Epilogue

762 43 16
                                    


Tunog ng mga sasakyan at mga busina ang tanging naririnig ko. Nakasakay ako ngayon sa isang bus, papuntang Iba, Zambales.

December 26 na, kahapon ay kasama ako nila Pau na magcelebrate ng pasko. Sa ilang taon na nakalipas ay tinuring na rin nila akong pamilya. Bumalik na rin ang dating pagkakaibigan ni Pau.

Araw ng kamatayan ni Pol ngayon. Every year ng pagkamatay niya ay may pinupuntahan akong lugar na memorable sa aming dalawa.

Noong unang taon ng pagkamatay niya ay sa libingan niya lang ako buong araw. Noong sumunod naman ay sa Park malapit sa amin kung saan kami unang nagkausap. Pangatlong taon ng kaniyang pagkamatay ay sa Sea Side MOA naman ako buong araw, inaalala ang mga nangyari, kung paano namin tignan 'yong mga bituin. Sa pangapat naman ay pumunta ako sa beach kung saan kami nagscooba diving.

At ngayon, ngayong panglimang taon na patay si Pol ay sa Iba, Zambales naman ako. Limang taon na, pero nasasaktan pa rin ako.

Hindi ko namalayan na andito na pala ako. Sumakay pa ako ng isang jeep bago makapunta sa beach kung saan kami dati nag-camping.

Sakto. Pagkarating ko ay bandang alas-kwatro na, malapit nang lumubog ang araw. Nang makahanap ako ng puwestong hindi ma-tao ay nilatag ko na ang dala kong sapin.

Wala akong ibang dala kung 'di ang maliit kong bag at ang sulat sa 'kin ni Pol.

Dear Lia,

Alam mo ba no'ng una kitang nakita natulala na agad ako, ang simple mo lang pero mala-anghel 'yong mukha mo. Siguro kung hindi lang ako sakitin ay hindi ka na nasaktan ni Josh. Dahil kung naging magkakilala lang tayo ng mas maaga ay hindi na agad ako maga-aksaya ng oras. Alam mo bang ang daya mo. Hindi mo pa nga ako kilala pero sinasaktan mo na ko. Pagmaghahawak kayo ni Josh ng kamay, pagmagyayakap kayo, nasasaktan ako. Pero minsan naisip ko na okay lang, mas pogi pa rin naman ako sa kaniya eh. 'Loko-loko ka talaga Pol kahit kailan.' Pero seriously, no'ng nalaman kong sinaktan ka ni Josh, gusto ko siyang sapakin, saktan pero wala akong karapatan at baka magalit ka pa sa 'kin. Noon pa man mahal na kita, Lia. And forgive me, dahil hindi ko man lang sinabi na may sakit ako. Ayoko kasing makita mo ako na nakaratay, hindi pa nga tayo, tapos gano'n agad makikita mo. Bawas pogi points 'yon. 'Kahit na panay buhos ang luha sa 'king mga mata ay hindi ko pa ring naiwasan na mapangiti sa joke niya.' Pero Lia, seryoso, I'm very sorry, at sana kung nababasa mo 'to ngayon ay masaya ka na. Okay lang sa 'kin na magmahal ka ng iba pero sana kahit sa maliit na sulok ng puso mo, ay hindi ako mawala. 'Hinding-hindi ka mawawala sa puso ko, Apolinario Gomez.' Maniwala ka man o hindi pero masaya ako. Masaya akong makilala ang isang Cecilia Alvarez sa buhay ko, na nakasama kita, na minahal kita. Kahit sa kabilang buhay ay mamahalin pa rin kita. 'I will always love you, Pol, and I'm very thankful, dahil kahit sa isang parte ng buhay ko ay nakasama kita, na minahal kita.'

Ang poging nagmamahal,
Apolinario Gomez

Matapos kong basahin ang sulat na iniabot sa 'kin dati ni Pau, ay nagpunas ako ng aking mukha. Hindi ko pa ring maiwasang humagulgol.

Pagtingin ko sa kalangitan ay saktong papalubog na ang araw, inilibas ko ang camera na dala ko, at kinuhanan at kahel na kalangitan na natatakpan ng konting dilim ng ulap.

Maybe we our only destined to love each other for a short period of time. But in a short of period time, I'm happy.

Apolinario Gomez, this will be the last. You'll always be in my heart but for now, I'll move on.

Tumayo na ako at sinimulang ligpitin ang sapin. Nang paalis na ako sa beach ay hindi maiwasan na tumulo ulit ang luha ko. I will always love you, even if you're not with me anymore.

-The End-

Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)Where stories live. Discover now