Chapter 5

7.9K 163 3
                                    

Bea's POV

High School Sophomore Year


"Anong kaganapan itey? Hindi lang kayo pumasok sa first subject natin may nangyayari nang HHWW at yang mga ngiti nyo bakit abot hanggang Tagaytay?" Bungad sa amin ni Maddie nang makarating kami ni Jho sa classroom ng second subject namin.



"Beh ikaw na magsabi." Nakangiti kong sabi kay Jho.



"Ikaw na." Parang nahihiya namang sabi ni Jho bago ako hampasin ng mahina sa braso.



"Teka teka, at may paBeh beh na din kayong nalalaman ha? Isang oras lang kayong nawala ang dami na agad naming namiss." Singit naman ni Therese.



Nagkatinginan kami ni Jho dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan namin at pareho kaming natawa. Tumigil lang kami sa pagtawa nang dumating si Mrs. Castillo. Umupo na kami ni Jho sa seat namin pero bago pa mag umpisa ang klase ay may ibinulong sa amin sina Mads at Trey.


"May utang pa kayong kwento."


Muli kaming natawa ni Jho sa tinuran nilang dalawa.



Sa halos isang buwan ng pagpasok ko sa klase ni Mrs. Castillo, ngayon lang ata ako ginanahan ng ganito. Katabi ko kasi ang bestfriend ko at alam kong wala nang ilangan sa pagitan naming dalawa.



Kanina pagkatapos naming naging magbestfriends ni Jho ay inamin nya sakin na matagal na nya akong gustong maging close friends kaya lang ay naiilang daw syang lapitan o kausapin ako kasi mukha daw akong masungit at mukha naman daw kasing ayaw ko syang maging kaibigan. Halos kastiguhin ko naman ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasi na noong una ayaw ko talaga syang maging kaibigan kasi pakiramdam ko hadlang sya sa mga gusto kong gawin para sa sarili ko. Masyado akong naging selfish at hindi ko man lang inisip ang nararamdaman nya. Humingi ako sa kanya ng tawad at ipinaliwanag ang side ko. Naintindihan naman nya, sa katunayan nga sinabi nyang pwedi na akong umalis sa drama club kung gusto ko. Ayaw nya daw kasing napipilitan ako dahil sa kanya. Pero kahit totoo namang napilitan lang akong sumali sa club na yun, mas pinili ko paring panindigan ang desisyon ko. Ngayon pa ba ako magbaback out? Kasama ko ang bagong bestfriend ko sa iisang club. Alam ko namang eventually magugustuhan ko din dun.




At tungkol naman sa 'beh' thing, well Jho decided to call me that way kasi shortcut daw ng 'bestfriend'. Isn't it cute? Well, cute din kasi ang beh ko.🙈 Doon naman sa HHWW, nagulat din ako nang biglang hawakan ni Jho ang kamay ko habang papunta kami sa classroom. Para nga akong nakuryente nang gawin nya yun eh. Yung simpleng pagdikit ng mga balat namin ay nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.




Naputol ang pag iisip ko nang biglang may lumanding na papel sa desk ko. Napangiti naman ako nang mabasa ko ang nakasulat dito.


You look stupid smiling alone beh.


Pasimple kong sinulyapan ang babaeng katabi ko at nakita ko syang nakikinig pero nakangiti naman ng malaki. Hinawakan ko ang papel at nagsulat din dito.


Then why are you smiling too?:)


Saka ko ito ibinalik sa desk ni Jho. Nakita ko naman mula sa peripheral view ko ang mas paglaki ng ngiti nya habang nagsusulat. Muli nyang ibinalik sakin ang papel at ibinaling na ang atensyon sa klase.


It's all because of you beh;)


Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. I suddenly bit my lower lip to hide the kilig that I'm feeling. Yumuko din ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Kahit kasi hindi ko nakikita ang mukha ko ay ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko kaya sigurado ako kulay kamatis nanaman ang monay cheeks ko.



You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon