take six (juniper)

Magsimula sa umpisa
                                    

“Kuya naman eh! Tao ako, hindi ako hayop.” Ngumiti na lang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa’yo. Kahit ngayon lang, kahit minsan lang. Kahit bukas, di mo na ulit ako pansinin, basta ngayon, icha-charge ko muna ang sarili ko. Susulitin ko muna ang yakap na ‘to, tapos next month, yayakapin kita ulit pag nalow-bat na ko. Pwede naman ‘yun di’ba?

Nasabi ko na ba sa’yong miss na kita?

Tahimik lang tayong nakatayo sa gitna ng kalsada. Malakas ang buhos ng ulan at walang sasakyan o taong dumadaan. Para bang nakikisama rin ang mundo sa nararamdaman ko. Kahit nilalamig na ‘ko, solb na ko sa gan’to.

Ayos lang kung hindi ka magsalita, ayos lang kahit manahimik ka, ayos lang kahit hindi ka na nangungulit tulad ng dati. Sapat na sa’kin ‘tong yakap na ‘to dahil sa oras na ‘to, alam kong sa’kin ka lang. Hindi ka nakatingin sa iba. Atin lang ang oras na ‘to.

Alam ko naman na pagod na pagod ka na sa’kin eh. Pero alam ko ring hindi mo pa rin naiintindihan na hindi pa tayo pwede. Sana, kahit sobra-sobra na, pwede bang hilingin kong akin ka na lang muna? Makasarili na ba ako Kuya?

“Totoo ba ‘to, Juniper? Totoo na ba lahat ng ‘to?” nangunot ang noo ko at inamoy ang damit mo na amoy pabango. Ang bango mo talaga. Kuya.

“Alin?”

“Eto. Ako, ikaw, tayo. Yakap mo ko, nakapulupot ang kamay mo sa abs ko, nagmo-moment ta’yo, sinabi mo pang miss mo na ‘ko. Totoo ba ang lahat ng ‘to? Hindi na ba ‘to panaginip? Sabihin mo lang kung panaginip pa ‘to ah para makurot ko pa ang sarili ko. Para gumising na ulit ako. Para tumigil na ‘ko sa mga ilusyon ko,” malungkot ang boses mo. Nasasaktan ka na ba Kuya? Ayaw mo na ba? Pagod ka na ba? ‘Wag muna, please?

“B-bakit mo naman tinatanong ‘yan?”

“Sagutin mo lang ako, Juniper. Totoo ba ‘to?”

“Oo naman… Kuya,” sagot ko.

Mabilis mong tinanggal ang pagkakahawak ko sa’yo. Bakit ginagawa mo ‘yan Kuya? Ang sakit lang, bigla na lang nagbagsakan ang mga luha ko nang makita kang nagsisimulang humakbang palayo. Halos manghina na ang tuhod ko, sumabay pa ang panginginig ng katawan ko dahil sa sobrang lamig.

Bakit ba? Ano bang problema? Ano bang nagawa kong masama? Ayaw mo ba sa yakap ko? Hindi mo na ba ako gusto?

“Kuya…” parang batang naiwan na sambit ko. Pero hindi ka lumingon. Hindi mo man lang naatim na tingnan ako. Ganito ka na ba talaga, Kuya?

Napangiti na lang ako ng mapakla. Ang sakit palang talikuran ka ng taong akala mo eh lagi lang sa tabi mo. Siguro nga, napapagod ka na pero sana naman, winarningan mo man lang ako. Hindi ‘yung ganito, nasasaktan ako. At alam mo ba kung ano ang mas masakit Kuya? Sinasaktan ako ng taong inakala kong poprotektahan ako. Una pa lang, sinabi ko na sa sarili ko na hindi mo ako masasaktan dahil Kuya kita eh. Pero heto ako oh, parang isang musmos na iniwan ng Tatay niya.

Dahan-dahan na akong tumalikod at naglakad papunta sa daan pauwi. Palayo sa taong nanakit sa’kin.

Isa, dalawa, tatlo, apat… sa ikalimang hakbang, tumigil ako. Naalala ko kasi kung pa’nong lagi mo akong sinusundan. Kung pa’nong lagi mo akong hinahabol sa tuiwing naiiwanan kita ‘pag uwian.

Di’ba nagpromise ako na kahit ngayon lang, hindi ako bibitaw? Kahit ipagtulakan mo ‘ko, di ako bibitaw? Determinado akong tumingin sa kalsada kung saan ko naglakad. Hindi ako papayag, Kuya.

