Kaibigang Tunay

9 1 0
                                    

Isang kaibigan, na dadamayan ka sa hirap at ginhawa. Mauunawaan ka kahit hindi ka pa man nagkukwento ng kahit na ano.

Kaibigang malaya mong maipapahayag ang nararamdaman mo.
Kaibigan na nakikigalak sa pag-angat mo,
Kaibigang hahatakin ka paangat kapag alam niyang pabagsak ka na.

Kaibigan nakikisabay din sa pagiging baliw mo,
Kaibigang alam ang kahinaa't kalakasan mo, pero kailanman hindi niya ito ginamit o inabuso.

Isang Kaibigang alam kung kelan ka seryoso
at alam kung kelan ka nagbibiro.
Isang kaibigan handang maglaan ng oras kapag kailangan mo nang makakausap.

Kaibigang nanggagalaiti sa galit kapag nalaman niyang ika'y nadehado.
Kaibigan susuportahan kang maabot ang mga pangarap mo.

Kaibigang mas pipiliin ka kaysa sa ibang tao...
At kaibigang kahit hindi mo hinihingian ng tulong ay nararamdaman niyang kailangan mo ng kaniyang tulong.

Kaibigan, na kailanman hindi mo matatagpuan dito sa mundo at sa kahit na kanino.

Kaibigan Tunay
Sa panulat ni Yhin2x
061116-115pm

Compilation of MY Poems (Random)Where stories live. Discover now