang buwan din kaya kong naging tampulan ng tukso. Napaskil pa nga sa bulletin 'yung pictures ko. Muntik na kong magdrop-out. Mabuti na lang nakalimutan na 'yon ng lahat."

     Kung ganon, mas may mabagsik pa pala kaysa sa akin pagdating sa pagbibigay ng penalty? Ako kasi pag may nahuhuli akong nagkacutting. Itinatali ko sila nang hubad-hubad sa mga lugar na pinaghulihan sa kanila. 'Yun namang mga nagva-vandalize, pinadidilaan ko sa kanila 'yung mga sinulat nila hanggang sa lumabo 'yon.

     Samantalang 'yung mga estudyanteng kanser na sa school. 'Yung sobrang taas ng violation na ginawa. Pinababaril ko na lang sa mga CAT cadette. Para di na tularan.

     Pero syempre, joke lang lahat ng 'yon. Malamang sa malamang ako ang hindi makagraduate pag nangyari 'yon.

     "Saan ba banda ang headquarters n'yo dito?" usal ko matapos ang mahabang litanya ni Gaeul. Lalo pang naningkit ang mga mata nito dahil sa kaba.

     "Sigurado ka bang pupunta ka pa rin don? Hindi ka ba natatakot?"

     "Why should I be afraid? Wala naman akong ginawang labag sa school rules. At baka nakakalimutan mo batas ako sa eskwelahan ko sa Pinas."

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Apr 21 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

K-POP IS NOT MY STYLEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin