Kasabay ng Alon

57 6 6
                                    

‪#‎PostTulaChallenge‬

Tagged by: @MesuMei (patay sa akin ito haha)

Theme: Alon (wala ako ideya tsk)

Title: "Kasabay ng Alon"

I

Kasama, kabiyak, karamay

Mahal ko, ikaw lang sa aking buhay

Ikaw ang bumuo sa pangarap kong walang kapantay

At ikaw ang tinutukoy sa pag-ibig na tunay

II

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon

Nagpasya tayo nasa probinsya na lang magbakasyon

Lulan tayo ng barko papunta sa Romblon

At naniwala panahon sa atin ay aayon.

III

Subalit isang trahedya ang nagpalayo sa ating dalawa

Isang trahedyang kalikasan ang may gawa

Isang nagngangalit na bagyo ang sa lahat ay sisira.

At ito ang dahilan kaya pangarap ko bigla ring mawawala

IV

Mula sa malayo ay natanaw pa kita

Wala kang malay habang nakalutang ka

Lumangoy palapit sa'yo para sana kunin ka sinta

Subalit dahil sa alon, mukhang magiging imposible pa.

V

Sa kada kampay ng mga kamay ko palapit sa'yo

Ay siya namang tulak ng alon sa iyo palayo

Kulang na lang lunurin pati yaring puso

Dahil tanaw na tanaw ko ang unti-unti mong paglayo

VI

Ako'y sa kailaliman ng tubig napalubog

Dala ng mga taong sa aki'y pilit yumuyugyog

Nang hindi ka na natatanaw, isip ko'y nabulabog

Pakiwari ko'y pati pangarap ko'y kasamang lumubog

VII

Ngayon sinta isang taon na ang nakakalipas

Mula sa trahedyang iyon na tila hindi man lang kumupas

Mula sa mga alon na ito na sa kinatatayuan ko'y humahampas

Nawa makarating sayo ang pangungulilang aking dinaranas.

Compilation of MY Poems (Random)Where stories live. Discover now