Chapter 11: The Kiss

132 4 0
                                    

CHAPTER 11: THE KISS

kasalukuyan kami ngayong nasa cafeteria..at base palang sa aura nila nang magkasalubong kami ay masama ang timpla nila....dahil siguro ito sa nangyari kagabi...narinig namin ang mga pinag uusapan nila kagabi pagkarating namin nang bahay ni Lance..at alam kong nagtataka sila kung bakit may pumasok sa HQ nila...ito kasi ang unang pagkakataon na napasukan sila sa loob nang HQ na hindi sila nagmamalay..at base rin sa narinig namin ay may duda na silang assassin ang may gawa nun.ngunit wala pa silang proweba...kailangan naming mag ingat sa bawat kilos namin simula ngayon...

"anong nangyari sa inyo at bakit parang wala kayo sa mood lahat?" tanong ko sa kanila sabay subo ko nang pagkain ko...

"may pumasok sa HQ namin kagabi...hindi namin sigurado kung sino..ang alam lang namin babae yung nakapagpatumba kay Dexter..at hindi pa namin alam kung babae ba o lalake yung isa niyang kasama" napatango tango naman ako sa sinabi ni Riley...

"may lead ba kayo kung sino ang pumasok sa inyo kagabi?" tanong ko muli rito...

"wala pa...pero ang pakiwari namin isa silang assassin..hindi nga lang namin alam kung ano ang kailangan nila sa amin" si Luke na ang nagsalita

"marame na akong nakasagupang assassin..at kung kayo ang puntirya nang mga assassin isa lang ang ibig sabihin niyan may kailangan sa inyo ang assassin na iyon"napatingin naman silang lahat sa akin..siguro ay may dahil sa sinabi ko...

"kilala mo ba ang mga assassin na nasagupa mo?" si Vince na ang nagtanong sa akin...tama nga...may hinahanap silang assassin..at ako ang hinahanap nila...

umiling ako rito.. "masyadong tago ang identity nila...at palaging nakamask sila..kaya hindi ko alam kung sino ang nasa loob nang mask nila...pero ito lang ang masasabi ko, kung kayo nga ang puntirya nang assassin na yan mag ingat kayo sa bawat galaw niyo..dahil sa ilang beses kong nakasagupa sila, hindi ko maipagkakaila na malalakas sila" mahabang sabi ko sa kanila...gusto ko lang sila bigyan nang warning at iparamdam sa kanila ang takot..pero mukhang hindi sila natakot sa sinabi ko..napangisi ako sa isip ko dahil hindi man lang nila pinansin ang sinabi ko...lalo tuloy akong ginanahan sa misyon na ito

marami pa silang tinanung sa akin tungkol sa assassin..sinagot ko naman sila..pero hindi lahat nang tanong nila ay sinagot ko..ang tanging sinabi ko lang sa kanila ay katulad lang din nang alam nang iba tungkol sa assassin...tulad nang, wala silang sinasantong tao mapainosente man o hindi at nasa nature na nila ang pagpatay...

nakwento narin nila sa akin na may nakasagupa na silang assassin noon..pero wala silang sinabing araw o taon...iyon raw ang unang beses na nakakita sila nang assassin...hindi ko alam kung sino kila Lance, kuya Cain at kuya Terrence ang nakasagupa nila pero alam kung isa lamang sa kanila...si Tanya ay wala sa mismong lugar na iyon dahil nasa control room siya at nagbibigay sa amin nang command..

"ahh siya nga pala Stella, ano pala ang desisyon mo sa pagsali sa amin?" tanong bigla ni Riley sa akin

"oo nga pala...napag usapan namin iyan kahapon at sang ayon na kaming lahat na sumali ka sa amin" Liam..tinignan ko sila isa isa at hinihintay nila ang sagot ko...

"sa totoo lang wala talaga akong balak sumali sa isang gang"nakita ko sa mata nila ang dissapiontment nang sinabi ko ito... "pero wala rin namang masama na itry ko diba" nakangiti kong sabi sa kanila...nabuhayan naman silang bigla sa sinabi ko..napatawa naman ako sa ginawa nila sa akin maliban lang kay Vince...

"yes, dalawa na kaming babae" masayang sabi ni Riley..

sinabi nila sa akin na may kakausapin sila para sa pagsali ko...at kinuwento rin nila ang gagawin kong trials bago makapasok sa gang nila...ang masasabi ko lang..hindi madali ang magiging trials base palang sa mga kinukwento nila sa akin...marami na raw kasi namatay sa trials palang at marami narin ang nagback out sa pangalawang araw palang nang trials..ngunit i'm sure na ang trials na ibibigay nila sa akin ay wala pa sa mga dinanas ko simula nang bata ako...

Assassin x Gangster(mafia series) On HoldOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz