Sa Apec, Ikaw ba'y mangmang o may alam?

31 4 0
                                    

"Sa APEC : IKAW BA'Y MANGMANG O MAY ALAM?"
-yhin2x (111915)

I.
Yung totoo,Nasan ang mga utak ng mga nagp-protestang iyan?
Anong pinaglalaban niyo? Pakilathala lang.
May nagawa na ba kayo para sa ikauunlad ng bansang ito.
Wala naman dahil ang alam niyo lang- manggulo!

II.
May naka abot sa akin, sumama lang naman sila-
Kase may makukuha sila after rally? Ayos di ba?
Iyan ba ang ipinaglalaban nyo, ang perang makukuha niyo pagkatapos?
Pilipino nga kayong totoo at sa lagay niyong iyan, proud pa kayo.

III.
Tanungin niyo bawat isang sumali at nakidutdot.
"Kung bakit ayaw nila sa APEC?" Pakinggan mo sila, ni walang maisagot.
Hay naku! Kaya buhay niyo di man lang umunlad
Try niyong kayang magsipag, magulat kayo buhay niyo'y umaangat! Umuusad!

IV.
Hindi ako kampi sa kampo ni Pres. Aquino.
Hindi lang ako nakikigulo, kase naalala ko may pinag-aralan nga pala ako.
Kaya hindi ako mangmang sa kahalagahan ng APEC na iyan
Dahil naniniwala ako, pagdating na araw- makakatulong din iyan sa bayan.

V.
Last na ito, Ang EDSA, may APEC o wala- forever trapik dyan- kuha mo?
Sa mga na-delay sa pagsakay sa mga eroplano,
Isipin niyo na lang, ambag niyo iyan para sa ikauunlad ng bayang ito.
At para sa mga tambay diyan. Kalma lang, wag magpagamit sa mga matatalinong pulitiko.

VI.
Nagsimula din kami sa wala
Pero ngayon masasabi kong asenso na.
Pero dahil iyon sa sipag at tyaga,
Nang mga taong tulad nina ama't ina.

VII.
Sila 'yung hindi umasa sa mga salita.
Nang balat kayo nating mga nasa pulitika.
Dahil alam nilang kapag ang lahat ay iniasa sa gobyerno.
Tyak hindi namin mararanasan ang pag asenso.

VIII.
Ang nais ko lang naman,
Tama na ang pagsisihan.
Oo, ang gobyerno may ambag sa kahirapan.
Subalit naisip, baka mas malaki ang ambag ng taong may taglay na katamaran.

#memasabilang

PS. Point of view daw ni yhin2x.

Compilation of MY Poems (Random)Where stories live. Discover now