"I'm fine Dad. And yes medyo ready na po ako. Hehe."

"How about Maine?"

"I think ready na talaga sya Dad. Sa korea kasi nakatira yung mga idols nya. Yung EXO. Kilala mo ba yun Dad?" 

"Ah yes. Naririnig ko sila dito. Sikat sila dito sa Seoul. Pero Princess, ano yung ibig sabihin ng kay Chanyeol? Your mom told me about him."

" Daddy, fake date lang naman yun eh. Syaka please wag ka maingay huh Dad? Bawal yun ipagkalat eh. " 

"Okay Princess. You know you can always count on me. Oo nga pala, naaalala mo pa ba si Jinho? Yung kababata mo dati?"

"Yes Dad. Why'd you ask?"

"Nasa Seoul na sila ngayon." nagulat ako sa sinabi sakin ni Dad. Si Jinho nasa Seoul na? OMO! Talaga? Talagang talaga? Wahhh. Kung nagtataka kayo, Si Jinho yung childhood friend ko from Korea. Kaya lang kami nagkahiwalay ay dahil pumunta sila ng States. Wahhh namiss ko yung mokong na yun!

"Talaga Dad? Wahh I'm excited na makita sya ulit."

"I guess he's excited to see you too. Osige na, I have many works to do pa. Ingat kayo sa flight bukas! I love you."

"Okay Dad. Thank you and I love you too." tapos ay ibinigay ko na yung phone kay Mommy. Pumunta na akong kwarto ko para magpalit ng damit at magpahinga. Nakita ko sa table ko yung phone ko. Nakalimutan ko pala yun dalin kanina. Kinuha ko iyon at nakita ko na may 4 na missed calls si Yeol sakin at 1 message. Binuksan ko yung message.

"Althea, bakit di mo sinasagot yung mga tawag ko sayo? Bukas na yung flight nyo diba? Tawag ka sakin pag nabasa mo 'to ah?" Iyan ang nakalagay sa text nya. I cant help but to smile. Para akong kinikilig na ewan sa text nya.! Aynako Althea! Tumigil ka nga! Ang landi mo! Hahaha. Umayos ako sa pagkakahiga ko at saka sya tinawagan. Sinagot din naman nya agad iyon.

"Hello Althea."

"Hello Yeol. Bakit ang dami mo palang missed calls?"

"Wala lang. Hehehe. Anong oras pala yung flight nyo bukas?"

"10AM eh. Bakit?"

"10AM? Sige. Tutal wala naman kaming schedule bukas, susunduin ka namin sa airport."

"Uy wag na! Nakakahiya naman!" 

"Hindi ah! Gusto rin naman nila na sunduin kayo."

"Haha. Sige. Kayo bahala." nagusap pa kami ni Yeol ng kung ano anong bagay. Nang wala na kaming mapagusapan ay ibinaba na namin yung tawag. Umayos ako ng higa at syaka natulog na. Medyo mahaba pa ang byahe namin bukas papuntang Korea.

**

Kinaumagahan ay maaga akong ginising ni Mommy. Mabuti na rin daw ang maaga kesa mahuli kami sa flight namin. Kumain na kami ng breakfast at hinanda na yung mga maleta namin. Naligo na ako at nagbihis . Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako. Nakita ko si Mommy na nakahanda narin sa may living room.

"Ready ka na ba baby?" tanong nya sakin

"Yes Mom."

"Sige. Tara na?" tumango ako. Tinulungan ko si Mommy sa pagdala ng mga maleta namin. Tumingin muna ako sa bahay namin for the last time at sumunod na kay Mommy pasakay ng taxi. Dinaanan namin si Maine sa kanila at dumiretso na kami ng airport. 

"Wahh Althea, excited na ko makapunta ng Korea. Omo omo!" tatalon talon si Maine habang papunta kami ng eroplanong mismong pagsasakyan namin. Nang makapasok na kami sa loob ay umupo kami sa may bandang gitna. Si Maine sa may bintana tapos ako atska si Mommy. Nilagay ko yung headphone ko sa tenga ko at nag soundtrip nalang. Pinikit ko ang mga mata ko. Mukhang mahaba habang byahe 'to. I just wish na hindi ako ma-jetlag.

Dating Park Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now