Nilalamig man eh nagsimula na akong maglakad. At kahit hindi ako sigurado kung sa paglalakad ko bang ito eh makikita pa kita eh naglakad pa rin ako. Di ko mapigilan ang pagngiti habang inaalala kung ga’no ka kakulit noon eh. Halos lahat na ata ng pakulo na maiisip ng lalake eh nagawa mo na. Kulang na lang eh gayahin mo si Joaquin sa Got to Believe para pakiligin lang si Chichay n’ya. Bakit ko nga ba naisip na sukuan ka kung hindi mo naman ako sinukuan dati?

Malayo-layo na rin ang nalakad ko nang makita ko ang mag-syota siguro na nagyayakapan. Napangiti ako, ganyan rin ang gagawin natin mamaya. Yayakapin din kita ng ganyan kahigpit. Iniisip ko pa lang, di ko na mapigilan ang ngumiti eh.

Nung tumapat na ‘ko sa dalawa eh para namang nawarak ang puso ko. Kanina lang, tuwang-tuwa pa ako eh. Tapos ngayon… ano ‘to? Joke ba ‘to, tatawa na ba ako? Ha-ha-ha, kuntento ka na? Kulang pa ba? Ha-ha-ha, ayan, tama na ba? Sakto na ba? Pwede na kayo maghiwalay eh, ba’t di niyo pa ginagawa?

Naghintay ako na maghiwalay kayo pero bakit hindi niyo ginawa?

Kusang tumulo ang luha ko. Shemay naman eh! Ang lakas naman mantrip ng mundo. Di ko maalis ang tingin ko sa inyo. Nakangiti pa ang babaeng kayakap mo, yung babaeng tinatawag mong Baby.

At oo, naiinggit ako. Ako dapat ‘yang kayakap mo eh. Pero bakit siya ang yakap mo?

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa lakas ng buhos ng luha ko, lalo ring lumakas ang pagbuhos ng ulan at para akong timang na nanunuod sa’inyo. Eto yung scene na nakikita ko sa pelikula na laging nagpapatulo ng uhog ko eh. Eto yung pinaka-ayaw kong makita sa lahat ng pinapanood ko. Kaya pwede bang tigilan niyo na? Ang sakit lang.

Napakuyom na lang ako at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang paglabas ng impit na iyak ko. Gusto ko nang maglakad palayo, gusto ko nang tumakbo pero heto ako at nakatayo sa harap ninyo. Masokista na ba ako? Nasasaktan na nga, tinitingnan ko pa din kayo.

Nasaan na ‘yung pangako mong ako lang? Wala na ba ‘yun? Alam mo bang gustong-gusto kong sumigaw? Gusto kong sampalin ka at ilayo sa’yo si Baby pero para lang akong isang baliw na audience na nanunood sa isang perpektong scene ng isang perpektong pelikula. Para akong isang artista na inagawan ng role niya. Para akong tanga.

Maya-maya pa ay naghiwalay rin kayo at hindi niyo pa rin ako napapansin. Hinalikan ka niya sa pisngi at hinawakan mo naman ang kamay niya. Nagsimula kayong maglakad. Holding hands while walking pa ang drama ninyo. At ako? Nasaan nga ba ako sa kwento?

Heto lang naman ako, lumuluha, nanunuod, isang dakilang tanga na nagpapakabasa sa ulan habang tinitingnan kang lumayo... kasama siya.

Ang sakit pala talaga?

---

Author's Note: Pinilit ko talagang pahabain pero di talaga kaya. Hirap ako sa side ni Juniper. Naniniwala na talaga akong lalake ako. Hahahaha. Nga pala guys, kamusta naman 'to? Gusto niyo pa bang i-narrate ko ang chapter 7 to 10 na si Juni ang nagsasalita o back to Kuya na tayo? Hahaha. Comment nyo lang po.

Nga pala, magiging inactive ako this summer. As in baka once a week lang ako tumambay. Basta, hectic ang sched this summer kaya baka di ako makapag-update ng mabilis. Sana maintindihan ninyo. Sorry ah? Pero pramis naman, tatapusin ko 'to. Tiwala lang.

Hahaha. Sa mga gustong maki-chika sa'kin, open naman ang fb ko this summer (batang asa sa free net) Hahaha. Kaya pindutin niyo lang yang external link at i-message ako :D Hihihihi. Yun lamang. Usap tayo dun :D

Salamat sa pagbabasa at sa suporta :D

Happy Vacation!

Lovelovelove,

Sharmaine

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon