Maling aliw

42 5 1
                                    

Pamagat: Maling Aliw

sa Panulat ni: Yhin2x




Mahal mo ako, mahal din kita.

Nagmamahalan tayong dalawa

Subalit ito ay sala sa mata ng madla

Dahil ikaw mahal ko, ay may asawa na.



Malandi, kabit, kirida

Iyan ako sa mga mata nila

Oo masakit, pero tanggap ko na

Isa akong makasalanang nagbibigay sayo ng saya.



Hindi ko na maalala kung paano nagsimula

Basta dumating ka sa buhay ko sa panahong itinakda

Nagkapalagayan ng loob kaya nabuo ang pagtitiwala

Nagbabahagian ng kasiyahan pati na din sa problema



Minsan nabanggit mo, sa iyong asawa'y ika'y may problema

Ako naman itong si tanga, ako ang nag kalinga

Sinungkit yaring damdamin kaya puso ko'y iyong nakuha

Ganu'n din ikaw, kahit di pwede minahal mo ng di sinasadya.



Madalas mong sabihin, "Sana Ikaw na lang"

Oo mahal ko, pwedeng ako na lang?

Subalit kahit hilingin ko ang iyong buong pagsinta

Hindi din pwede sapagkat, ikaw sa kaniya'y nakatali na.



Mahal kita, mahal mo ako, mahal mo din ang mga anak mo sa kaniya

Kailangan ko pa bang ipagsisikan ang sarili ko sayo, sinta?

Pumayag ka man ay marahil ay di ko na kayang masikmura pa

Na ako 'yung anay sa nauna mong binuong pamilya



Oras na siguro para kalimutan ka,

At talikuran na itong maling pagsinta

Dahil ayoko na at ako'y pagod na

Ang magnakaw ng oras makasama ka lang sa tuwi-tuwina.






















Compilation of MY Poems (Random)Where stories live. Discover now