Chapter 12

1.6K 25 0
                                    

Sa poder ni France muna nagpalipas ng ilang buwan si Naomi at ang pamilya niya.Ilang linggo simula ng pumunta ng America si Lionel at Margarita ay nagpadala ng tauhan si Margarita para imbestigahan ang pagkatao ni Naomi.Nang malaman ni Margarita ang pagtulong ni Lionel sa pamilya ni Naomi ay agad niya itong pinalayas.Mabuti na lamang ay to the rescue ang kuya ni Lionel na si France na agad pinatuloy si Naomi at ang pamilya nito sa bahay niya.

''Maraming salamat sir France,napakalaki ng utang na loob ko sa pagtulong mo sa akin at sa pamilya ko.''wika ni Naomi kay France ng kupkupin nito ang pamilya niya.

''You dont have to thank me,im doing this for Lionel.For now i want u to continue your studies and move on.Im sure babalik si Lionel once matapos ang reconstructive surgery niya sa States.Wag mo na ring sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan.''wika ni France na halata sa mukha ni Naomi ang kalungkutan ng mawala panandalian si Lionel.

''Sana gumaling na siya,pakiramdam ko napakalaki pa ng utang na loob na dapat kong bayaran sa kanya.Nagu-guilty ako kasi hindi ko man lang masuklian ung pagmamahal at pag aaruga niya sa akin.Pakiramdam ko pabigat ako sa buhay ng kapatid mo Sir France.''wika ni Naomi ng tapikin siya sa balikat ni France.

''Hey wag ka ngang ganyan,im sure hindi magugustuhan ni Nel na ganyan ang nararamdaman mo sa kanya.Hindi mo siya kailangang bayaran dahil kusa niya itong binigay sayo.Mahal ka ng kapatid ko at kung hindi ka pa handang suklian un naiintindihan ni Lionel ang side mo.Cheer up! ''pag aaliw ni France sa mapapangiting si Naomi.

''Ate Naomi!''sigaw ni Chelsea na agad hihilahin ang bunsong kapatid ni Naomi na halos kasing edad lang ni Chelsea.

''Baby baka maputol naman ang kamay ni Helen sayo.''natutuwang wika ni France ng makitang masaya ang anak na si Chelsea.

''Daddy i share my toys to Helen,she doesnt have a doll Daddy so i gave her one!''wika ni Chelsea na agad itinuro sa ama ang doll na hawak ng nahihiyang si Helen.

''Naku Chelsea mahal ata yang doll mo,Helen ibalik mo na yan kay Chelsea.''wika ng nahihiyang si Naomi ng makitang ibinigay ng bata ang doll nito sa kapatid.

''Its ok Naomi,Chelsea gave it to Helen naman eh.''sabay ni France ng makitang akmang kukunin ni Naomi ang laruan sa kapatid para ibalik kay Chelsea.

''Ate Naomi i have plenty of toys,also Daddy will buy new toys naman ulit eh.Daddy later after school pasyal tayo sa MOA please! hindi pa daw nakapunta dun si Helen eh.Please Daddy Please!''wika ni Chelsea kay Daddy nitong si Francis na mapapatingin kay Naomi.

''Ofcourse,isasama natin ang buong family ni ate Naomi,just be a good girl today ok?''wika ni Francis sa mapapatalong sa tuwa na si Chelsea.

Napangiti si Naomi sa kabutihang loob na pinapakita ni France sa kanya at sa buong pamilya.Parehas siya ng kapatid nitong si Lionel,may mabuting puso pwera nalang dun sa isa pa nilang kapatid na si Jared.Napasimangot si Naomi ng maalala nito ang pang aasar at pang iinsulto ng isa pang kapatid ni Lionel.

''U better get ready for school Naomi.''wika ni France kay Naomi na maalala na ang oras ng pagpasok niya.

''Ay oo nga sige sir magbibihis na ako!''wika ni Naomi na tatalikod na sana ng hawakan siya sa kamay ni France.

''France nalang pede? masyadong pormal pag nilagyan mo ng sir.''nakangiting wika ni France kay Naomi.

''Sorry Sir este France pala,sige mauna na ako magbibihis pa kasi ako eh.''wika ni Naomi na agad nagmadali para magbihis ng uniporme niya.

Sa ilang buwan na pagkawala ni Lionel ay pakiramdam ni Naomi na kulang ang bawat sandali ng buhay niya.Naalala nito ang sweetness at pag aaruga ng binata sa kanya.Napaka ikli ng panahong nagkasama lang sila pero puno naman ito ng magagandang ala ala.

