Chapter 1

24.5K 249 13
                                    

......love is the most powerful thing on earth.

Tinatamad kong isinara ang librong binabasa ko pagkatapos kong mabasa ang huling line ng first paragraph.


"Love, love, love. Pati ba naman libro? Why do people keep on talking about it like it is the most significant in their lives?" tanong ko nalang sa isip ko.


Nilibot ko ang mata ko sa buong klase. Halos lahat ng kaklase ko nakayuko at nagbabasa maliban nalang sa mga lalaking pasaway sa pinakahuling row. Tinignan ko ang mga katabi mula kanan hanggang kaliwa at ganun din ang mga hitsura nila, nakayuko at matamang nagbabasa. Kinalabit ko ang nasa right side ko pero winaglit nya lang kamay ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Bumaling ako sa left side ko at kinalabit sya.



"Ano?" kunot noong tanong nya sakin.


"Inaantok ako." mahinang sabi ko bago ipinatong ang ulo ko sa ibabaw ng libro ko na nakapatong sa desk ko.


"Oh eh anong gusto mong gawin ko? Ipaghele ka?" I rolled my eyes dahil sa pagiging sarcastic ng kaibigan kong to.



"Wake me up when ma'am arrived. I'll just take a nap." bulong ko at unti unting pinikit ang aking mga mata pero bago pa ako nakatulog narinig kong sinuway ako ni Maddie.



"Hoy Bei ang sabi satin ni ma'am magbasa hindi matulog!" medyo napalakas ang boses niya kaya naman tinignan ko sya ng masama. Napatingin din sa direksyon namin ang iba naming kaklase. Ang iba ay nagsensyas pa ng shhh pero hindi ko nalang sila pinansin.




Nagulat ako nang bigla akong kalabitin ng katabi ko sa kanan kaya napatingin ako sa kanya habang nakapatong padin ang ulo ko sa desk.




"Bei first day na first day ng sophomore year natin matutulog ka? Anong isusulat mo sa reaction paper na pinapagawa satin ni Ma'am Castillo?" maninermon sakin ni Therese.



"Eei I don't care. Besides, alam ko na ending ng kwentong pinapabasa nya satin. Love story yan kaya malamang happy ending nanaman." walang gana kong sabi habang nakapikit.



"Tssss." rinig kong sabay na sinabi nina Maddie at Therese bago nagpatuloy sa pagbabasa.


Palihim akong napangiti sa naging reaction ng dalawang matatalik kong kaibigan. Panalo nanaman ako sa kanila.



By the way, ako nga pala si Isabel Beatriz De Leon, pero mas kilala ako sa tawag na Bea or Bei. 2nd year highschool student dito sa Saint Pedro Poveda College o mas kilala sa pangalang Poveda College. Siguro naman may idea na kayo about sa personality ko base sa inakto ko kanina. Ako yung tipo ng tao na masasabi mong easy-go-lucky, I live my life the way I wanted and enjoy it. But I'm not the rebel and irresponsible type. I can be the craziest person you'll know but I know when to take things seriously. Katulad nalang sa pag aaral ko, aaminin kong may pagkatamad ako lalo na kapag ayaw ko sa subject pero hindi ko naman pinapabayaan ang grades ko. I make sure na wala akong bagsak at bilang anak ng may ari ng school, sinisiguro kong matataas ang mga grado ko. Nakakahiya naman kasi kay Dad kung ang unica hija nya pa ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan at sakit ng ulo.

About naman sa thought ko kanina tungkol sa topic, don't misunderstand me ha? Hindi ako bitter. Believe me when I say that I believe in the thing so called LOVE. It's just that I don't let it overpower my mind. Yung iba kasi once na nagmahal nakakalimutan na ang lahat. They sacrifice and risks almost all they have just to have the privilege to love and be loved. At ayoko ng belief na yun, kapag nagmahal ka dapat marunong ka ding magtira para sa sarili mo kasi di ba you cannot completely love a person without loving yourself first. Besides, wala pa sa isip ko ang love love na yan. Hello, I'm just 13. All I want to do right now is to enjoy my life as teenager and of course make my parents proud.


You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon