Bad trip talaga 'tong Aldamante na 'to.

" Uy selos na si Chief. Sabihin mo na kaseng nagseselos ka. Hindi kita tatawanan" He said.

" Hindi nga sabi eh. Ba't sana ako magseselos" I confidently asked him.

He pulled over infront of the flower shop before looking at me once more.

" White or red, Chief" He asked.

" White" I accidentally blurted. He smiled. Ginulo niya ng marahan yung buhok ko bago nagsalita. And don't ask me why I love white. It matches any color that's why.

" Got you. Ayaw pala ah" He said before going out of the car.

" Haist, ang kapal talaga ng mukha. Feeling mo naman ang guwapo guwapo" Para akong baliw kakausap sa sarili ko.

Ilang minuto rin ang nagdaan bago tuluyang bumalik ng kotse si Raven. May hawak siyang dalawang bouquet ng rosas. Pula at puti.

" Para sayo, Chief. Para hindi ka na magtampo" Saad niya sabay bigay sa puting bulaklak na binili niya.

" Salamat" I simply received it before saying thank you. Hindi na rin ako makakatanggi pa. Nabili na niya eh. Mag iinarte pa ba ako.

" Para kanino 'yung isa" Saad ko habang nagdadrive siya papunta sa lugar na gaganapan ng car race nina Bentoy.

" Para kay Dan" He said. I thought it's for that girl Hannah

I made a face. Don't tell me may bromance sila.

" Hoy Boss, bakla ka na ba ngayon" I blurted out.

Tumawa siya ng napakalakas bago niya ginulo muli yung buhok ko.

" Huwag mo ngang guluhin yung maayos kong buhok" I complained.

" Pati lalake pinagseselosan mo niyan, Chief." He laughed while saying

" Aba malay ko ba kung lalake na pala ngayon ang gusto mo" I said

" Para sa girlfriend ni Dan. Pinabili niya sa akin dahil nakalimutan niya daw bumili kanina" He answered afterwards.

" Ows, mukhang nagjojoke ka lang eh. Aminin mo na kase. May bromance kayo ni Dan no" I asked him with a really good smile on my face.

" Tssk. Nakakapikon ka na Chief" He said.

Bigla akong napatawa sabay pingot ko sa ilong niya.

" 'Yung boss ko napipikon na raw sa akin. Mabuti pa'y kiss ko na lang siya" I said smiling. Ang shonga ko din.

Napikon nga. Hindi manlang siya ngumiti eh.

Ang drama lang ng lalaking 'to. Nag iinarte lang ulit.

I kissed him on the cheek while he was driving.

" Hindi na ba galit ang Boss ko" I asked him.

" Tskk, lagi ka talagang pikunin, Aldamante" Saad ko pagkatapos.

Ganito palagi natatapos ang bangayan namin ng lalaking kasama ko ngayon.

Tignan mo 'yun. Siya na nga nagsimula tapos siya pala 'tong mapipikon.

" Pikunin" Sigaw ko pagkababa namin sa sasakyan. Kinuha niya yung pulang rosas na binili niya kanina bago tuluyang umalis at iniwan na lamang ako.

" Hoy, Boss. Hintayin mo naman daw ako. Patay ka na talaga sa akin. Dinala dala mo ako dito tapos lalayasan mo lang ako. Aba ang ganda naman ng ginawa mo" I said while following him.

Hindi siya lumingon

Hindi talaga siya lumingon.

At talagang pinanindigan niya yun

" Aldamante" I shouted.

Wala pa rin.

Naglakad lang ako papunta sa racing site. Ang lakas din ng hiyawan ng mga manonood parang basketball lang.

Nakita kong nilingon niya ako. I bowed my head. Paawa effect.

Baka maawa pa siya

Baka lang naman.

Wala namang masama kung itry ko.

" Huy, Boss. " I tried calling him.

" Tskk, halika nga dito. Baka mawala ka pa eh. Engot mo din minsan" He muttered while placing his arm on my shoulder.

" Asan na si Bentoy" I asked him.

" See that white car." Turo niya sa puting sasakyan.

" Ba't puti at chaka bakit pareho sa kotse mo iyun" Bigla ko tuloy sabi. Tumawa lamang 'tong lalaking kasama ko.

" Kase kotse ko iyan." He answered.

" At yung puti pa talaga pinahiram mo" I said

" Kase nga suwerte sa akin ang puti" He said.

" At kailan ka pa naging interesado sa mga kulay, Aldamante" I asked him.

The crowd is really noisy. Ang lakas ng mga boses ng mga tao dito na para bang bawat isa ay sadyang nagpapayabangan.

" Okay lang namang manood ka ng karera ng mga sasakyan Raven. Ayoko lang na sumali ka. It's risky" I muttered the moment I witnessed again how they tend to drive their own cars.

They drive like they don't even fear death.

" This is the nth time you said that, Chief" He muttered again.

" Kase kailangan kong ulit ulitin iyan sayo para hindi mo gawin." I told him. He smiled.

" Paano kung sasali ako" He asked.

" Ayoko nga diba, ang kulit. Ayokong mawalan ng boyfriend okay" I answered. Iyan palagi ang sagot ko kapag tinatanong niya ako kung bakit.

" Ayaw mo 'kong mawala" Pasimple niyang tanong

" Oo naman. Kahit gaano ka pa tamad. Kahit gaano ka pa kaarte. Kahit gaano ka pa kaisip bata. Ayokong mawala ka" I honestly said.

I saw him smile.

" Ayaw din kitang mawala, Chief. Baka ikamatay ko pa" He said

" Ang drama mo din ano" I said

" Payakap nga ako, Chief" He muttered before encircling his arms on my waist

" Lakas mo maka PDA ngayon, Aldamante" I whispered

" May karapatan naman ako ah." He smirked.

" You're over using your right, Boss" I smirked too.

" Ang cute cute mo talaga, Chief" Pakuwa'y saad niya sabay pingot sa ilong ko.

" Ang baduy mo" I complained.

" Guwapo naman" He answered

" Feeling guwapo, kamo" I said.

" Hoy Jordan, huwag nga kayo dito maglandian ng Aldamante na 'yan dito. Nakakaasiwa kayo, ang lagkit niyo talaga tignan kahit kailan" Saad sa amin ni Clara na kakadating lang din kasama niya si Cleve.

" Dude" Nagtanguan sina Cleve at Raven bago binalik sa akin ni Raven ang tingin niya.

Nagpatuloy yung karera. Next race na at sina Bentoy na ang susunod

We all heard a gun shot through the sky before each cars struggled to compete with each other.

" Bilis ata ngayon ni Bentoy" Saad ni Cleve

" Bentoy talaga. Hindi ba puwedeng Tobby na lang kase" Clara complained.

" Bentoy nga para unique" Rinig kong sagot sa kanya ni Cleve.

" Mga bully kayo" Clara said.

Gusto ko biglang matawa. Matagal ng bully ang mga iyan.

-----

His Fake Fidelity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now