Matagal ko nang napapansin na tuwing nababanggit si Eric, laging apektado si Zoey. Hindi ko ito inuungkat dahil baka sensitive topic iyon para sakanya kaya hihintayin ko nalang na si Zoey mismo ang mag open up saakin.

Muli kong binalik ang atensyon sa field at napansing nagsisimula na sila. Hinanap ng mata ko si Landell at napansin na seryoso na ang mukha niya.

Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa galing niya mag-laro. 

Bigla siyang napalingon sa pwesto namin at nang magtagpo ang mga mata namin ay napako ako sa kinauupuan ko. He smiled before turning his attention back to the game. Rinig na rinig ko ang tilian ng mga babae na nakapwesto sa likuran namin.

"Ahhh! Go papa 'dell, ang pogi mo!" Rinig kong tili ni Zoey.

Bigla nanamang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Logan. Speaking of Logan, bakit wala siya sa laro?

Kinalabit ko si Zoey. "Bakit hindi kasama si Logan?"

Nang hindi tumitingin saakin ay sinagot niya ako. "Hindi siya naglalaro ng soccer."

Kung hindi siya nagsosoccer, at hindi rin naman siya sumisinghot nung bata, bakit kasama rin siya sa Rugby Team? O baka dahil magto-tropa lang talaga sila?

Napailing nalang ako. Jusko, ba't ko pa iniisip 'to.

"Go Eli! Takbo pa! Hoy Dan ayos naman sa pagsipa! Topher pag hindi mo pinasa ang bola sisipain ko ang bola mo!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ni Zoey ay kita na ang litid niya sa leeg.

Napalingon ako kay Yian at napansin ang seryoso niyang ekspresyon. Kagat-kagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya at ang mga mata niya sobrang focused sa laro. Bigla namang umaliwalas ang mukha niya at nang mapalingon ako sa field ay napansin kong naka-score pala si Elijah.

Napataas ako ng isa kong kilay.

Natapos na ang laro at nanalo naman sina Landell. Tuwang-tuwa si Zoey, iyon pala ay dahil nagpustahan sila ni Aria. Ang pusta ni Aria ay matatalo sina Landell samantalang kabaliktaran naman ang kay Zoey.

"Salamat sa limang daan, Riabells!" Nakangising sabi ni Zoey bago tumayo. "Oh paano ba 'yan, laro na namin. Puntahan ko na sina coach doon ah."

Nang makaalis si Zoey ay napansin kong nakatingin saakin si Aria.

"Hi?" Nagtataka kong bati.

She had a blank expression on her face. "Pusta?"

"Huh?"

"500 pesos."

Kaagad ko namang naintindihan ang sinabi niya. Gusto niyang makipagpustahan saamin kung matatalo o mananalo ba sina Zoey.

Medyo takot parin ako kay Aria kaya tumango nalang ako.

"Panalo." Sabi niya. 

"Uh sige, pusta ko talo sila." Wala naman akong choice dahil dapat opposite nga kami ng choice. 

"Kasali ba ako?" Nagtatakang sabi ni Yian.

"Ikaw." Tipid na sagot ni Aria.

"Sige, pusta ko, tie sila ng kalaban!" Sabi ni Yian. Tumango nalang si Aria at muling binalik ang tingin sa field kung saan magsisimula na ang laban nila Zoey.

Napalingon naman ako at nanlaki ang mata nang mapansin ang pag-upo ni Logan sa tabi ni Aria.

"Zoey told me to sit here." Seryosong sabi ni Logan.

"Okay." Matipid na sagot ni Aria.

Hindi ko maiwasang mailang dahil sa pagdating ni Logan pero hindi ko nalang iyon pinansin. Binalik ko nalang ang tingin sa field at pinanood ang laro.

Makalipas ang ilang saglit ay nakarinig ako ng tilian mula sa likod. Wala namang kakaiba sa laro kaya bakit sila nagtilian? 

Nasagot ang katanungan ko nang mapalingon ako sa pwesto ni Aria at napansin ang pagupo nila Elijah, Landell, Daniel at Topher sa tabi ni Logan. Medyo basa ang mga buhok nila na halatang bagong ligo at hindi narin ang soccer jersey ang suot nila.

