Chapter 2

9K 195 7
                                    

After 1 week, Sophomore Year

Nakayuko akong naglalakad papunta sa unang subject ko habang hawak ang parte ng back pack ko na nasa balikat nang makarinig ako ng boses na tumatawag sa pangalan ko. Kahit hindi ako lumingon, alam ko na kung kaninong boses yun. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang narinig.



"Hoy Bei! Wait up!" Rinig kong sigaw ulit ng boses pero hindi parin ako humihinto sa paglalakad hanggang sa maramdaman kong may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Maddie na hinihingal at halatang galing sa pagtakbo. Hawak hawak pa nya ang dibdib habang naghahabol ng hininga. "Grabe ang bilis mo maglakad hindi mo ba ako narinig?"


"Narinig." Tipid kong sagot habang patuloy na naglalakad.



"Narinig mo naman pala ako eh, bakit di mo man lang ako hinintay?" Tanong ni Maddie pero hindi ako sumagot. Napatigil ako sa paglalakad nang bigla syang humarang sa harapan ko at tinignan ng mataman sa mukha. "At tsaka bakit ang aga aga nakabusangot yang pagmumukha mo? May problema ba?" Kunot noong tanong nito.


Umiwas ako mula sa kinatatayuan ni Maddie at muling naglakad. Agad din naman nya akong hinabol at nakipagsabayan sakin sa paghakbang ng malalaki.



Nakarating kami sa classroom na walang natanggap na sagot si Maddie galing sakin. Pero bago pa man kami makapasok, naagaw na ang atensyon namin sa kumpulan ng mga estudyante sa pinakadulong bahagi ng classroom. Kunot noong tumingin sa akin si Maddie na tila nagtatanong kung anong nangyayari.



"Dahil dyan kaya wala ako sa mood." Walang emosyon kong sabi at tuluyan nang pumasok sa classroom. Naguguluhang sumunod naman si Maddie at agad na nilapitan si Therese para magtanong kung anong nangyayari.


"Dumating na yung bagong student." Rinig kong sagot ni Trey kaya napatingin sakin Maddie na tila nagtatanong. Naglakad ako palapit sa kanila at umupo sa gitna nila na parang walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid.



"Bei dumating na pala ang alaga mo." Nang aasar na bulong sakin ni Maddie kaya tinignan ko sya ng masama. "Joke lang, ito naman ang sungit. May dalaw ka siguro noh?" Hirit pa nito.



"Maddie!" Suway naman ni Trey sa kadaldalan ng kaibigan namin. Nagpeace sign naman sakin Maddie at tumahimik na sa kanyang upuan.



Maya maya pa ay tumunog na ang bell kaya naman nagsitakbuhan ang mga kaklase namin pabalik sa kani-kanilang upuan. Natukso akong tignan kung anong hitsura ng bago naming classmate na nakaupo sa pinakalikod pero pinigilan ko ang sarili ko. I'm not interested about her kahit pa sabihing 'responsibilidad' ko sya. Wala din akong idea kung alam nya bang ibinilin sya sakin ng mismong may ari ng eskwelahan. Tss paVIP pa ang isang to. Sabi ko nalang sa isip ko.


Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang teacher.


"Good morning class." Nakangiting bati nito sa amin. Isa sa Mrs. Gonzales sa mga pinakagusto kong teacher dito sa school dahil mabait sya at approachable. Laging nakangiti at friendly.



"Good morning Mrs. Gonzales." We greeted back in unison.



"So have you met your new classmate?" Nakangiting tanong sa amin ni Mrs. Gonzales at sumagot naman ang mga classmates namin ng Not yet. "Uhm hija, would you mind introducing yourself here in front?" Natahimik ang buong klase pagkatapos magsalita ng aming teacher at halatang hinihintay ang isasagot ng babaeng pinagkaguluhan nila kani-kanina lang.


You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon