Chapter 3

4.9K 52 1
                                    

NAOMI'S POV

Kinabahan ako habang kumakain kami sa hapag kainan kasama si Master Lionel.Hindi kasi ako marunong gumamit ng mga kubyertos na nasa lamesa kaya ung tinapay na lang ung inuna kong kainin.Napansin ata ni Master na hindi ako kumakain ng maayos kaya bigla siyang tumayo sabay lapit ng bangko sa tabi ko.

''May sakit ka pa ba?''tanong ni Master Lionel sabay dampi ng palad niya sa noo ko.

''Ok lang po ako Master.''tugon ko sabay iwas ng tingin sa mga mata ni Master.Grabe parang sasabog ang puso ko sa atensiyon na binibigay niya sakin.Pakiramdam ko para akong bata sa paningin ni Master,isang bata na uhaw sa pagmamahal at kalinga.

''Bakit hindi ka kumakain? ayaw mo ba ng steak? hindi ka mabubusog sa tinapay.''wika ni Master Lionel habang ako naman eh pilit tinatago sa kanya na hindi ako marunong gumamit ng mga kubyertos.Ung laman kasi na nasa plato parang tigas baka magkamali ako ng hiwa tumalsik pa kung saan ung pagkain.

''Master!''wika ni Yaya Ela sabay nguso ng kubyertos sa harap ng lamesa.Kainis naman si Yaya,nabuking tuloy ako na ignorante sa paggamit ng mga kutsara.Though may naalala ako noong highschool ng table etiqutte hindi ko naman na apply un sa totoong buhay.Sanay kaya ako magkamay,hindi uso sa amin ang tinidor at kutsara.

''Naomi tingnan mo ako.''wika ni Master Lionel sabay kuha ng steak gamit ang kamay at kinain ang laman gamit nito.Nagulat si Yaya Ela lalo na ako kasi nagkakamay si Master Lionel sa harap namin.Nakangiti pa ito ng yayain niya ako kumain gamit ang mga kamay ko.

''Hay naku akala ko pa naman tuturuan mo siyang gamitin ang mga kubyertos Master Lionel.''napa iling na wika ni Yaya Ela habang ako ay nag aalinlangan na gayahin si Master Lionel.

''Kain na! sige ka pag hindi ka kumain susubuan kita.''wika ni Master Lionel sabay alok sa bibig ko ng kanyang steak.

''Kakain na po ako Master.''nahihiya at natatawa kong wika na walang magawa kungdi sundin kung pano kumain si Master.Ayoko sanang magpaka trying hard na gumamit ng kubyertos baka kasi mapahiya ako kaya ayun nagkamay nalang ako.

''Wag mo nga akong tawaging Master,para akong matandang mamamatay na niyan eh.Nel nalang ang itawag mo sakin,masyado naman kasing mahaba pag Lionel nakaka bulol ng dila.''wika ni Nel na nagpahagikhik sakin.Napaka down to earth ni Nel,kahit mayaman siya at mahirap lang ako hindi alintana sa kanya ang agwat ng status namin.Naisip ko tuloy baka may crush sakin si Master,grabe naman kasi ung special treatment niya sakin simula ng bilhin niya ako sa blackmarket.

''Master (sabay tingin sakin ng nakataas ang kilay kaya agad kong binawi),este Nel pala totoo ba ung sinabi mo sakin kanina? na mag aaral ako sa university?''pangahas na tanong ko sa mapapangiting si Nel.

''Bakit ayaw mo ba? Alam kong matalino ka Naomi,actually hayz pano ba to.Siguro naguguluhan ka kung bakit ang bait ko sayo.''wika ni Nel na agad kong naisip oo nga! bakit nga ba ang bait ni Nel sakin?

''Naguguluhan talaga ako Nel,hindi ko inaasahan ang maayos at mabait mong pakikitungo sakin.''sagot ko sa mapapangiting si Nel.

''Naalala mo ba noong first year highschool ka pa,may isang transfer student na pangit,payat at lampa.''wika ni Nel na nagpalaki ng aking bilugang mga mata.

''Huwag mong sabihin ikaw si Lionel,ung Lionel na patpatin?''bulalas ko ng maalala ang dating payat na kaklase na biglang nawala ng madatnan kmi ng Mama niya na nakikipag away sa mga kaklase namin dati.

''Oo ako ang patpating kaklase mo dati,dati un tingnan mo ako ngaun oh diba hunk na hunk diba.''wika ni Nel sa matatawang si ako.Grabe ang laki ng pinagbago niya,hindi lang siya naging hunk super gwpo pa niya.Im sure marami na siyang gf, dati kasi iniiwasan siya ng mga babae sa school namin.Hay ang laki ng pinagbago niya,hindi ko inaasahan na magkikita kaming ulit ni Lionel.