"Hi Bea!" Ngiting sabi ni Daniel. Binati rin ako ng iba maliban kay Elijah na nakatingin kay Yian sa tabi ko. Nilingon ko si Yian at napansing diretso lamang ang tingin niya sa laro. Nang ibalik ko ang tingin kay Elijah ay nakatingin na ito sa field.

Ginantihan ko naman sila ng bati. "Congrats nga pala sa laro." Naalala kong hindi ko pala formally napapakilala si Yian kaya kinalabit ko si Yian. "By the way, si Yian nga pala, best friend ko."

Ngumiti si Yian. "Hello sainyo."

"Hi Yian, may boyfriend ka na?" Sabi ni Topher. Natawa naman sila Landell at Daniel at ako naman ay napailing nalang habang nakangiti. Alam kong nagbibiro lang si Topher dahil palabiro talaga siya. "Joke lang, ako nga pala si Topher, nice to meet you."

"Landell nga pala." Sabi ni Landell at ngumiti. Naramdaman ko ang pagsiko saakin ni Yian pero hindi ko nalang iyon pinansin.

"Daniel here!" Pagpapakilala ni Daniel.

Hindi naman umimik sina Logan at Elijah kaya si Topher nalang ang nagpakilala sakanila.

"Si Elijah nga pala 'to," turo niya kay Elijah. "At 'yan naman si Logan. Huwag mong pansinin 'yang mga yan, mga pipi yan eh." Natatawang sabi ni Topher. Ngumiti nalang si Yian pero napansin ko ang pagkailang niya nang mabanggit ang pangalan ni Elijah.

Bigla namang naghiyawan ang mga tao. Binalik namin ang tingin sa field at napansing nakascore ang kalaban nila Zoey. Napatingin ako kay Zoey at napansin ang inis nitong ekspresyon sa mukha. Nakabusangot siyang lumingon saamin.

"Zoey pag natalo ka kakainin ko ang cookies mo!" Sigaw ni Daniel. 

"Zoey pag natalo ka hindi ka na tatangkad!" Sigaw naman ni Topher. Tinaas naman ni Zoey ang middle finger niya kay Topher. Natawa naman ang huli.

Napangiti naman ako. Ganitong ganito din si Zoey kanina nung sila naman ang naglalaro. Ang cute naman nilang magkakaibigan. Naalala ko tuloy sina Ulap.

"Zoey pag nanalo ka bibilhan kita ng milktea!" Sigaw ni Landell. Napalingon naman si Zoey at ngumiti.

"Kahit kiss mo lang papa 'dell sapat na!" Biro ni Zoey at nagflying kiss pa. Tumawa lang si Landell. Muli ay binalik na ni Zoey ang atensyon sa laro.

Natapos ang laro at nanalo naman sina Zoey. Naramdaman kong may kumalabit saakin at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Aria na blanko parin ang ekspresyon sa mukha habang nakalahad ang isang kamay.

Puno naman ng pagtataka ang mukha ko nang may bigla akong maalala. Napanguso nalang ako at kinuha ang wallet ko. Dahan-dahan kong nilabas ang limang daan at matagal itong tinitigan.

Limang daan din 'to...

Hindi na ako nakaangal nang biglang hablutin ni Yian ang limang daan ko at pinagsama iyon sa limang daan niya bago iabot kay Aria. Tinago naman ni Aria 'yon sa wallet niya.

"Ang limang daan ko.." Nanlulumong sabi ko.

"Okay lang 'yan Bea barya lang naman sa'yo yan." Sabi ni Yian.

"Anong barya hoy? Baka nakakalimutan mo, nakadorm tayo kaya nagtitipid lang tayo." Giit ko sakanya habang sinasamaan siya ng tingin. Nagkibit balikat lang siya.

"Here." Nagulat ako nang may iabot saakin si Aria. Nang makita ko kung ano iyon ay naging blanko rin ang ekspresyon ng mukha ko.

Abutan daw ba ako ng limang piso.

- - -

END OF CHAPTER

Pilosopong Boyfriend (To be published under LIB)Where stories live. Discover now