''Wow ang kapal ng mukha mong magpatuloy sa buhay habang ang kapatid ko hirap na hirap na ayusin ung katawan dahil sa pagkakasunog.Hindi ka ba nakokonsensiya na ikaw ang dahilan bakit nagkaganun si Lionel ha Naomi?''pang aasar ni Jared kay Naomi na manhid na sa mga sinasabi ng binata.

''Tapos ka na? baka may gusto ka pang sabihin? marami pa kasi akong ginagawa at kung hindi ka pa tapos insultuhin ako mamayang 3 break ko saka mo nalang i continue yangf pang lalait mo.''wika ni Naomi kay Jared na hindi tinantanan ang pang aasar at pang iinsulto sa dalaga.

''I heard na si Kuya France naman ang sumalo sayo at sa pamilya mo.Pamilya ng mga linta,mga taong dinadala sa awa ang lahat para makapag take advantage sa tulad naming mga mayayaman.Marunong ba kayong magbanat buto? oh i forgot hindi mo na pala kailangan kasi ginagamit mo ung awa at ganda mo para magpaibig ng mga lalake tulad nalang sa mga kapatid ko.Tell me anong kapalit ng lahat ng ito ha Naomi? Ah may i guess,your filthy body?''pang iinsulto ni Jared ng akma siyang sampalin ni Naomi at magulat ng matigilan ang dalaga.

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Jared ng makita niyang nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Naomi.Halatang galit na galit si Naomi,nagpipigil laking gulat ni Jared ng makita niyang mapakagat labi ang dalaga.Tinitiis nito ang sakit ng mga salita niya,bakit?

''Your going? ha! asan na ang palaban na Naomi na mataas ang tingin sa sarili? Hoy! Naomi!''sigaw ni Jared ng tumalikod at tumakbo papalayo si Naomi sa kanya.

Pinipigilan ni Naomi na tumulo ang luha niya habang tumatakbo palayo kay Jared.Naalala niya si Lionel,kung andito lang sana si Lionel ipagtatanggol siya nito kay Jared.Hindi siya linta,hindi siya nagpapanggap na kaawa awa.Ganun ba talaga ang ibang mayayaman tulad ni Jared,ganun ba kababa ang tingin nila sa mga mahirap.Sa fountain kung saan madalas sila magpunta ni Lionel mapapaluhod si Naomi.Binuhos niya ang lahat ng sama ng loob sa pagiyak sa tabi ng pabirito nilang upuan ni Nel.Hindi niya pansin na sinundan siya ni Jared,rinig at kitang kita ni Jared ang paghagulhol ni Naomi.He felt guilty,the last time na nakakita siya ng babaeng humahagulhol ay noong nalaman ng Mommy niya na kabit siya.She cried so hard habang si Jared ay lihim na nakatingin sa kanya.Nakaramdam ng awa si Jared,lalapitan niya sana ito ng may dumating na isang babae.Isang babaeng pamilyar sa kanya,itoy walang iba kungdi ang mommy ni Lionel, si Margarita.

''Naomi right?''matigas na wika ni Margarita kay Naomi na titigil sa pagluha at paghikbing tatayo ng makita ang isang pamilyar na babae.

''Opo bakit po?''tanong ni Naomi na namumugto at namumula pa ang mga mata ng humarap kay Margarita.

''Andito ako para iuwi ka sa mansion,Lionel needs you.''wika ni Margarita sa nagulat na si Naomi.

''Po? nakabalik na po si Lionel? ''wika ni Naomi na natuwa sa muling pagbabalik ni Lionel.

''Yes and i want u to serve my son,after all nabili ka niya sa sindikato and you owe him your life.Pag aari ka ng anak ko,kailangan niya ng katulong at ikaw un Naomi.''matigas na wika ni Margarita sabay hawak sa braso ni Naomi ng mahigpit.

''Mam nasasaktan po ako!''wika ni Naomi ng tingna siya ng mga nanlilisik na mga mata ni Margarita.

''Pagbabayaran mo ang bawat oras na naghihirap ang anak ko sa mga sunog na natamo niya.''wika ni Margarita habang nangangatog naman sa takot si Naomi at si Jared naman ay agad pupuntahan si France para isumbong ang kalagayan ng dalaga.

Itutuloy

My Master, My LoverWhere stories live. Discover now