Chapter 17

5.9K 112 11
                                    

Bea's POV

"Earth to Bea!" Nagulat ako nang biglang magsnap si Trey sa harap ng mukha ko. Kunot noo ko syang tinignan pero inirapan nya lang ako. "Kanina ka pa namin kinakausap di ka naman pala nakikinig. Ano nanaman bang iniisip mo?"

"Baka naman hindi ano kundi sino? Si Jh-" Singit ni Maddie pero hindi ko na sya pinatapos dahil nagsalita na ako.

"Ano ba yung sinasabi nyo?" Pag iiba ko ng topic at umupo ng maayos.


"Tinatanong ko kung okay na ba to o mas maganda yung nauna kong sinukat?" Walang ganang sabi ni Trey habang nakatayo sa harap namin ni Maddie suot ang isang red tube ball gown. Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa, tumingin ako kay Maddie na nakaupo lang sa tabi ko pero nagshrug lang sya.

"Mas babagay sayo ang fitted long gown kesa ball gown kasi matangkad ka at para maemphasize ang shape ng katawan mo, and try some dark or nude color instead of colorful ones, mas babagay sayo, mas magmumukha kang mature." Seryoso kong sabi. Napansin ko namang nagkatinginan sila ni Maddie bago sila sabay na tumingin sakin. "What?" Takang tanong ko sa kanila.


"Wala naman, didn't know may alam ka din pala sa fashion. Akala namin puro ka acads and volleyball eh." Pang aasar ni Trey.


"May isa pa syang alam Trey." Maddie started and Trey gave her a 'what' look. I was just listening to them. "Ano pa eh di ang magtago ng feelings."

"Ay bet ko yan, tama ka dyan Mads, MVP sya dun eh." Pagsang ayon naman ni Trey. Nag apir pa silang dalawa bago humagalpak ng tawa. Inirapan ko lang sila kasi sanay na din ako sa mga pang aasar nila. Isang taon na din nila akong inaasar ng ganyan eh, simula nong nalaman nila ang totoong nararamdaman ko para kay Jho.

Flashback

Summer before Highschool Junior Year.

Napagkasunduan naming apat na magbike sa village namin. Naglibot libot kami hanggang sa mapagod kami at nagpahinga sa park. Masaya akong kasama ko sila ngayong araw dahil sa totoo lang namimiss ko na sila, hindi na kasi kami araw araw nagkakasama kasi nga summer break. Akala ko pa naman buong araw ko makakasama ang mga kaibigan ko nang biglang nagpaalam samin si Jho, nakikipagkita daw kasi sa kanya ang manliligaw nya. Hindi daw pweding ipagpaliban kasi kailangan nyang magpaalam kay Jho, magbabakasyon daw kasi ang pamilya nila sa Hongkong at mamayang gabi na ang flight nila. Wala akong nagawa kundi hayaang umalis si Jho.

"Pinaalis mo tapos ngayon ganyan ang mukha mo, daig mo pa ang batang inagawan ng cotton candy." Pang aasar ni Maddie, inirapan ko lang sya at tumayo na.

"Tara na uwi na tayo." Sumakay na ako sa bike ko at ganun din sila. Tahimik lang kaming nagbike hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakasunod lang sakin ang dalawa hanggang makapasok ako ng kwarto. Humiga agad ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Ramdam kong nakatingin lang sina Mads at Trey sakin habang nakaupo sila sa couch. Alam kong hindi dapat ako umaarte ng ganito pero hindi ko mapigilan. Naiinis talaga ako, minsan ko na nga lang nakakasama si Jho, hindi na nga nya tinupad ang promise nya na araw araw nya akong pupuntahan ngayong summer eh. Tapos kung kailan barkada time mas inuna nya pang puntahan ang Baham na yun. Nakakatampo lang.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko at tama nga ako, nakatitig sila ng makahulugan sakin.

"Spill it guys." Sabi ko kasi halata namang may gusto silang sabihin. Umupo na din ako at sumandal sa headboard para mas makaharap sila. Nagkatinginan pa silang dalawa bago muling tumingin sakin.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon