Chapter Six

140 7 0
                                    

[Clarisse's POV]

Naglalakad na kami ngayon papuna sa hotel room.

"Ano ang plano mo Clarence at pumayag payag ka sa set up na ito?" napasimangot ka sa sinabi ko.

"Look I am just tired of all the driving and I want to rest. Kung ayaw mo eh mag check in ka sa ibang kwarto o kaya man umuwi ka ng mag-isa? If that still won't work then matulog ka sa sahig."

Natameme ako sa sinabi niya.

Pagpasok namin sa malaking hotel room ay nahiga agad siya sa kama. "Oh finally," sambit niya.

Iniayos ko nalang ang mga dala kong damit at napagdesisyunan kong maggala gala muna sa resort. "Clarence lalabas lang ako saglit," sabi niya.

"Bakit?"

"Mag-iikot ikot," sabi ko.

"Mamaya na sabay na tayo,dito ka muna," sabi niya.

"Eh?"

"Sabay na tayo lumabas, bilin sa akin ni mama na wag daw kita iiwanan baka kung mapano ka. Kaya kahit labag sa loob ko kailangan kitang bantayan," napasimangot siya. "Kaya hindi ka pwedeng lumabas ng hindi mo ako kasama."

I stared at him with disbelief, "ano ka boyfriend ko?"

Nagdikit na ang dalawa niyang kilay sa lumabas sa bibig kong mga salita. "Timang ka no! Asa ka naman na maging girlfriend kita. Sumusnod lang ako sa utos!" sabi niya. "Hihiga ka ba dito sa kama o papahigain pa kita ng sapilitan?! Mamili ka!"

Sa takot kong magalit pa siya ng 100% ay napaupo nalang ako sa kama. Sa kabilang dulo mula sa hinihigaan niya. "Ayan na okay! Basta after one hour aalis tayo."

"Sige gisingin mo nalang ako," ipinikit na niya ang mga mata niya. Sabay dumilat siya. "Pwede two hours? Medyo pagod ako sa biyahe sabi niya, o kaya mamayang gabi nalang tayo lumabas." 

"Two hours lang! OA ka!" sabi ko.

"Sige na nga," ipinikit na niya ang mga mata niya.

Ako naman stuck here, iniisip kung ano ang gagawin ko sa dalawang oras. "Clarence gising ka pa?" hindi na siya nagresponse. Napatitig ako sa kanya. How could someone be so hot while sleeping? Ako kasi pag napipicturean habang tulog ang awkward ng itsura ko. Hindi mo iisiping ang ganda ko paggising.

Sa pagtitig ko sa kanya ay bigla siyang dumilat. I was caught off guard kaya kinabahan ako na parang ewan. "Clarisse hindi ako makatulog ng alam kog tumititig ka sa akin," sabi ni Clarence.

"Huh? Anong tumititig? Hi-hindi ah," sabi ko.

Napangisi siya. "Talaga lang ah, iba ang sinasabi ng mukha mo sa lumalabas sa bibig mo. Nagbblush ka oh," sabi niya uli.

"Ewan ko sa'yo! Matulog ka na nga!" sabi ko.

"Para may titigan ka uli?" sabi niya.

"Hindi kita tinititigan okay!"

Sabay takip ko ng  unan, "matutulog nalag din ako!"

"Okay," sabi niya.

Natahimik kami for a brief time, then bigla siyang nagsalita. "Now I can't sleep," sabi niya.

"Ako rin," sabi ko.

"Clarence." nagdecide akong ibring up yung eksena sa car kanina. Yung kumakanta siya.

"Oh?"

"Ikaw yung kumakanta doon sa CD kanina no?" at napalingon ako sa kanya. He was smiling.

"Oo," sabi niya. "Paano mo nalaman?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remembering SundayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon