Chapter 6

6.8K 157 11
                                    

Bea's POV

High School Sophomore Year

Nakangiti at pakanta kantang akong naglalakad papunta sa gym nang biglang may tumawag sakin.



"Beh!" Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yun. Boses palang alam ko na. Isa pa, sya lang naman ang tumatawag sakin ng beh eh. "Hooh! Ang bilis mo maglakad." Hinihingal na sabi nya nang maabutan nya ako.



"Pawis ka na beh, wait." Kinuha ko ang towel sa gym bag ko at pinunasan ang pawis sa mukha nya. "Bakit ka ba kasi tumatakbo?"



"Nakita kasi kitang naglalakad mag isa kaya hinabol kita. Nakalimutan kong ang hahaba pala ng biyas mo kaya nahirapan akong habulin ka." Natatawang sagot ni Jho bago humawak sa braso ko. "Sabay na tayong pumunta sa gym." She said then smiled.



"Sure. Akin na gamit mo." Hindi ko na hinintay na makasagot sya, agad kong inagaw ang gym bag nya na nakasabit sa balikat nya at ako na ang nagbitbit. Natigilan naman ako sa paglalakad nang mapansin kong huminto si Jho. Nilingon ko sya at nakitang nakatulala lang sya sakin. "Beh your legs wont move by themselves. Tulaley ka dyan?"



Muli syang naglakad palapit sakin at tumingin ng seryoso sa mukha ko.



"Beh ang gamit ko." Mahinang sabi nya.



"Ito dala ko." I sarcastically answered kaya hinampas nya ako ng malakas sa braso. "Aray! Para san yun?"


"Alam kong dala mo ang ibig kong sabihin eh bakit mo inagaw? Kaya ko namang dalhin yan." She said while rolling her eyes. Napangiti naman ako dahil nagtataray nanaman sya.



"Beh hindi ka pa ba sanay? I've been doing this for one week now." I asked then pinch her nose.



"Naninibago pa kasi ako eh. This is the first time that someone did such effort for me. I never thought na ganito pala ang feeling ng magkaroon ng bestfriend."



"Suus sayo nya lang naman ginagawa yan eh." Sabay kaming napalingon ni Jho nang biglang may magsalita sa likod namin. "Hindi naman nya ginagawa yan samin ni Trey." Nakapout na sabi ni Maddie. Nagkatinginan naman kami ni Jho at natawa. Heto nanaman po kadramahan ni Maddie. "Anong nakakatawa?" Mataray na tanong nya.



"Mads are you jealous, again?" Nakangiting tanong ko bago sya akbayan.


"Kapag sinabi ko bang oo bubuhatin mo din bag ko?" Kuminang ang mga mata nya nang makita nya akong nag isip.



"Mads you don't have to feel jealous. Pareho ko kayong bestfriend ni Jho kaya......." Tumigil ako saglit at pinagmasdan sya sa mukha. Tinanggal nya sa balikat nya ang gym bag nya at inabot sakin pero..."Kaya bitbitin mo yan." I said before I stuck my tongue out. Hinila ko si Jho patakbo at pareho kaming natawa nang sumigaw si Maddie.



"Isabel Beatriz De Leon! Humanda ka sakin!" Then she run after us.




It's been 1 week since Jho and I became bestfriends at isang linggo na din kaming inaasar nina Maddie at Therese na hindi na daw kami mapaghiwalay. Nagseselos na daw sila sa closeness naming dalawa. Nag alala pa nga nong una si Jho na baka daw isipin nilang inagawan nya sila ng bestfriend but I told her na nagbibiro lang sila kasi totoo naman. I've known them for how many years kaya alam ko kung kailan seryoso at kung kailan trip lang nilang mang asar. At ngayon alam kong inaasar lang nila kami ni Jho. Mads and Trey have the longest patient on earth, believe me. Kahit mga baliw ang mga yan sobrang understanding and supportive nila. Kaya nga ang swerte ko sa mga yan eh.



You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon