Chapter 14.1

37 23 7
                                    

Chapter 14.1

~

Bumungad samin ang nag nag aayos na si Taylor Swift-- Jade sa room. Ngumiti lang siya saglit at binalik na din ang atensyon sa pag aayos ng gamit.


Nakahanay angtatlong mga higaan at dumiretso ako sa pinaka dulo kung saan ay glass window at sa labas ay may veranda pa.


Buti nalang at hindi ito ang pinili niya, tss. Si Rae naman ay pabagsak na tinilapon ang sarili niya sa gitnang higaan.


"Grabe, nakakapagod!"


"Kala mo naman siya nag drive, tss." Sambit ko at inilagay lang ang luggage sa may gilid at pinasadahan ng tingin ang paligid.


The room looks cozy.


Sa pinaka unahan, kung saan ay ang pwesto ni Jade ay may lampshade. Ang mga higaan ay purong puti gaya ng sa kulay ng kalapati. Ngunit meron itong sapin ng pirasong tela na nakatupi pahaba na waring sash na isinabit na kulay krema sa gitna at ang sa magkabilang gilid ay kulay naman ng mga dahon tuwing taglagas na parehas ang kulay nang sa nakasabit na kurtina.


"Kahit na no, nakakapagod pa din."


"E di magpahinga ka, wag kang bumaba a."


Binato ako nito ng unan buti naman at nag angat ako ng tingin dahil pupunta ako sa banyo sandali kaya nasalo ko ito.


"Kanina ka pa ha!"


Hinagis ko nga din sa kanya, ayun sapul. Nginisihan ko lang siya saka nagtungo na sa CR. Naghilamos lang ako ng mukha sandali and tied my hair in ponytail. Tanging ang bangs ko nalang ang tumatakip sa mukha ko.


And then i went out.


"Nasa baba na sila, kakain na daw. Sunod na kayo ha, mauna na ko..." Sabi pa nito, malumanay ang boses habang hawak si isang kamay ang cellphone niya.


Nakatali na din ang buhok nito in pony na kaninang nakaladlad gaya ng sakin. Suot ang isang sleeveless red floral dress.


Nakatingin ito sa akin, sa pagkakataong 'to ay naghihintay ng sagot kaya tumango lang ako.


"Great, baba na din kayo ha." Dagdag pa nito saka nagtungo na sa palabas ng pinto.


"Hindi ka man lang maghihilamos or what? Bababa na din ako." Aniya ko habang pinupunasan ng towel ang mukha ko.


She yawned. "Wait, five minutes pa--"


"Tss, that's a statement not an invitation that i uttered. Who said na i'll wait for you? Sino ka para hintayin ko?" Kunot noong pahayag ko.


Pinihit nito ang ulo na nakaharap sa kabilang direksyon patungo sa akin habang nakahiga pa din at tumingin ng masama.


Bitchessang sarkastikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon