Palayain ka para sa kaniya

23 4 0
                                    


Inspired by Ms Apple.


Binalak kong angkinin ka.

Pinangarap kong ika'y  maging akin na.

Dinalangin kong sana'y ikaw na nga.

Ngunit ang lahat ng ito'y hindi tinugon ni Bathala.


Sa pag-ibig, sadyang ako'y makasarili,

ni ayokong magkaroon ng sinumang kahati.

Ngunit ang pag-ibig mo'y sa'kin 'di maitatali,

sapagkat sa puso mo, siya na ang nakabinhi.


Sa piling ko kaya ika'y magiging masaya

Kung ipagpipilitan ko sa'yo ang aking pagsinta?

Napagtanto ko na di kakayanin ng akong konsensiya,

na buo ako habang ikaw ay nakikita kong pasira.


Sa desisyon na gagawin ko, sa mata nila ako'y magiging hangal.

Ayos lang, kaya kong maisuko ang aking natitirang dangal.

Makita ka lang masaya sa piling ng iyong mahal.

Kaya palalayain kita para sa kaniya, O aking mahal.




06072016 / 7:26 pm

Boulevard, Dumaguete City

Compilation of MY Poems (Random)Where stories live. Discover now