''Oh natulala ka ata,crush mo na ako noh?''wika ni Nel ng mapansing nangingilid ang mga luha sa mata ko.Habang sinasariwa ko kasi ang nakaraan namin,agad kong naalala ang pamilya ko.Ang nanay at mga kapatid ko na umaasa sa pagbabalik ko samin,makikita ko pa kaya sila? Papayagan kaya ako ni Nel na makita sila? Sana...sana payagan niya akong bisitahin ang mga kapatid ko at si Ina.

LIONEL'S POV

Alam ko ang nasa isip ni Naomi,ang pamilya niya.Magkikita naman sila ulit pero hindi pa sa ngaun kailangan maayos ko muna ang lahat sa aming dalawa.Kailangan niya akong pakasalan sa maagang panahon habang wala pa si Mommy.Kilala ko si Mommy hahadlangan niya ang pag ibig ko kay Naomi.For now aayusin ko muna ang pag aaral niya,simula na kasi ng klase next week at nalulungkot ako pag hindi ko siya makasama.

''Makikita ko pa ba ang mga magulang ko Nel?''tanong ni Naomi sakin habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

''Oo naman actually sa susunod na araw bibisitahin natin sila,pero sa ngaun magpahinga ka na at maglinis amoy steak ka na kasi at pagisipan ang course na kukunin mo sa college.''wika ko ng biglang tumunog ang phone ko at makita ang text message ni Lhian.Nag excuse ako kay Naomi at agad nagtungo sa isang lugar kung saan pwede kami mag usap ng aking fiancee.Oo tama Lhian Montenegro anak ng sikat na pamilya ng mga shipping lines ng bansa ang nakatakdang mapangasawa ko.Arranged marriage sa pagitan ng dalawang pamilya na matagal ko ng tinutulan.Maski si Lhian hindi gusto ang set up naming dalawa.May mahal siyang iba parehas kami pero dahil kay Mama at sa mga magulang niya naging ganito ang buhay namin.

''Pauwi na pala si Tita next week,Nel pano to hindi pa ako ready ayokong magpakasal sayo.''wika ni Lhian na halatang tense sa kabilang linya.

''Lalo na ako,actually may magandang balita ako sayo.I finally found her Lhian. i found Naomi and shes with me right now.''excited na kwento ko sa napatiling si Lhian.Sobrang kilig niya ng malamang natagpuan ko na ang THE ONE ko.

''Im so happy for you Nel! i want to meet her please please sige na.''pagsusumamo ng childish na si Lhian.

''Yes you will meet her tommorow sa university,kukuha siya ng entrance exam.Plan ko kasi na sabay kami mag college,ipapakilala kita bukasa sa kanya.''wika ko kay Lhian na excited makita ang aking soulmate.

''Im so freakin excited pero teka alam na ba ito ni Kuya France at ni Kuya Jared? Ok lang kay Jared but to Kuya France parang magkakaproblema ka kasi more on family and tradition guy siya dba?''wika ni Lhian na agad kong pinag alala,tama nakalimutan ko ang dalawang kuya ko sa ama.

Si KUYA FRANCE ang panganay,ang Mommy niya ang the first and legal wife ni Dad bago ito namatay ng mag turn five si Kuya.Sumunod si Mommy at si Tita Rose na pinagsabay ni Dad,kaya magkasing edad lang kami ni Jared,nauna lang siya ng tatlong buwan kaya Kuya ang tawag ko sa kanya.Si KUYA FRANCE ay mga 21 years old na,maaga siyang nag asawa mga 16 pa ata ng magtanan sila ng kanyang girlfriend/fiancee na si Elizabeth na namatay after niya pinanganak si Chelsea.Five years old na si Chels,my cutest and lovable na pamangkin.Si Kuya France ang nag hahandle ng mga major business ni Dad,siya rin ang may hawak at may ari ng university na papasukan namin.Ang SAN CARLOS UNIVERSITY na pang elite at mayaman lang ang pwedeng pumasok.Kami ni Jared ang nag hahandle sa mga not so major business ni Dad, ang mommy ni Jared nasa US habang ang Mommy ko naman na si Gale nasa Europe.Nag aagawan sila na pakasalan ni Dad na ayun nag hahappy go lucky sa life, tour around the world at chicks habang kami na mga anak niya ang nagkakanda kuba sa pag aasikaso ng business niya.

''Ako na ang bahala,nainlove din naman dati si Kuya so i think he might understand me.''wika ko kay Lhian.

''Ok well im looking forward to see your so called soulmate,geh baba ko na to si boyfie tumatawag na baka pagselosan ka naman niya bye.''wika ni Lhian sabay baba ng phone habang ako ay nag iisip kung pano haharapin ang mga kapatid na kasama ang love of my life ko na si Naomi.Hay buhay sana maging maayos ang lahat,im sure magiging maayos ang lahat,relax lang Nel everythings going to be ok.

Itutuloy

My Master, My LoverWhere stories live. Discover now