Chapter 10: Mission Part 3

123 4 0
                                    

CHAPTER 10: MISSION PART 3

patungo na kami nang underground basement gamit ang elevator..ang elevator na ito ay patungo lamang sa underground basement..hindi madaling matunton ang elevator na ito dahil kailangan mo munang mahanap ang button nito sa pader bago magpakita elevator na magdadala sayo sa underground basement..at sa loob naman nang elevator tanging ang may access lamang ang maaaring makagamit nito at kaming lima lamang na narito ang makakagamit nito..

nang marating na namin ang underground basement..ang tanging makikita lang namin ay mga mamahaling kotse...at lahat nang ito ay ginagamit lang namin sa mga misyon namin...hindi kami gumagamit nang iisang sasakyan lamang sa tuwing may misyon kami dahil mas mabilis matukoy kung yun at yun lang ang ginagamit namin...

ang gagamitin namin ngayong gabi ay ang Lamborghini Reventon na kulay itim...ibinigay ko kay Lance ang susi upang siya ang magdrive..

"ready?" nakangiting tanong sa akin ni Lance...

"yup" sagot ko rito at pinaandar na nito ang sasakyan...mabilis kaming nakalabas nang underground basement at ngayon ay tinatahak namin daan patungong Rhyme University...

nang malapit na kami sa RU ay ipinarada ni Lance ang sasakyan medyo malayo sa entrance..hindi kami pwedeng pumarada malapit mismo rito dahil may makakaalam na pinasok namin ang university nang walang paalam...tago ang lugar na ito kaya hindi matutukoy kung saan namin ipinark ang sasakyan...

bago kami lumabas ay pinag usapan muna ang gagawin naming pagpasok at kung saang lugar kami maglalagay nang cctv mapalabas o loob nang university...sa main building ako nakaassign at sa garden...samantalang si Lance ay sa dalawang building nang university...nang matapos na kaming mag usap tungkol sa gagawin namin ay isinuot na namin ang mask namin...

"Heart, Lock and Death, were going" sabi ko rito

"okay" sabi ni Heart sa kabilang linya...Heart ang codename ni Tanya...kapag nasa misyon na kami hindi na naming maaaring gamitin ang totoo naming pangalan...

lumabas na kami ni Lance nang sasakyan habang nakasuot sa likod namin ang bag kung saan nakalagay ang mga camera na ikakabit namin at voice recorder...

sa bawat paglakad namin papalapit nang university ay pinapakiramdaman namin ang bawat paligid namin kung may nagmamasid sa amin...nakarating kami nang entrance nang university na walang kahirap hirap...

hindi kami mismo pumasok sa entrance dahil may guwardiyang nakabantay rito kaya sa mataas na bakod kami dumaan ni Lance..bago kami bumaba sinuri namin ang paligid nang maayos na ay agad kaming tumalon...tahimik kaming tumungo ni Lance sa guardhouse..nang makalapit na kami roon inakyat ko ang bubong nito at maingat na nilagyan nang camera bubong...

"Heart tama lang ba ang pagkakalagay nang camera?" tanong ko sa kabilang linya

"medyo itagilid mo nang kaunti para maharap sa mismong entrance" sabi nito..ginawa ko ang inutos nito.. "okay na" sabi muli nito matapos kong ayusin ang camera

kung saan ako tumaas ay dun rin ako bumaba...pagkababa ko ay nagsimula na kaming maghiwalay ni Lance...dahil ibang daan na ang pupuntahan nito...hinintay ko na munang makalayo si Lance bago ako nagsimulang tumungo sa main building nang University...nang makita kong may naglalakad na guwardiya malapit sa daraanan ko ay mabilis akong tumago sa halamanan malapit sa akin...nang makalayo na ito ay tsaka ako mabilis na tumakbo sa main building...

bago ako makapasok ay kailangan ko munang iunlock ang kadenang nakakabit sa gate nang main building gamit ang hairpin na dala dala ko...mabilis ko naman itong naiunlock..nang makapasok na ako ay nilock ko muli ito upang...mabilis kong nilagyang ang entrance nang main building...sumunod kong pinuntahan ay ang cafeteria ..dalang camera ang inilagay ko rito dahil sa sobrang laki nito...nilagyan ko rin ang hallway rito sa first floor...pagkatapos sa first floor ay tinungo ko naman ang second floor hanggang sa makarating ako fourth floor..dito sa fourth floor ang opisina nang President at Vice president...katulad nang ginawa ko sa kandado sa entrance ay ganun rin ang ginawa ko rito upang magawa kong mapasok ang opisina nang President at vice president...matapos ko rito ay lumabas na ako main building..

Assassin x Gangster(mafia series) On HoldWhere stories live. Discover now